Chpater 25: Missing

2 2 0
                                    

Reis Avery

Late na ako nakatulog noong gabing yon sa kaiisip sa mga sinabi Jam. Alam kong tama siya pero may kung ano saking pumipigil para gawin ang gusto nya.

"Okay Reisigirl- hindi Reis lang pala, here"umayos ng tayo si Elvis at kinuha ang kamay ko. Ipinulupot niya iyon sa braso nya "This time, ako muna ang date mo"pinilit niyang maging galaw at boses lalaki bago naglakad papasok sa Acosta's Mall.

Hindi namin kasam si Jam ngayon dahil out of town ata. Napangiti naman ako at hinigpitan ang kapit sa kanya "Gwapo mo ngayon Elvs"

Natawa siya pero pinigilan ang pagpilantik dahil gusto daw nya akong idate ngayon bilang lalaki "Ngayon lang to Reis kaya keep ka lang jan"

Iiling iling akong napangiti. Una naming pinuntahan ay nanuod ng sine matapos ay nag arcade. Pinangkuha nya ako ng stufftoy sa claw machine at sinubukang magshoot ng bola matapos kumindat sakin.

Natatawa na lang ako dahil sobrang TH niya. Pinipilit iwasan ang pagflip ng hair.
Nagshopping din kami at ako ang pinamili nya ng klase ng clothing.

Mula sa suot kong ripped jeans at oxford ay binilhan nya ako ng Ilang floral dress at ang talaga namang ikinagulat ko ay ang mga Pumps, wedges at sandals na binili nya para sakin.

Gusto nya talaga akong magshift into a perpect lady.

"Eh baka mamulubi ka na nyan, Elvis the Pogi"biro ko pero hinawakan nya lang ako sa bewang at umirap. Sya ang nagbitbit ng mga paperbag para daw mas mukhang getleman.

"ako pa"sabi nya at naglakad na papuntang cafe. Natatawa pa rin akong sumundot sa tagiliran nya dahil talagang pinanindigan nya yong sinabi nyang idate ako.

Gwapo ang isang to pero sayang talaga at malambot. Mayaman din at mabait.
Idate ba naman ako.

At sa kalagitnaan ng pag iisip ay biglang sumagi sa isip ko si Jett.  Kung umamin ba akong may gusto rin sa kanya, idadate rin kaya nya ako ng ganto. Na kung nagpaligaw ba ako, yayayain nya rin kaya akong maunod ng sine, kumain ng ice cream at samahan akong magshopping gaya ng gingawa ng mga normal na lovers.

And speaking of the devil. Nandito lang naman sila sa cafe nina ate Hayley. Actually kumpleto sila. Nagtatawanan, nagkakasiyahan. At isa pa, kasama na naman ng bakulaw na yon ang baby Lex nya.

"Ayy, wag kang mag alala Reis, date natin ngayon kaya sa ibang table tayo"sabi ni Elvis at iginaya ako sa isang table.

Hinila niya ang isang upuan at pianupo ako "Gentleman na talaga Elvs, ligawan kaya kita"biro ko matapos iiwas ang tingin kanila Jett na hindi naman ata kami napansin.

Ipinatong niya ang mga pinamili namin sa isang upuan bago umupo, nakatalikod siya ngayon kanila ate Hayley. "Haha, salvage ako nyan kay faf- kay kuya Ryke"natatawang sabi nya matapos mamali sa sinasabi.

Sinimangutan ko lang sya pero nagtawag lang sya ng crew at umorder. Habang ako naman ay panay ang tingin sa table nina Jett kung saan mukhang nakakatuwa ang pinag uusapan nila. Naiwas ko ang tingin ng biglang lumingon sa table namin si ate Joy.

Pag isipan pa akong stalker dito!

"Matatawa talaga ako kapag kinwento ko to kay Jam sa lunes"sabi ni Elvis kaya nginisian ko naman siya.

Wala siyang make up ngayon at lalaking lalaki ang suot niya pati hairstyle. "Eh kung ganto ka na lang forever, baka mga babae na humabol sayo"ngiti ko sa kanya pero sinuklay nya lang ang buhok nya gamit ang mga daliri.

"ayukong maging fafa ano! Hindi mo mababago ang isip ko Reis kaya sulitin mo na ang pagkakataon na to dahil maswerte ka at buah! Gwa-hukk -gwapo ako"kunyareng nasusuka pang sabi nya.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now