CHAPTER 19

57 9 0
                                    

After a very-very long wait sa wakas nakakapag-update na rin ako. So, readers I'm back, welcome back to me 🤗 Makaka-pagupdate ulit ako but sadly slow update lang siya readers but don't worry if I have time iigihan ko para makapag-update ako ng tatlong beses man lang sa isang linggo. So yeah, I will try my best for this and I hope you guys will support me till the end. And By the way readers, as a promise na pagbabalik na ako is ipu-publish ko na ang second story ko. So, ayun na nga na-publish ko na, just visit my profile para mabasa niyu. So, enjoy reading and continue supporting my stories. Thank you and God Bless, mwuahh 🥰
-MiMiAyes
  
  
  
NCT Jaemin as Leosh Jovir Son at the multimedia 👆

 
 
 
 
Kina-umagahan ay nilibot namin ang Oslob. Di sumama sina Tita Natasha at Tita Divine at ewan ko kung bakit. At ang bruha kung bespren? Ayun, biglaan ang pag-uwi niya sa Manila. Nagtext siya na papauwiin na daw siya ng dad niya at wala naman siyang nagawa kundi ang sumunod nalang.

At ngayon ay dala-dala ko ang cam ko habang pinicturan ang mga magagandang view. Napunta ang tingin ko kay Kaivor na blanko lang naglakad. Parang di siya aware na naglibot kami at ene-enjoy ang view, blanko kasi ang mukha niya, parang wala siyang pakialam.

Napabuntong hininga ako at napag-isip. Di niya ako kinibo simula nung kumain kami sa resto na pinagkainan din namin kahapon. Ano kayang iniisip neto?

Tuloy-tuloy lang ang paglilibot namin hanggang sa napagod kami kakalibot kaya naman napagpasyahan naming magpahinga muna.

Naka-upo ako sa isang bench habang tinitingnan ang mga pictures na nakuha ko.

Ang ganda... Ko, char! Ang ganda ng pagkakuha ko ng pictures.

"Bakit di kayu nag-iimikan ng bagong kaibigan mo?" Biglang tanong ni Kuya at umupo sa tabi ko. Ino-off ko muna ang cam bago sinagot ang tanong ni Kuya.

Kinuwento ko kasi sa kaniya kagabi through text ang pagka-kaibigan namin ni Kai.

"Ewan ko sa kaniya. Bigla lang niya akong di inimik." Nakanguso kung sabi.

"Baka naman palabas lang niya iyon kagabi at ikaw naman, nagpadala ka." Mas lalo akong ngumuso.

Ansakit naman ata kung palabas lang yun. Ano yun, trip-trip lang niya ganun? Hayst, pero ramdam ko kagabi na gusto niyang makipag-kaibigan sakin e.

"Ewan ko. Kakausapin ko nalang siya pag gusto ko na, baka may iniisip lang yun." Ginulo ni Kuya ang buhok kaya naman sinamaan ko siya ng tingin at inayos ang buhok ko.

"Wag mo nga guluhin ang buhok ko, inaayos ko to tas guguluhin mo lang." Napatawa naman si Kuya pagkatapos ay tumayo at inilahad niya ang kamay niya.

"Let's go. E-enjoy mo lang to tsaka mo na isipin yung bagong KAIBIGAN mo." Inirapan ko siya bago tinanggap ang kamay niya at tinayo ako.

Enjoy? I think so, sinong mag-eenjoy e wala si Gail na siyang bruhang kaibigan ko. Di pa ako iniimik ng BAGONG KAIBIGAN ko. Hayst.

At gaya nga ng sabi ni Kuya pinilit kung e-enjoy ang sarili ko sa mga view. Kinukuhan ko agad ng picture ang mga magagandang view na nakikita ko. For remembrance kahit na di ako nag-enjoy.

Wala na akong gana. Ni wala na nga akong pakialam sa magagandang lugar na nadadaanan namin. Hayst, akala ko naman mag-eenjoy ako, pero akala ko lang pala. Second day na namin ngayon at eto na di na ka-enjoy-enjoy pano nalang kaya bukas o sa susunod na araw? Sana naman ma-enjoy ko na talaga.

And again pinilit ko na namang eni-enjoy ang sarili ko. Nakipag-kwentuhan ako slash nakipag-biruan ako sa kanila kahit na pinilit ko lang ang sarili ko. And si Ate Koreen ramdam ko rin na peke lang yung mga tawa at ngiti niya. Ano ba talaga ang nagyari nung tulog ako?

I'm His TutorWhere stories live. Discover now