Chapter 2: Addison Twin

12 2 0
                                    

Reis Avery

Nong hapon na yon ay sumabay ako kay Calvin pauwi dahil pareho kami ng out.

Samantalang nagsabay na si Jam at Elvis pauwi.

Ng sumunod na araw ay wala ang Lecturer namin sa second period. Nagbungangaan lang ang dalawa habang ako naman ay tinatasahan ang Prismacolor pencil ko para sa panibagong jeans design.

"Why kasi hindi nya iwaley na lang yong malakish nyang salamin? "

"Duh Elvigirl, nagustohan sya ni kiko sa kung sino siya.. So kung pinalitan nya yong face nya... Hindi na sya si Julian na crush ni kiko right"

"Ayy iba din si ateng, eh knows naman natich na kapag may nafafall eh.. Make ayos ayos din sa self para naman hindi maka turn off girlalosh.. "

"Yeah right,maganda naman ang bangs nya pero kapag inayos nya yan baka di na sya makilala ni kiko loverboy.. "

Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Jam, hanggang sa may maalala akong taong minsan ng nagsabi nyan.

Mabilis kong kinalikot ang lukot na papel sa gilid ng bag ko at tiningnan iyon.

Makikilala kahit walang mukha,,, tss.. Tingnan natin ngayong iba ang suot ko.

Mabilis kung binura ang mukha ko sa drawing na ibinigay sakin ni Jett noon sa Bus at kahit lukot ay pinilit kong ayusin yon bago tinitigan..

Hindi ko na kamukha, eh walang mukha...

"Jam, Elv"

Napalingon sakin ang dalawa mula sa pagkakaharap sa gawi nina Julian.

"aayy may chismusang maganda hukk"

"bakit Reis?... Elvigirl mas maganda ako"

Inaangat ko ang papel at iniharap sa kanila dahilan para kumunot ang noo nila pareho.

"Kakainin namin yan Reisigirl? "

"yucckk, pagpunas mo daw ng foundation elvigirl"

Inirapan ko sila at bahagyang inilapit sa kanila. "Try nyo gawing Camera, para irecord yang mga bunganga nyo.. Sino sa tingin nyo yang babae jan sa papel? mga slow"

Naglaglagan ang mga panga nila pero inirapan ko lang ulit kaya wala silang nagawa kundi kunin ang papel at pagfiestahan.

"Ay maypa off shoulder si Mother Ariana Grande"

"May parose pa Elvigirl-"

Inis kong tinulak ang bakanteng upuan sa harap ko dahilan para mapalingon sakin ang mga kaklase ko. "Sabi ko kilalanin nyo yong babae, hindi bungangaan.. "

"Galit na galit? "

"Gusto manakit? "

Pinandilatan ko na sila ng mata dahil pati ang mga nasa likod tumatawa na.

"Kilalanin nyo o ipapalunok-"

"Fine... Hmmn Reisigirl.. Panu namin makikilala si Miss sleeping beauty kung was feslakk? "

Sleeping beauty? Ako?

"basta hulaan nyo"

Pinanliitan nila ng mata ang papel at tumingin sakin, bago ibinalik sa papel ang tingin bago ulit sakin. Hindi, sa suot kong Grey V-neck shirt na pinarisan ng loose jeans at black and white sneakers. Bago ibinalik sa papel.

Sa sobrang tagal ay inis kong inagaw ang papel sa kawalan ng pasensya "Wala talaga akong napala sa inyo ano? "

"Hmmn.. Hawig mo yong buhok Reis,wait"mabilis na lumapit si Jam at inilugay ang buhok sa pisnge bago ako bahagyang ipinilig sa pader.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now