Sean's POV
"Anyway we talked already," wika ko.
"Talk about what?" tanong naman ni Ralph, may kinuha ako sa mga gamit ko, isang death card, saka inabot kay Luke.
"What about that?" Veronica.
"Para kanino?" tanong naman ni Charles.
"I'll give it to Luke," ani ko.
"Para saan naman 'yan Luke?" Charles.
"He wanted to transfer school kung saan si Gwen doon din siya," paliwanag ko.
"Luke."
"It's ok, Marami na tayong Juniors," wika ko naman.
"This is not the right time Luke, Kaharap natin ang Clubs," Charles.
"At alam ko din na naghihintay lang sila na gumanti tayo sa kanila," ani Ralph.
At Library
Monique's POV
Nandito pa din ako sa library, umaasang pumunta dito si Sebastian, may biglaang pumasok dito."Wag kayong lumapit sa'kin," saad ko saka umatras, nakita ko sina Master Jax at lahat ng kanyang mga kasama sa gang, ang dami nila. Lumapit sila sa'kin. Pinalibutan nila ako saka hinawakan ang magkabilang kamay.
"Bitawan niyo ako!" sigaw ko.
"Alam mo, kasi ikaw eh- umiiwas ka sa'min," sabi ni Kenzo.
"Ano? kumusta ang pagsusubaybay mo kina Sean?"
"Baka naman hindi ka namin naasahan?"
"'Di ba sabi ko naman sa inyo dati pa, hindi niyo ako magagamit!" inis na sigaw ko pero may kinuha silang bote.
"Ok, Mas mabuti nang maliwanag tayo," pagkasabi ni Jax nun ay nakahawak sila sa aking mga kamay at nakita ko mismo ang laman ng bote ay mayroong capsule? ay tablet pala, Ecstasy ba 'yon? bigla niyang hinawakan ang chin ko saka papainumin ako.
"Hmmmm!" pagpipigil ko pero hindi ko kaya ang lakas nila, pinainom nila sa'kin ang laman ng bote saka tinulak ako sa sahig, agad silang lumabas.
Nahihilo ako, hindi ko alam ang pakiramdam na ito, pero feeling ko ang saya-saya ko, napatawa nalang ako, nandidilim ang mga mata ko. pero pilit kong tumayo saka naglakad, Nakita ko kaagad si Luke, may kasamang babae. Dumiretso lang ako sa paglalakad dala-dala ang gamit ko.
"Hahahaha!" tumawa ako saka lumabas ng school, maya-maya lang naramdaman ko na talaga ang hilo.
Luke's POV
Nakita namin si Monique pero nilampasan niya kami."Siya ba 'yon?" tanong ni Gwen sakin.
"Yes," sagot ko naman.
"Bakit hindi mo kinausap?" tanong niyang muli.
"Umiwas siya eh," saad ko naman, pagkadating niya sa labas ng gate ay kaagad siyang nahimatay.
"Monique!" napasigaw ako pero hindi ko magawang tumakbo dahil may sprain ako sa kanang paa.
"Monique?" sabay labas ni Ralph saka lumapit din doon.
"Let me help you," ani Gwen sa'kin at tinulungan akong maglakad.
Mabilis na naitakbo ni Ralph si Monique sa clinic. Normal lang sa school namin dito na dalhin sa clinic, kasi ayaw nilang may communication kami about sa school namin doon sa outside world.
BINABASA MO ANG
Mobster Academy
ActionMonique Alferez, also recognized as Monique Gogh, is an enigmatic young woman compelled to join Mobster Academy, a school notorious for its association with organized crime. Confronting numerous challenges both within and outside the academy, she co...