Epilogue

5 1 0
                                    

A/n:

hi tukibebs! Hope you enjoy this story kahit medyo maikli. Don't worry I give more effort para dito pero kailangan ng tapusin kasi may 3 pa akong stories na tinatapos.

Thank you!

***

"Hahanapin nya daw po si kuya Poging bakulaw eh"

"poging bakulaw? "

"sabi ni Nay, kayo daw po iyon jeje"

Kumunot ang noo ko sa narinig kong bakit may nakapasok na ibang tao sa kwarto ko.

Mabilis akong nagmulat at agad na naramdaman ang sakit ng ulo. bwesit na bola yon!

Teka-

"Nasan-"

"Reis, anong nararamdaman mo? Masakit pa ba? "bumungad ang nag aalalang mukha ni Jett.

Mabilis akong umupo ng maalalang nandito pala kami sa bahay nina Denden. Nasapo ko ang noo at wala naman akong makapang pasa doon. Kunting hilo na lang at sakit ng ulo.

Tumanggo ako kay Jett at agad na nag iwas ng tingin. Iginalaw ko ang paa kong wala ng sapatos at napangiwi ng maramdaman ang gasgas sa ankle ko. Arrggh, bwesit! Bwesit!  Nakakainis...

Kinuha ko ang ankle ko at tiningnan ang gasgas na ngayon ay may benda na.

"Napakalampa mo parin kahit kailan, tombs"sinamaan ko ng tingin si Jett ng katusan nya ako. Kasalanan nya to eh.

Napaayos ako ng upo ng may maalala. "Eh ikaw ang may kasalanan nyan eh! Kung san san na kita hinanap alam mo ba yon? "pinaghahampas ko sya sa braso dahil nakaupo siya sa kama napakamot lang sya sa batok.

"Ate Tombs, okay na po ba kayo? "halos makalimitan kong nandito pala si Denden kaya tinaguan ko lang naman siya. "Sege po at tutulongan ko lang si Inay sa paghahanda ng sopas"sabi nya at lumabas sa silid na yon.

Naiwan kami don ng bakulaw na to na panay na ang sipol. "Anong nginingiti mo jan? "sipa ko sa kanya pero nauulol syang umiling. "Alam mo bang nag aalala na ang kambal mo, hindi ka man lang matawagan"

Tahimik lang siya at sa malayo ang tingin. Sa suot nyang Grey T-shirt ay mas lalo siyang pumuti.

Saglit na nangibabaw ang katahimikan. Wala rin akong masabi dahil parang umurong na ang dila kong sabihin ang gusto kong sabihin sa kanya.

"B-bakit ka uminom? "halos gusto kong sampalin ang sarili ko dahil halata naman na dahil yon kagabi eh tinatanong ko pa.

Tumamlay ang mga balikat nya at namumungay ang mga matang lumingon sakin. "Break na kami"

Muli ko syang nahampas. Yon kasi lagi ang sinasabi nya kapag nirereject ko sya " Boyfriend ba kita? Gago! "

Nahimas nya lang ang braso nya at hindi na inalis ang tingin sakin "edi Busted"

"Hindi kita manliligaw"

"Broken"

"Walang tayo"

"eh Hindi mo naman ako gusto"

Natigil ako at napatunggo. Hindi ako nakasagot at paulit ulit na napalunok. Hahanapin ba kita kung hindi kita gusto? Ikaw ang manhid!

"Ikaw lang naman ang gusto ko eh. Walang Mira, walang Lexy at walang kahit sino at ikaw lang pero....mukhang wala akong pag asa"

Nakagat ko ang ibabang labi at hindi na makatingin sa kanya. Sa tingin ko, sapat na lahat ng pinakita nya sakin pero paulit ulit ko lang syang sinasaktan.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now