Chapter 22: Slap

2 2 0
                                    

Reis avery

"Reis, gusto kita!"

Natikom ko ang bibig ko at tiningnan siya sa mata. Galit. Inis. Yon ang nakikita ko.

Si Jett? May gusto sakin?

Muli akong natawa at napapikit ng mariin. "Sorry pero hindi kita gusto"yon lang at tinalikuran ko na sya.

Malalaki ang hakbang kong lumakad sa gitna ng ulan.

Sinabi ko yon hindi para makasakit, sinabi ko yon dahil alam kong isa na naman iyon sa pantitrip nya.

At kahit sarili ko ay ayaw iyong ilabas ay wala akong nagawa dahil nadala na ako sa galit ko.

Pwede sigurong nag iingat lang ako. Ilang buwan lang noong naghiwalay kami ni Zayden. Ngayon okay na ako. Tahimik na ang buhay ko.

Hindi na pwedeng magpagago!

Narating ko ang bahay na sermon at katos ni kuya Calv ang bumungad dahil basa ako.

Gaya ng dati ay deretso sa kwarto pagkatapos ng dinner. Nagfocus ako sa sketch ng isang flutter sleeve dress na suot kanina ni Delyn. Na parang walang nangyari ngayong araw.

Dating gawi, magdadala ng milk si mom sa kwarto ko habang nagdadrawing. Pinilit kong hindi maglayag ang isip sa kung saan at kung kanino. Nagtagumpay naman ako.

Natapos ko ang dress ay napatingin ako sa frame. Wala pa akong picture ng taong reregaluhan ko non sa room kaya hindi ko pa ginagalaw.

Nag-unat at humikab akong nahiga sa kama. Pero ang akala kong tahimik ay hindi pala. Dahil pagkapikit palang ng mata ko ay sari saring bagay na ang pumasok sa isip ko.

Pinilit kong matulog pero wala.

Inaalala ko si Zayden at ate Hayley. Maganda na ang relasyon nila para sakin at hindi ko rin maiwasang matakot sa kahihinatnan ng away nila.

Christmas party. Nagdadalawang isip parin ako kung sisipot ako. Sa kung ano ang suot ko

"Reis, gusto kita! "

Wala sa sarili kong nasapo ang noo. Kahit nakapikit na ay mas diniinan ko pa ng maalala ang bagay na yon.

Kaninang pagpasok ko sa kwarto ay agad kung binuksan ang cellphone at bumungad sakin ang 10 misscalls at 25 text galing kay Jett na sa tingin ko ay hindi ko na napansin kanina sa Power Art.

Paanong magkakagusto saakin si Jett gayong alam naming pareho na may gusto siyang iba? Yong girlfriend nya na hindi naman sya boyfriend.

At kung hindi man. Andyan si Mira. Sa agwat pa lang namin ni Mira ay napakalayo na. Paanong ang isang Ryker Jett ay magkakagusto sa mukhang tibong tulad ko. Sa isang walang taste, payat, lampa at desperada.

Anggaling mong mangago Jett!

***

"Bakit ang tagal ata ng burger at yogurt ni fafa Ryke? "

Nagpatuloy ako sa pagkain at hindi pinansin si Elvis. Wala naman akong pakialam sa treat na nya dahil kaya ko namang bilhin yon.

"Siguro late lang"sabat ni Jam na kumakain ng vegetable salad. Letcheng gulay yan!

Hindi ko parin sila pinansin hanggang lumipas ang ilang sandali. Ang dalawa ay abala sa kakasilip sa table nina ate Joy animoy may inaantay.

Natapos ko ang pagkain at hinarap sila "Ano bang inaatay nyo jan? Mauuna na ako sa room"mabilis akong tumalikod nilisan ang canteen.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now