Chapter 13: Rumor

2 2 0
                                    

Reis Avery

"Pero sabi mo mas masarap yong kiss nong girl who stole your first kiss? "

"Pero sabi mo mas masarap yong kiss nong girl who stole your first kiss? "

"Pero sabi mo mas masarap yong kiss nong girl who stole your first kiss? "

Nasapo ko ang sarili noo matapos umiling ng umiling. Mabilis kung inubos ang milk na inihatid kanina ni mom habang tahimik akong gumuguhit dito sa study table ko.

Huminga ako ng malalim bago muling sinulyapan ang Strap ng bag na dinadrawing ko.

Isa itong handbag na pwedeng i-extend ang strap para maging shoulder bag. Ngunit ang kanina ko pa hindi matapos tapos dahil sa pesteng linya na yon ay dahil gawa sa maliliit na kadina ang strap.

Ginawa kong isang braid ang style nito para maiba. Hindi pa don. Ang strap niya ay hindi natatapos sa bukana ng bag kundi nakaderetso iyon sa kabuoang gilid ng bag na don rin mismo na stick bilang sequins .

Sinubukan ko muli itong iguhit ng-

"Pero sabi mo mas masarap yong kiss nong girl who stole your first kiss? "

Bwisit talaga!

Gusto ko ng tanggalin tong ulo ko dahil sa kakaisip ng bagay na yon na sinabi ni ate Hayley kanina.

Hindi ko alam kung bakit ko ba kailangan isipin iyon eh wala naman akong pakialam don. Dapat wala akong pakialam dahil hindi naman siguro ako ang tinutukoy ng kambal ng bakulaw na yon.

Wala akong nagawa kundi isara ang pad ko at mabilis na pinatay ang ilaw bago pinilit na matulog.

***

Ng sumunod na araw ay tahimik akong naglakad sa hallway at kamot batok ako dahil ngayon ko lang ata naranasan ang late nang pumasok.

Hindi. Hindi pa ako late pero nakasanayan ko ang pagiging maaga ng pagpasok upang hindi makaagaw ng atensyon ng iba sa daan.

Iyon ang iniiwasan ko simula noong naghiwalay kami ni Zayden. Pero ngayon, naisip ko rin na hindi na sapat na dahilan yon para iwasan ang mga kagaya kung student sa daan.

Kung tuluyan ko na nga sigurong nakalimutan si Zayden ay hindi ko na kailangang magtago sa mga taong nakapaligid sakin.

Tahimik man, wala akong pakialam kong hindi ako kagaya ng ilang tipikal na babaeng may magandang kasuotan dahil gaya ng sabi ko noon ay masa kumportable ako don.

Namulsa kong inakyat ang floor namin ng hindi man lang tumitingin sa mga student na nadadaanan ko.

"Mas nagmukha pa syang tibo"

Doon ako natigilan ng papaliko na ako sa kabilang hallway. Tanaw ko ang tatlong babae na nasa tapat ng sarado pang pinto.

"True, kung hindi lang naging sila ni kuya Zayde ay iisipin kong tibo talaga sya ano"

Kumunot ang noo kasabay ng pagigting ng panga dahil sa narinig. Kung hindi ako nagkakamali ay ako lang naman ang naging girlfriend ni Zayden na mukhang tibo kaya hindi imposibleng ako ang pinag uusapan ng mga ito.

Ito na ang sinasabi ko sayo Reis!

"Ano ba kayo? Pananamit pa nga lang wala ng taste eh"sabi ng kulot at buhaghag ang buhok.

Napaayos akong tayo at pinilit na pakalmahin ang sarili.

"Guys, maganda naman sya ah... May dimple, maputi, mahaba ang buhok, matangkad din si Avery para hindi magustohan ni kuya Ryker"maarteng sabi ng naka fitted skirt.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now