CHAPTER 34

46 6 1
                                    

Ngayong gabi na gaganapin ang party, at busy kaming lahat sa pagma-make up. 6 PM na kami naka-uwi galing sa SM seaside at pagka-uwi na pagka-uwi hotseat na naman kami ni Kai dahil kami lang daw ang wala nung nagkita-kita na sila. Duh, sa nag-date kami kaya kami lang talaga dalawa. Mygas!

"Ayusan mo talaga ng maigi ang anak ko ah." Napangiti ako nung pumasok si Mom sa unit namin. Tapos ng ayusan si Mom simpleng white gown lang ang sout niya at napaka-simple lang rin ng make up ni mom. Bagay kay mom yung sout at make-up niya lalo na at maputi si mom.

"Yes naman momshi, ako kaya ang nagpresenta na ayusan siya kaya gagandahan ko talaga tong anak mo." Sabi nung bakla na umayos sakin.

"Malapit na ba matapos? Nangangawit na ako." Reklamo ko. Amputs, nangangawit na talaga ang pwet ko kaka-upo. Mygas! Halos isang oras rin akong naka-upo dito, minsan nga tinutukso ako ni Bruha —na nasa loob lang rin ng unit inayusan kasama si Manse— na dapat daw talaga pagandahin ako kasi ipakilala daw ako sa boung dadalo ng party. Duh, napa-irap naman ako kay bruha dun. Maganda na ako.

"Malapit na babygirl, kunting tiis nalang." Napa-irap ako sa sinabi ng bakla. Malapit na? Duh, ilang beses na niyang sinabi yan dahil ilang beses na rin akong nagtanong sa kaniya kung malapit na ba matapos. Lumapit si Mom sakin at inakbayan ako.

"Dapat talaga maganda ka ngayong gabi anak, di mo man lang kinwento sakin na may boyfriend ka na pala." Napanguso ako sa sinabi ni Mom. Gusto kung sabihin kay mom na di ko pa siya jowa kaso ayaw kung mapahiya kami pareho and one more thing, dun din naman kami patungo. Ehem, char!

"Eh kasi naman po mom, bago palang po kasi kami." Sabi ko nalang kay mom.

May sinasabi pa si Mom sakin at ang iba ay about sa Negosyo niyang hanggang ngayon ay di ko pa rin  alam kung anong negosyo yun. Na kesyo daw lumago na yun, natuwa naman ako nun dahil sa wakas may munting negosyo na kami. At pagkatapos ng chickahan namin ni Mom —na minsan ay sasabat si Gail the bruha lalo na pag pag-uusapan namin si Kai— ay lumabas na siya dahil magpapahangin daw. And now, kami nalang ulit dito sa unit —Me, Manse, Bruha at ang mga baklang nag-make up samin.

"So kayu na pala. Ang dali naman." Napa-irap ako nun. Akala ko talaga sa babaeng to na mabait siya yun pala hindi, taena ang galing magbait-baitan eh.

"Ano kaba Manse, narinig mo naman siguro diba na sila na TALAGA at bago palang naging sila. Duh!" Kahit kailan talaga ang lakas mambara netong bruha na to. Natawa nalang ako.

"Babygirl, sa taas ka tumingin lalagyan na kita ng eyeliner." Sinunod ko naman ang sinabi ng bakla. Sheyt, naiiyak ako dahil sa eyeliner.

"Ang dali mo naman bumigay Nika, nung nanligaw siya sakin pinatagal ko talaga ang pagsagot ko sa kaniya kahit na mahal ko na siya nun. You know, gusto ko siyang mag-effort at nag-effort nga siya. Binilhan niya ako ng pinaka-paborito kung chocolate at pati na rin flowers, tinour niya nga ako dito sa kabouang Cebu. And after 1 month niyang panliligaw sakin, sinagot ko na."

"Relax, babygirl wag masyadong magpadala." Napangiti ako sa sinabi ng bakla sakin. The gay is trying to comfort me, naiiyak na kasi ako and I know na di na yun dahil sa eyeliner. Shit, bakit ba ako naiiyak? Ang nonsense ng mga sinasabi niya.

"And we're together for 2 years, grabe Nika ang saya namin. He kissed me everyday, hugged me, he always care for me and last he feel to me that how much he loved me." Napatawa ako nun. Thank god, at tapos na akong lagyan ng eyeliner at ngayon ay maskara nalang ang kulang at tapos na.

"Dalian mo." Sabi ko sa bakla. Napatawa ang bakla sa sinabi ko.

"Babygirl, relax di bagay sayu ang ganiyan. Smile!" I'm trying to smile kahit na peke lang yun. Shit, nangangati na kamay ko na sampalin si Manse.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now