Chapter 40

66 2 0
                                    

Kinaumagahan.....

At School

Sean's POV
Nandito na kami sa Ssg Office at kasalukuyang nagme-meeting.

"Kayo na ang bahala," sabay tap ko sa shoulder ng dalawang leader ng bawat gang, ang hearts and diamond.

"Yes Sean, we'll do our best."

"Of course."

Maraming mga students ang gustong magpatakbo.

"As i said yesterday, walang magtatakbo galing sa Gang of Clubs, and by the way King of Heart and King of Diamonds are the assigned person for your COC filing, kayo na din bahala for the Election mamaya, as soon as possible kailangan nilang i-follow up lahat ngayong umaga and mamayang hapon na ang election."

Pagkatapos ng meeting ay pumunta naman ako sa Leisure room kung saan nandoon si Monique.

"Let's go."

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

Hinawakan ko lang ang kamay niya, napatingin naman siya sa'kin.

"Ang init mo," ani niya saka balak na ilapit ang kamay niya para tingnan kung mainit ang leeg ko pero lumayo ako.

"By, nilalagnat ka ba?"

"Hindi ah," sabay iling ko.

"Patingin nga," lumayo na naman ako, hanggang sa napasandal na ako sa wall.

"Patingin nga," nainis na siya, she's glaring at me and i can't stop my heart to feel some butterflies in my stomach.

Hinayaan kong idampi ang kamay niya sa leeg ko.

"Nilalagnat ka, uminom ka ba ng gamot?"

"Hindi ako umiinom ng gamot kapag may sakit ako."

"Adik ka ba? Mas pinalalalà mo pa eh!"

Napayuko nalang ako.

"Teka bibili ako sa labas, nakakainis ka naman by eh," tatalikod na sana siya nang hilain ko siya at yakapin.

"I'm sorry."

"Haist, ikaw kasi eh, hindi lang 'yan lagnat, dahil 'yan sa sugat mo tapos hindi ka pa pala uminom ng gamot," i can hear the sincerity to her voice, she really love me that way, even if she's rising the tone of her voice, she's just concern.

"Sorry dahil nag-aalala ka ng sobra, Mahal kita by," napabulong nalang ako sa malapit niyang tenga, kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin.

"Saan tayo pupunta?" tanong niya.

"Sa bahay niyo, i want to spend more time with you."

"But first bili tayo ng gamot mo," wika niya.

"Let's go," saad ko, ngumiti nalang ako sa kanya, pero pinanliitan niya lang ako ng mata.

Bumili kami ng gamot sa isang pharmacy, ayokong gumastos siya kaya pera ko ang ginamit. Papunta na kami ngayon sa bahay nila, uminom na ako ng isa kanina.

"Patingin," ani na naman niya saka inilapat ang kamay sa leeg ko.

"Ang init mo talaga," sabi pa niya.

"Haha nagagalit na naman ang lola," natatawang wika ko.

"Sinong lola?"

"Ikaw, hahaha."

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon