Chapter 3: Jersey

6 2 0
                                    

Reis Avery

"Mali, maling mali ate Joy-.... Ang tanga ko eh"pinahid ko ang luhang lumandas sa pisnge ko at napakamot sa batok.

Kinwento ko sa kanila ang nangyari pagdating ng last period dahil walang klase ang lahat. May meeting ang mga teachers about sa Interhigh.

Hindi ko na naisip ang hiya sa mga kaharap ko ngayon, dahil alam kong nagkamali ako. Hindi ko naisip ang nararamdaman ni ate Hayley na sa ganda ng pakikitungo nya sakin ay iisipin ko pang lolokohin nya si Zayden. Ang tanga ko eh.

Nagmukha akong desperada, na babaeng habol ng habol.. Nakakababa ng pride.. Wengya!

Niyakap ako ni ate joy at bahagyang pinitik sa noo "Ano ka ba Reisi? Maiintindihan ka naman nila eh.. Wag mong idown ang sarili Mo"tinapik tapik nya ako sa likod at humilig sa balikat ko.

Andito kami sa Lawn sa garden kasama si Jam at Elvis, nakisungalngal din Jett na panay lang naman ang sipol sa tabi.

Noon pa man, kapag may problema ako kay Zayden, si ate joy lang ang napagsasabihan ko ng nararamdaman ko. Pinapagaan nya ang loob ko at ginagawang positive lahat kahit halata namang negative na una pa lang.

"Galit sya, ate joy... Wala naman akong masamang intensyon eh.. Pero kasi-"

"Shhshsh, intindihin mo na si Zayden.. Nabigla lang yon pero huhupa rin yon promise"inilagay niya sa likod ng tenga ko ang takas na hibla ng buhok ko.

"Hindi ko naman sinasadya ate joy,  baka pati si- ate Hayley... lumayo na sakin.. ,ang ganda ng pakikitungo ng tao sakin tapos...tapos pinaghinalaan ko pa syang nagloloko"

"Hindi Reis, hindi naman magagalit yon eh....sigurado ako maiintindihan ka nya"

Hindi ko na alam kung ano ang hitsura ko ngayon. Hindi ko na talaga napigilan ang nararamdaman ko eh. Ayuko sa lahat yong may hindi pinag uusapan at kailangan pang patagalin bago ayosin. Napatakip na lang ako ng sariling mukha sa inis sa sarili ko.

"Tss...Iyakin"palatak ni Jett sa gilid ko.

"Ano ba Ryke?  Hindi ka nakakatulong!"sita sa kanya ni ate joy pero hindi ko na sila pinansin.

Pinahid ko na lang ang mga luha ko dahil angpanget tingnan na para akong bata na umiiyak.

"Oh bakit? baka nakakalimutan mong pinaghinalaan din ako ng iyakin na yan? "bahagya pa nya akong inginuso dahilan para hampasin na sya sa paa ni ate joy.

Kung anong bait ng kakambal nya, ganun sya kasama sakin. Hindi talaga ako makapaniwala na kambal sila...

"Sege, dumada ka pa Jett, baka gusto mong mabatukan? "tiningnan ko ng masama si Jett pero inirapan nya lang ako na parang babae.

"Ayy taray ni Reisigirl, umiiyak na't lahat.. Sadistahin parin kay fafa Ryke! "

Second the Motion sigurado na si Jam.

"Elvigirl,mas mataray ang irap ni kuya Ryke haha, pero alam kong may Infallible Fresh Wear Concealer ka jan para sa mugtong mata ni Reis oh" ani jam.

See?, basta na magkasama tong dalawa.

"Oh my god talaga, Elvs? "manghang ani ate joy na bahagyang lumayo sakin.

Natawa naman si Elvis sa kanya "Olay foundation I have pa haha. ... Kapag mayaman na aketch ate Joy, ibibili kita"

Napapout naman si ate joy at humilig sakin na parang sya pa tong may malaking problema.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now