Ryker Jett Addison's POV

4 2 0
                                    

Ryker Jett

"Bus stop, Bryle" ibinulsa ko ang balat ng Fresh Mint candy na may nakasulat pa sa likod na 'Have a Good Day'.

"Kasalanan mo yan eh, iinom inom kasi.. Buti nga nawalan ng Kotse"biro ni bryle sa cellphone.

"Damn you, ayan na ang Bus... Geh na"

"Ingats Ryke"

Well, hindi ko naman pinagsisihan na habolin si Mira. Hindi ko kasi matanggap na kailangan nyang umalis at hindi pa nagpaalam.

Isa pa, matagal na yon at kailangan ko na talagang sanayin ang sarili ko sa pagco-commute.

Ibinulsa ko ang Cellphone at kamot batok na sumakay sa Bus. I was busy searching for my seat when someone caught my attention.

Nag aantay pa rin ang Bus sa ibang passenger kaya nanatili akong nakatingin sa isang tomboy na natutulog at nakahilig sa bintana.

Have a Good Day pala ah, buhahhaha!

Sayang ang ganda nito kung magiging tomboy lang din. Naupo ako sa tabi nya at inilabas ang Moleskine Art Plus Sketchpad ko at dinrawing siya. Interesting!

Umuwi akong maganda ang tulog dahil sa tomboy na to. Pagod din kasi sa practice pero okay lang dahil kababalik ko lang naman sa basketballl.

The next ay nakita ko ulit si Miss tomboy at ang pangit ng taste nya sa pananamit. Tinawag ba naman akong bakulaw at kolokoy.

"kahit hindi ko inilagay ang mukha ng babaeng to makikilala sya ng lahat lalo na kapag lagi mo syang kasama, you know why? Bawat isa naman satin may sari sariling taste sa clothing, kaya kapag iginuhit mo ang isang tao, ayon sa style nya makikilala mo yon... Pwera na lang kung ibang mukha ang inilagay mo sa sketch kahit hindi naman talaga dapat right?"

"at kapag nangyari yon makikilala parin sya ng lahat maliban sa isa"

" yong nagmamay ari mismo ng katawan ng sketch"

Ang babaeng yon ay pangarap ko talaga. Gusto kong makilala yong babaeng yon na ganon ang style ng suot.

Natatawa ako dahil hindi sya naniniwala sa mga sinasabi ko. Napansin ko medyo payat siya pero ang ipinagtataka ko ay pinipilit nyang hindi naman sya tomboy.

But one thing that makes me more interested to her is for being Sketch lover. Nakakatuwang hindi lang pala ako ang marunong sa sketch dito sa school.

Napansin ko ang awkward niyang sitwasyon kapag nasa tabi si captain kaya ng minsan kung sinamahan si Baby Ryz sa locker ay napag isipan nya pa akong lalaki ni Baby Ryz at nagloloko ang kambal ko kay captain.

Ex siguro.

Hindi ko alam kung nagkakataon lang ba pero lagi ko na lang syang naabutan sa Bus o kaya naman ay pareho kami ng Vacant.

Nakakatuwa talaga siya at ang sarap nyang asarin. Naalala ko sa kanya si Mira, laging masungit yon kahit mas kilos lalaki pa sakin.

Kahit sadista at panay ang mura ni Tombs ay iyakin pala to pagdating kay Zayden.

Dahil papalapit na ang Interhigh ay kailangan ng panibagong Jersey para samin at ako ang obligated para sa sample. Kaya ayon at ng maalala na si Tombs ang magaling sa clothing ay inabangan ko na sya kahit ilang araw ang iwas nya sa kambal ko.

Marami akong napainting last night sa Power Art kaya sya lang ang pinagdrawing ko ng Sample at tulog lang ang ginawa ko.
Maganda naman ang sample nya kumpara sakin pero dinagdagan namin ng men's basketball sticker na sketch din nya, wala ring mukha.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now