Chapter 16: Wound

2 2 0
                                    

Reis Avery

"Reis! "

Sinamaan ko ng tingin si kuya Calv ng batuhin nya ako ng throw pillow mismo sa mukha dahilan para muntikan na akong mahulog sa sofa. Leche!

"Bakit ka ba nambabato jan? "ibinato kong pabalik ang unan pero nasangga nya rin iyon.

Its weekend at pamilya ko lang ang kabonding ko ngayon dahil hindi naman dumalaw si jam at Elvis dito.

Pumalakpak siya sa harap ko at kumuha ng pancake sa center table "Ilang beses na kitang tinawag, lutang eh"sabi nya bago sumubo.

Eh paanong hindi. Simula ng hapon na yon ay kating kati na akong makaihaw ng bakulaw.

Malas ko lang isinabay ako ni Calv non pauwi kaya hindi ko nahagilap ang gagong Jett na yon.

Ipinilig ko ang ulo ko at pumalakpak din sa harap nya " May iniisip ako, bakit ba kasi? "

Kumuha din ako ng pancake at isinawsaw lang iyon sa nutella.

Muli siyang pumalakpak sa harap ko "tinatanong ko kung bakit wala yong dalawa?"

Nginiwian ko sya at isinubo ang huling kagat ng pancake bago pumalakpak din sa harap niya. "Binulsa ko sila"

"Napapansin ko ang pagliban ng dalawang yon ah! "imbis na muling pumalakpak sa harap ko kinuha niya ang headphone niya at isinalampak iyon sa tenga.

Nginisian ko naman sya at muling kumuha ng pancake "Nakakamiss ang luto ni ate Bell"

Mabilis syang napalingon sakin at tinaasan ko lang naman sya ng kilay.

"Tss, palibhasa hindi ka marunong magluto"

Pinandilatan ko sya ng mata "Anong hindi? Ako nagluto nyang pancakes! "pagmamayabang ko at humilig sa sofa.

"Pancakes? Seriously Reis? "hindi makapaniwalang tanong nya.

Syempre, hindi naman magagawa ang pancake kapag hindi pinapadaan sa pan. Bobo rin to!

Buryo ko syang inirapan at muling hinawakan ang pad ko.

Iiling iling nya akong nginisian "Wala pa bang nanliligaw sayo Reis? "

"Marami"

Natawa siya at sinilip ang dinadrawing kong travel neck pillow. Walang magawa eh.

"Balita ko may hina-"

Natigil siya ng isupalpal ko ang eraser sa kanya at kahit ako ay laking gulat sa nagawa kaya mabilis ko iyong binawi.

Isang tao lang naman ang pinapakain ko ng esraser!

"Pffft, "nagpeace sign pa ako ng samaan nya ako ng tingin matapos magpunas ng bibig gamit ang manggas ng t-shirt nya.

Eh kasi naman buhahaha,!

"Ang pait nyang uling, bakit ka ba nagpapakain ng eraser jan ah? "singhal niya at tinapik ako sa noo.

"Eh kasi, nagpapaniwala ka sa mga usosiro't usosira sa school... Tss"nag iwas ako ng tingin pero tinanggal nya ang headphone sa tenga nya at mariin akong tiningnan.

"eh malay ko ba kung may pumuporma na sayo sa school, tapos iiyak iyak ka jan pag iniwan! "

Takha ko syang tiningnan at pumalakpak pa sa harap niya "Eh ikaw, busted!"

Sinamaan nya ako ng tingin pero nginisian ko lang sya "Hindi pa nya ako sinasagot pero hindi ako busted! "

"Weh? "pang aasar ko dahilan para pingutin nya ang tenga ko "Arrayy, array kuya!!  Mom!! Mo-"angsakit promise.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now