Chapter 38

44 2 0
                                    

Kinaumagahan.....

Third Person's POV
Nakahandang magkita si Santiago at Jacxson para magpirmahan.

"Dad, we're here," bumabà sila sa malaking building at pinapasok ng guard.

"Sir, just follow me," wika ng assistant na nagtatrabaho din sa building saka sumunod naman sila.

"Mukhang hindi yata nila naaalala ang mukha mo ah," bungad ni clifford

"Tsss, the case was already a years ago, malabo ng matandaan nila ako," Santiago.

Naupo na sila kaharap ni Clifford sa office nito.

"Well i guess you need to sign these some paperworks," Clifford.

Tinaggap naman iyon ni Santiago saka binasa, nagpirma na siya saka may dala din si Seth na ipapapirma kay Clifford, inabot niya din ito.

"Mamaya, may dadating na naman na supplies of ecstacy and marijuana."

"Ok then deritso mo nalang sa inventory for sure na de-deliver sa mga buyer natin," Santiago.

Pagkatapos nun napagdesisyunan ni Jacxson Clifford na dalhin na din mismo sina Santiago Mondoñedo at ang anak niyang si Seth.

Tumuloy sila sa isang tagong bodega ng mga droga na napapaligiran ng mataas na pader.

Maraming tao ang sadyang naparoon, may mga grupo ng mga lalaki na kitang mahihirap dahil sa suot nilang butas-butas ang mga damit at halos halatang babad sa sikat ng araw.

"Habang nagtatrabaho kayo sa construction, naparito kayo para bigyan ko ng extrang pagkikitaan," saad ni Jacxson.

"Boss, sa lugar po namin maraming mga tao doon, nasa squater area po kami at mahirap pasukin ang lugar namin," ani ng lalaki.

"Kung gano'n magpatayo tayo ng illegal na pasugalan," sagot ni Jacxson.

May mga grupo din ng mga tao na halatang mayayaman dahil sa kanilang mga alahas na suot, sa kamay at singsing ay halatang mamahalin, pati na ang kuwintas.

"Kukuha kami ng supply para sa ilang tauhan ko sa probinsya."

"Ako din, maraming droga ang gusto kong kunin para ipadala sa ilang lugar sa kabisayaan."

Napangiti naman si Santiago matapos makitang mukhang malakas ang kita ni Clifford sa kanyang negosyo.

Ngunit sa kabila ng mga nakikita niya ay mas mataas pa rin ang tingin niya sa kanyang sarili dahil mayroon siyang negosyo sa ibang bansa na mas makita dahil sa mga kababaehang nagtatrabaho sa kanilang club.

Napapatango-tango nalang si Santiago.

'Di naman maiwasang mapailing si Seth.

Monique's POV
Nandito ako sa bahay at naglalaba.

"Ne," tinawag ako ni Nanay na nasa likod ng bahay.

"Po?" tumayo naman ako na kasalukuyang kinuha ang nga damit sa washing machine at inilagay sa lalagyanang may tubig.

"May bisita ka," nanlaki naman ang mga mata ko. Pagkatapos ay nakita ko si Sean na sumunod kay Nanay dito.

"Nay," mahinang saad ko, nginitian lang niya ako saka tumalikod.

Hayop! Hindi pa ako nakakaligo.

"Good Morning i brought my laptop and -"

"Ikaw ha, ba't ang aga mong pumunta dito?" nanliit pa ang mga mata kong nakatingin sakanya.

Mobster AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon