Chapter 23: Basura

4 1 0
                                    

Reis Avery

"Yeah, pero si tito Ryko ang nagmamay ari ng shop"

Imposible!

Tulala akong nagpatuloy sa paglalakad. Wala sa sarili akong napasulyap kay Jett o siguro si Ryry.

"alam mo bang mahilig din sa drawing yong babaeng gusto nya? "

Wala sa sarili akong napatungo at napailing. Hindi pwede! Nagkakamali sya, sigurado!

"Avery? "napaangat ako ng tingin kay Erick, tauhan ni dad.

Agad ko syang pinigilan ng akma na nyang tatawagin si dad "Surprise to erick"mahinang sabi ko at sinilip si dad na busy sa pagpapainting.

"Woah, ang ganda Reisi! "manghang ani ate Joy ng makita ang mga painting ni dad na nakadisplays sa labas.

Nginitian ko lang sya at sinenyas na mauna akong pumasok para punatahan si dad.

Tahimik akong naglakad palapit sa kanya at kunyareng nagpalinga linga pero hindi nya ako napapansin dahil focus siya sa painting.

"What type of Canvas is this? "maarte ko kunyareng tanong sa isang painting na malapit sa kanya.

Maya maya pa ay aligaga siyang napatayo at napatingin sa akin. "Ave? "kunot noong tanong nya kaya natawa naman ako.

"Dad, hmmn... Bibisita lang"

Isenenyas ko ang mga kasama ko at kumaway naman sila. Isa isa na silang pumasok at ibat ibang puri ang binungad sa mga painting.

"Ang galing! Meron din po bang work dito si Reisi? "tanong ni ate Joy kay dad kaya napakamot naman ako sa batok ng maalalang noong nakaraang taon pa ata ko nagkapagpaint pero agad ding nabili.

"Nabili na eh, alam mo na mabenta"biro ni dad na ikinatango tango naman ni ate Joy.

Naupo ako sa kaninang inuopuan ni dad at tinitingnan ang pinipinta niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang babaeng nakagreen sweater habang nakatakip sa mukha ang buhok.

Medyo pareho don sa sketch ko sa sarili ko sa pad perosigurado akong hindi ko naman ito kamukha.

"Nagpapainting ka ijo? "

Napalingon ako kay dad na ngayon ay nakamasid kay Jett na nasa tabi ko na pala at pinapasandahan ng kamay ang ibat ibang size ng paint brush.

Tumanggo siya kay dad "Natuto lang po sa asawa ng tito ko"

Delyn?

Nasapo ko ang noo ko at agad dong napasinghap ng biglang lumingon sakin si dad. Ano na naman?

"Si sya? "

Laglag panga akong napandilatan ng mata si dad dahil sa tanong niya.

Lintik na 'sya' yan!

Napasulyap ako kay Jett at nakakunot na ang noo nito sakin.

"H-hindi dad"alinlangang tugon ko dahilan para muling maibalik ni dad ang tingin kay Jett.

"Ahhh,  mahilig naman sa drawing ang anak kong si Ave"tango niya kay Jett.

Alam nya!

"nagdadrawing din po ako"bahagya ng lumayo si Jett kaya nakahinga naman ako ng maluwag.

"Hmmn, maganda yan....kaibigan mo si Ave ano? "

Napasulyap ako kay Jett at ganon din sya sakin. Alam namin pareho na malabo ang bagay na yon sa amin kaya agad na akong napatingin kay dad.

"ahh dad-"

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now