Chapter 18: Snob

2 2 0
                                    

Reis Avery

"Bro, can I borrow this ugly little girl"

Laglag panga akong napaangat ng tingin kay Jett na kay Zayden nakatingin na ngayoy tatawa tawa namang nagkibit balikat.

"Sure, birthday boy"ani Zayden bago ako binitawan at iabot ang kamay ko kay Jett na medyo nanlalamig pa.

Kakaiba ang pakiramdam na yon hindi gaya kaninang mahawakan ko ang kamay ni Zayden.

Nagpaalam si Zayden at pagtalikod pa lang nito ay agad kong naramdaman ang katos ni Jett sa noo ko.

"Arrray naman! "singhal ko at sinamaan ng tingin si Jett.

"Anong arayy? Hindi mo pa nga ako nababati, kung kani kanino ka na nakikisayaw"kunot noong ani nya.

"Eh si Zay-"

Agad nya akong napitik sa noo, bwisit na to! "Oo, si Zayden yon... Si Zayden na ex mo"asik niya at napairap na lang ako dahil kahit kailan ay hindi ako mananalo dito. Isa pa, pagbigyan dahil birthday nya daw.

"Ano ba yang suot mo't kulang kulang sa tela, hindi naman maganda"

Tamo! Nanlalait na naman! Leche....

Hindi ko sya pinansin at napalingon nalang sa table namin kung saan ay naghahagikgikan na sila.

Gusto ko na lang matapos tong sayaw at umuwi na. Nakakainip na rin at nanakit na ang paa ko dahil sa sapatos ko.

Napatunggo ako sa sapatos at ginalaw galaw ang mga daliri ko habang nagsasayaw.

"Hindi mo ba ako babatiin? "maya maya'y sabi nya kaya napaangat ako ng tingin.

Napangiwi naman ako ng marealize na bigla na lang umurong ang dila ko para batiin siya. Nakakailang bumati sa bakulaw na to lalo na't wala atang oras na hindi kami nagbangayan.

Napakamot ako sa ulo at nag iwas ng tingin bago paulit ulit na napalunok. Bahala na nga! "H-happy birthday"mahina kung sabi at iginala na lang ang paningin.

"Ilakas mo"

Mabilis akong napalingon sa kaartehan niya at kinunotan siya ng noo pero tinaasan nya lang ako ng kilay. Aba't tangina nito, hindi porket birthday nya ay mang aabuso na sya.

Tinipon ko na nga ang lakas ko para masabi yon tapos ipapaulit pa nya.

Pinandilatan na nya ako ng mata kaya napatikhim naman ako. "H-happy birthday,okay na? "medyo malakas ng sarkastiko ko.

"Hindi pa, ulitin mo.. "

Tangina!

Mariin akong napapikit at sinamaan siya ng tingin. "Happy birthday, Jett"sinadya ko pang palambingin ang boses ko at peke syang nginitian pero buryo nya akong tiningnan bago umiling.

"hindi sincere"

Nganga akong napakamot sa sentido. Animal na yan!

"H-happy Birthday"blangkong sabi ko at pinilit na ngumiti pero failed.

Inirapan nya ako at hindi pinansin ang sinabi ko.

Ang arte, leche! Ano bang klaseng paggreet ang gusto niya?

"Nauutal ka.. Isa pa"

Eh panong hindi eh ilang beses ko ng inulit. Gagong to!

Buntong hininga akong nag iwas ng tingin at hindi sya sinagot. Basta binati ko na sya ng ilang beses kahit daig pa babae sa kaartehan.

Sketch Love (Completed) Where stories live. Discover now