Chapter 9: Outing I

5 2 0
                                    

Reis Avery

Nagkaroon ng dalawang linggong bakasyon sa pagtatapos ng Interhigh kasabay ng pagtatapos ng first semester.

Kinaumagahan paggising ko ay mataas na ang araw dahil ginugol ko ang oras kagabi sa pag sketch ng Casual suit for men and women na sarili kong desinyo.

Tamad akong bumangon sa kama at nagkusot ng mata.

Tumama ang paningin ko sa salamin ng Vanity table at makita ang sarili.

Magulo ang katamtamang kapal ng buhok kong brown ang kulay, salubong ang dalawang kilay na hindi ko kinasanayang arkuhan, blangko at buryo ang mga mata kong brown din ang kulay na may mahahabang pilik mata na katam taman lang ang arko, maliit ngunit may katangusang at pulang ilong na kay mom ko pa minana, manipis at pinkish na labi na may lumulutang na dimple kapag tumatawa o ngumingiti.

Isinuot ko ang Flip-flops kong pambahay at lumapit pa sa harap ng salamin.

Pinagmasdan ko ang kabuoan ko at napakamot na lang sa ulo ng mapansing payat nga talaga ako. Lalo pa't may lahi ni dad na matangakad.

Humihikab akong inabot ang towel sa likod ng pinto at nagtungo sa banyo para maligo.

"Reis! Buksan mo ang pinto! "

Natigil ako sa paghakbang ng malakas at tuloy tuloy na katok ang narinig ko sa pinto kaya mabilis ko namang binuksan yon.

Kaaga aga, naninigaw...pucha!

"Reis!!! Bilisa-"

Bumungad sakin ang bunganga ni Jam na nakasuot ng white croptop at blue maong short na pinaibabawan ng see through white long blazer.

At ng igala ko ang paningin sa hallway ay halos manlumo ako sa nanlalaking mata ni Jett na pinasandahan ang kabuoan ko katabi si kuya Bryle na napa 'oww'na lang akong tiningnan.

"Sabogg!!!! "manghang ani Jett na natatawa pa.

Gago!

Bakit nandito tong mga ungas na to?

Woke up like this,Reis!

"Good mor-"

Mabilis kong isinara ang pinto at napakamot sa ulo ko matapos pasandahan ang nakapantulog kong suot.

Bwenas, bakit nagpapasok ng mga hayop dito sa bahay ko?

"Reis! Ano ba? Mag handa ka na at aalis na tayo dali! "sigaw ni Jam sa labas ng pinto.

Anong bang sinasabi nya?

"Hoy Jam! Bakit may nakapasok na gonggong dito sa bahay ko? Ano bang sinasabi mo jan? "bawing sigaw ko.

"Woi sabog! este payat! Sabi ko sumama ka sa outing diba? "sigaw ni Jett.

Aba gago!

Lecheng Outing yan!

"Gago! Hindi ako um-OO...kung sabog ako, mas kasabog sabog yang bungo mo! Ulol! "

Bwenas na yan!

Nahimigan ko pa ang natatawang si kuya Bryle.

"Ave!? "napairap ako ng marinig ang boses ni mom na kumatok sa pinto. "Kanina ka pa hinihintay ng mga kaibigan mo't may lakad daw kayo! "

Peste naman oh...

"Mom,bakit ka ba nagpapasok ng kung sino sino dito sa bahay? Baka mamaya mabudol budol tayo? "inis na sigaw ko kay mom.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now