Monique's POV
Kasalukuyan kaming kumakain sa hapag nang hindi man lang ako umiimik."Nak, may problema ba?" tanong ni Tatay, tiningnan ko siya.
"Wala naman po," sagot ko naman.
"Kung meron nga puwede mo naman kaming kausapin," ani Nanay Sab.
"Ayos lang po ako, marami lang sigurong nangyari dahil sa intramurals."
"Gano'n ba? Sige pagkatapos mong kumain magpahinga ka na," saad ni Tatay.
"Opo," sagot ko, kaya pagkatapos kumain ay pumunta na ako sa kuwarto para mag-ayos ng sarili.
Kinaumagahan.....
At School
Kakatapos ko lang maglinis sa Cr kaya naman ibinalik ko na ang mga gamit panglinis, kinuha ko din ang bag ko saka naglakad papuntang library.
"Kung hindi pa sinabi ni Jinx, malamang nakatunganga ako sa room ng mag-isa," saad ko sa sarili, intramurals pa rin kasi, may ilang grupo pa rin mg mga gang na naglalaro sa basketball o kaya naman sa ibang sports din. At dahil may naghahabulan dito sa corridor, isang lalaking may sugat ang gilid ng labi at may pasà sa mata, agad akong tumabi para padaanin sila, hinahabol siya ng dalawang lalaki, normal nalang yata sa'kin ang mga ganitong pangyayari.
Sa sobrang bilis ng mga araw, hindi ko namamalayan kung anong araw ngayon.
Sa Library
Pagpasok ko palang nakita ko kaagad si Sebby. Aaminin ko na ba? confused pa rin kasi ako hanggang ngayon, humarap siya sa'kin, lumapit naman ako sa direksyon niya.
"Nandito ka na pala," ani ko.
"Kanina pa ako dito," sambit niya.
"Naghintay ako sa'yo kahapon, 'Di ka dumating," wika ko.
"I need to talk to you," saad niya.
"Ah-ano ba 'yon?" tanong ko.
"Monique," sinabi niya pa ang pangalan ko, kinakabahan ako, nakatingin lang ako sa mga mata niya habang hinihintay ang sasabihin niya.
"Hindi mo na ako makikita," nagulat ako sa sinabi niya.
"Bakit? lilipat ka ba? may nagbantà ba sa'yo? anong gagawin nila?"
"Lalayo lang ako, Monique ayokong madamay sa kung anong meron sa inyo ni Master Luke," masakit sa'kin ang marinig na lalayuan ako ng tinuri kong kaibigan, lalo na't may nararamdaman na ako sa kanya.
"Ano? Wala namang namamagitan sa'ming dalawa, anuman iyon, 'Di ko pa siya mapapatawad sa ginawa niya," saad ko, may kinuha siya sa bulsa niya.
"Ano 'to?" tanong ko nung may isang sobreng puti siyang inabot sa'kin. Nanginginig ang dibdib ko, feeling ko any moment kapag hindi ko na mapigilan ang nararamdaman ko, tutulò ang luha ko.
"Pera, Please Monique, ayaw ko ng ganito, ayaw kong nadadamay ako. Natatakot ako-natatakot ako sa puwedeng mangyari, kung puwede sanang lumayo kana sa'kin, bayad yan-"
"Binabayaran mo ako para layuan kita?" na dismayang tanong ko, lalayuan ko daw siya?
"Hindi bayad ang kapalit ng totoong pagturi ko sa'yong kaibigan Sebastian," binalik ko kaagad ang pera sa kanya.
"Huling pagkikita nalang natin ito," sambit niya.
"Pero-"
"Ano?"
BINABASA MO ANG
Mobster Academy
AcciónMonique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime. Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she co...