Chapter 11: Outing III

2 1 0
                                    

Reis Avery

Dumating ang tanghali ng magising ako dahil itinuloy ko ang pagtulog kanina.

Pinakiramdaman ko pa ang paligid pero hindi pa rin dumadating ang mga kasama ko.

Naisipan kong maglakad lakad sa mga talipapa ng maramdamang wala na ang sakit ng ulo ko.

Nagsuot lang ako ng grey sando at white Cuffed boyfriend bermuda trousers na flip-flops lang ang sa paa.

Naglalakad lakad ako sa mga souviners. May necklace, bracelet, anklet, headband, earrings, bag, purse, displays, luckycharm, keychain, at marami pang iba na gawa sa shells.

Dumaan din ako sa mga Souviner shirts and pants, andyan din ang swimwear,both one piece and two piece bikini, swimming trunks for men and kids. May mga hawaii trousers and polo na nakahang.

Sa sumunod naman ay sa mga Air pumps life jacket at yong life vest for rent.

Naagaw ang pansin ko sa makukulay na souviner shirt na may tatak na 'I love Coco',  'Love CBR', 'Best Coco Beach'at marami pang iba.

"Dalawa pong shirt, both white"

Tatalikod na sana ako ng marinig ang pamilyar na boses na yon. Bumaling ako sa bintahan ng souviner shirt ng may lalaking topless doon at mukhang basa pa dahil tumutulo pa ang tubig mula sa buhok nya.

Ng humarap siya ay kumunot ang noo ko ng ibinato ni Jett ang isang shirt sa mukha ko matapos ay isinuot naman niya ang isa.

"Para saan na naman to? "takang tanong ko ng akbayan na nya ako at igaya sa kung saan.

"Try mo kainin, bobo lang"sabi nya na pinitik pa ako sa tenga.

Isinampay ko ang shirt na may Tatak na 'COCO Resort' sa balikat ko at tumingin sa dinadaanan namin "San ba tayo pupunta? "

"Kakain"

Napahawak naman ako sa tiyan ko ng maalalang tanghali na nga pala. "San na ba ang iba? Bakit nandito ka? "

Isa pang pitik sa tenga. Leche.

"kakain"

Tamo to? Ang ganda ng sagot.

"Putik na yan"

Ng akma na nya akong pipitikin ulit sa tenga ay inunahan ko na sya ng siko sa tagiliran "masakit yan, ulol! "

Sinamaan na nya ako ng tingin pero inirapan ko lang sya. "Walang habas yang bibig mo,tombs"

Nakarating kami sa isang talipapa ng kakanin. May isang babae doon na nasa mid 30's. Nakasuot siya ng balloon sleeve blouse at magulo ang buhok nyang may maliliit na trintas. Hindi rin maayos ang pagkakalagay ng lipstick sa labi nya.

"Kuha ka na,payat"nguso ni Jett sa mga Bibingka, meron ding Puto, bamboo cake, maha, kutchinta, at marami pang iba.

Naghanap ako ng palabok pero mukhang hindi uso sa kanila ang mga pasta at pansit dito.

"Ano iyon? Ineng, Inong? "nanlalaki ang mga mata kong tumingin kay aling tindera sa tinawag nya samin. Nagkatinginan kami ni Jett at sabay na nagkagat labi sa pagpipigil ng tawa.

Leche!

Tumikhim ako at muling umayos habang si Jett naman ay nag iwas na ng tingin at pasipol sipol.

"Wala po bang palabok?"pigil ngiti kong sabi habang kunyareng nagkakamot ng ilong.

"Ayy wala Ineng, saan ba ang lugar nyo Ineng, Inong? "

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now