Chapter 10: Outing II

6 1 0
                                    

Reis Avery

Matapos ang dinner namin sa pinakamalapit na Restaurant ay nagbihis na ng pantulog ang lahat pero si ate Joy at Elvs ay may binabalak na naman. 

Mababaw pa ang gabi ng magset kami ng bonfire sa lawn na tanaw din ang dagat na may iilang dining boat na kumikinang ang ilaw na animoy bituin sa kalagitnaan ng dagat.

"ang lamig naman, kahit ilang bonfire pa ata hindi makakatanggal ng lamig yiiee"ani ate Joy na nakaupo palibot sa bonfire gaya namin.

Malamig talaga ang simoy ng hangin mula sa dagat at sa puno ng nyog sa gilid ng buhanginan.

Halos parang fiesta ang datingan ng malawak na lawn dahil sa ilaw ng mga hotels at pools na hanggang ngayon ay may nagnanight swimming parin.

"So ano guys? Wag na tayong maglaro... Kwentohan na lang dali!"ani naman ni ate Hayley na balot na balot ang sarili ng pulang malong.

"Bryle, simulan mo"ani ate Joy sa katabi nya.

Tumikhim si kuya Bryle dahilan para macurious naman ako sa pagkikwentohan namin.

"Noong unang panahon-"hindi naituloy ang sinasabi nya ng hampasin na siya ni ate Joy pero tatawa tawa lang syang nagkamot ng batok "Eh ano ba kasing ikikwento ko? "

Narinig ko ang buntong hininga ng iba at napahagikgik naman sina Jam at Elvis.

"Try to tell us your relationship with Ghiana-"

"Bat ako? "nanlalaki matang putol ni Ate Joy kay Zayden.

Yes, Ghiana Joy Valdez ang full name ni ate Joy.

"Ayy in dial si mother Joy"hagikgik ni Elvis sa tabi ko na kumakain ng Oishi.

"yiie ate Joy"

"Joy, nanliligaw ba si Bry-?"

"Hindi"agad na sagot ni ate Joy kay ate Hayley na may makahulugang tingin.

"Bryle, umamin ka na kasi... Torpe angputcha! "asik naman ni Jett na tinapik pa sa balikat si kuya Bryle na agad naman nitong kinabig.

Umayos ng upo si Kuya Bryle at sumulyap kay Ate Joy na namumula ng nakayuko.

Kinikilig puta!

"Kasi....ano, ahhh.. Ano.. Si joy.. Kasi-"

"A, E, i, Ohhh... Uhhh.... May torpe! "natatawang ani Elvis na ikinatawa naman ng lahat.

"Ayosin mo Bryle"ani Zayden sa nagkakamot ng noong si kuya Bryle.

"I'veconfessedyesterday"mabilis nyang sabi na halos hindi na namin naintindihan ng tumili si Elvis.

"oh my ghod!!! Mother Joy"

"Ano!? "sabay na sabay na ani Ate Hayley, Jam at Jett.

Angbilis kasi magsalita eh!

Imbis na sumagot ay napakamot na lang ulit sa batok si kuya Bryle na tinitingnan na ng masama ni ate Hayley.

"Ang lolo atech, nagconfessed na sa ating mother joy kyahhhh"tili ni Elvis na napahawak pa sa magkabilang pisnge.

Laglag naman ang panga ng iba at nabaling kay ate joy na hindi na makatingin samin.

"And? "tanong ni ate Hayley.

Napasulyap si ate Joy kay kuya Bryle na ngayon ay nakatingin na sa kanya "I...I want to tell dad first"utal na sabi nya.

Pffft, daddy's girl..

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now