Chapter 20: Pool party

2 1 0
                                    

Reis Avery

"Tombs..... "

Agad na tumamlay ang balikat ko ng makilala ang lalaking ito.

Hindi ko alam kung ano na namang trip nya at ginugulo na naman ako. Dapat ay kasama nya si Mira ngayon dahil sya ang girlfriend nya.

"Ano na naman Jett? "nauubosan ng pasensyang tanong ko.

Lumapit siya kaya natanaw ko na ang mukha nya dahil sa sinag ng stand light.

"Galit ka na naman agad, tombs"ngiwi niya kaya napairap naman ako sa kawalan.

Tangina, wala naman syang magandang sasabihin,hinila pa ako kung saan saan.

Buntong hininga akong napasapo sa noo ko at sinulyapan siya "Akala ko ba hindi ka pupunta dito at may date ka? "

Umayos siya ng tayo at namulsa sa board shorts nya "Oo nga"

Putcha! Walang kwentang kausap to.

"eh anong ginagawa mo dito? Tyaka hindi naman ako ang may birthday para hilain pa ako dito. Tangina"

Naging matunog ang buntong hininga niya at napakamot sa noo "G-gusto ko lang namang.... Humingi ng sorry, dahil don sa-"

Agad ko syang pinigilan ng hindi ko na matiis ang pantog ko "NacCR na ako, sandali"mabilis akong nagtungo sa Comfort room na malapit sa Dirty kitchen at doon nagbuhos.

Softdrinks pa Reis, Leche!

Pagkalabas ko ay agad na bumungad sakin si Jett na nakahilig na sa gilid ng pinto. "Tapos na? "

Tumanggo ako at nauna ng naglakad.  "Hindi ka ba maliligo? Kailanga-"

"E diba mag uusap pa tayo? "

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay "Ano namang pag uusapan natin? "

Nasapo niya ang ulo at bahagyang ginulo ang buhok. Parang nabagsakan ng langit at lupa."Kahit ano"

Laglag panga ko syang tiningan. Hindi makapaniwala sa sagot niya.

Ganon na yon? Walang kwenta talaga.

"At ngayon ka pa talaga nantrip? Birthday ni kuya Bryle... Bakit di mo muna sy-"

"Ano bang nantitrip ang sinasabi mo? "putol nya sakin at kinunotan ako ng noo.

Ay putcha! Hindi aware....

Nagpapasensya ko syang tiningnan kaya napakamot naman sya sa ulo nya at agad na akong inakbayan.

"Tara na nga,  wala na talaga akong magagawa pagdating sayo, tombs"iginaya nya ako pabalik sa likod at wala sa sarili akong sumabay na lang.

Pagkalabas namin sa hallway ay natanaw ko na umahon na sina ate Joy sa pool at busy na sa pagkain sa Umbrella.

"Reisigirl!  Oh my god... Anong kababalaghan ang ginawa nyo? "agad na bunganga ni Elvis dahilan para mapalingon ang iba at laglag ang panga ng makita kami.

Ano na naman bang iniisip nila?

"Jett? "takang tanong ni ate Hayley sa kambal "Akala ko may sinundo ka? "

Hinawi ko ang kamay ni Jett sa balikat ko at naupo sa upuan ko kanina.

"Hmmn, Andyan na"nguso nya sa di kalayuan.

Lahat kami ay napalingon sa isang Umbrella at natatawang nag uusap sina Kiko at Julian.

"Lol! Akala ko hindi ka aattend sa party ko Ryke? Porket nakakadrive ka na ah"tapik ni kuya Bryle sa balikat ni Jett.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now