Chapter 24.1: Lexy

3 2 0
                                    

Reis Avery

"Hindi mo talaga ako kilala"

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya.
"Ano-"

"Ako lang naman ang nagpakalat ng Kiss mo kay Ryker sa field, isa kang malandi-"

"Mira! Ano bang nangyayari sayo? "mahigpit siyang hinawakan ni Jett sa braso pero natawa lang si Mira.

"at alam mo bang ako rin ang nagpadala ng picture nyo ni Zayden kay Ryza.....alam mo kung bakit? Para ipamukha sayo na second option ka lang! "

Tumulo ang butil ng luha sa pisnge ko at mabilis na pinahid ng akma ng lalapit si Jett.

"Reis.... "

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko lalo na't minsan ko na silang marinig ni ate Hayley na pag usapan ang bagay na to.

At kung hindi ako nagkakamali ay ganon nga ang labas ko sa kanila. Dahil umalis si Mira ay ako ang pumalit.

May pagkadismaya na parte sa akin dahil sa kabila ng kabaitang pinapakita nila ay may ganito palang nangyayari na hindi ko namamalayan.

Masakit iyon sa parte ko na nagkakilala kami ni Jett, nila at napalapit ay dahil mukha lang akong tibo na gaya ng dati nyang bestfriend, ni Mira.

At ngayong nandito na sya, hindi ko alam kung may lugar pa ba ako para ipagsiksikan pa ang sarili ko. Si Mira yon eh, kahit nagbago na sya at hindi ang sinasabi nilang tomboy na Mira ay hindi maaalis na sya ang tunay na bestfriend, na unang nakilala.

At naging dahilan yon para magbigay sakin ng mga bagay na hindi na naman naniniwala sa sinabi ni Jett, sa nararamdaman nya para sakin.

Dahil maaaring naging pamalit nga lang siguro ako ni Mira at hindi naman talaga totoong may gusto sakin si Jett.

At yon ang ikinakatakot ko. Dahil sa sandaling ito ay alam ko sa sarili kong meron din naman, siguro. Siguro iba ang nararamdaman ko noon kay Zayden pero sigurado akong nararamdaman ko na rin ang bagay na yon kay Jett.

Sa lahat ng sandaling nakilala at nakasama ko sya. Sino bang hindi mahuhulog sa mapantrip na bakulaw na to? Higit sa may hitsura na, iba pa ang karisma sa tao.

At natatakot ako na masaktan dahil alam kung umaasa ako na sana nga, may nararamdaman sya para sakin. Dahil kung hindi ay isa na naman akong napakalaking tanga para mahulog sa patibong ni Jett.

Kahit galit ay pinigilan ko ang sariling saktan si Mira. Hindi ako makapaniwala sa mga ginawa niya pero ano pang magagawa ko kung hindi ko na iyon maibabalik pa.

Hindi ko sya masisisi kahit mali ang mga ginawa nya dahil kahit ako ang nasa sitwasyon nya ay masakit din sakin na mapalitan.

Kahit umalis sya, hindi parin sapat na ganun na lang iyon kalimutan.

"Miracle? "pumaibabaw ang boses ng isang mestiso at may katangkarang lalaki. Iyong minsang kasama ni ate Hayley sa Coco beach resort.

Nanlalaki ang matang lumingon doon si Mira at ang iba pa.

"Xiyan! Anong ginagawa mo dito? "kunot noong tanong ni ate Hayley at ngumiti naman iyon na parang wala talagang alam sa nangyayari.

"Hmmn I'm here to fetch my fiancee"nakangiti nitong tiningnan si Mira.

Napayuko naman si Mira matapos sumulyap kay Jett na kunot rin ang noo.

Napabuntong hininga naman ako at tiningnan si Mira.

"H-hindi ko alam kung anong ikinagagalit mo sakin pero mali atang manakit ka at sampalin pa ako"nagsimulang mabasag ang boses ko at napatingin kay ate Joy na umiiyak parin kaya tinanguan ko naman siya.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now