Chapter 17: Miss Sexy and Fashionist

2 1 0
                                    

Reis Avery

           Happy Debut and 18th Birthday
                                           for 

    Ms. Ryza Hayley
and
Mr. Ryker Jett Addison

Nakatitig ako ngayon sa invitation card na binigay ni ate Hayley kanina.

Sa loob non ay ang mga 18 Roses and 18 candles ni ate Hayley kung saan nandon sina Jam, ate Joy, Shasha, Julian, Lexy, at ilan pang classmate ni ate Hayley.

Sa 18 Roses naman ay mostly mga basketball player at classmate nina ate Hayley at Jett, hindi mawawala si kuya Bryle at syempre last dance Zayden.

"Tinanong ako ni ate Hayley kung pwede ka daw bang isama sa 18 candles nya kaso sa lagay mong yan ay baka abutin tayo ng siyam-siyam bago ka mapasuot ng casual dresso o gown. "ngiwi ni Jam sa tabi ko.

Si ate Hayley?

"T-talaga? "takang tanong ko dahil hindi ako makapaniwala na sa kabila ng lahat ay nagawa pa akong isama sana ni ate Hayley para sa 18th candles nya. Ang kaso kahit siguro walang problema ay hindi rin ako sigurado kung sisipot ako dahil gaya ng sabi ni jam ay baka nga hindi pa ako makapagsuot ng gown o kahit dress man lang.

"Oo, pero wag kang mag alala dahil naghanap na sya ng kapalit mo"

Bigla ay nanlumo ako sa sinabi ni Jam. Masakit sakin na marinig ang salitang kapalit kahit sa sarili ko naman mismo ay alam kong hindi rin ako papayag para don.

Matunog akong bumuntong hininga at itinago ang Card.

"Pero syempre, dahil ikaw si Reis at malakas ang dating mo sa kambal na yon ay hindi ka pwedeng mawala sa party nila"maya maya'y dugtong niya dahilan para kumunot ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin? "tanong ko dahil wala namang dahilan para ganon nga ang turing nila sakin.

"Ayy Reis, bibigyan ka ba ng Invitation card kung hindi ka Invited? "sarkastiko niya.

Oo nga no?

"Pero..... Ano namang isusuot ko? "

Yon talaga ang problema ko pagdating sa gantong bagay, pili lang ang naisusuot kong casual suit  pagdating sa ganto kaya hindi ko maiwasang mangamba.

"Dahon ng Nyog, maganda yon"

Mabilis ko na syang nahampas sa braso dahil sa sarkasitiko niya. "Nagtatanong ako Jam ah! "pambabanta ko.

"Edi magsuot ka ng medyo maayos ayos Reis! Yong pambabae naman! "inis nyang singhal at tiningnan ang bagong manicure nyang kuko.

Muli akong napabuntong hininga dahil problema na naman to.

Iyon pang bakulaw na yon. Hindi ko tuloy mapigilang maguilty dahil napahamak pa sya eh may gaganapin pa la syang handaan.

Hindi nya kasi sinabi eh!

Tyaka baka pagtawanan lang ako non kapag nagsuot ako ng pambabae. Manlalait yon eh.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now