CHAPTER 3

125 14 0
                                    

Dyosang Cute na Author: Taray ni Nika dun 😆. By the way readers, di ko na-edit ang chapter 1 and 2 dahil sa ka-excited ni Author mag-publish. Mygas! Kaya ayun, di na maayos. Di bale aayusin ko sa susunod.

Hope u guys like it 😊 mwahh! Enjoy reading.
-MiMiAyes




Pumunta na ako sa next class ko which is physics at Prof namin si Mrs. Myou. Pagpasok ko sa room wala pa si Mrs. Myou kaya umupo na ako sa upuan ko at nag-lean.

"Bruha?" Kahit di ko tingnan alam kung si Gail yun. Duh, siya lang naman ang tumawag saking bruha. Magkaklase pala kami in this subject.

"Shopping tayu this weekend. Treat ko and promise di na kita iiwan." Nakangiting sabi niya

Napag-isip naman ako kung tutuhanin ba niya ang sinabi niya. Ayaw ko na talaga maulit yung nangyari kahapon, mawawala ako sa katinuan dahil sa pagkabadtrip ko dun sa lalaking koreanong yun.

"Are you sure?" Naninigurado kung tanong.

"Yes, promise na talaga. Ayaw na kitang mabadtrip, grabe nakakatakot pala kung mabadtrip." Naka-pout na sabi niya. Natawa naman ako. Nakakatakot daw, duh, ang dapat niyang sabihin ay mas lalo akong kumu-cute pag nababadtrip.

"Sige, basta wag mo na talaga akong iwan kundi pepektusan kitang babae ka." Natatawang tumango si Gail.

"Opo, opo, madam."

A few minutes later pumasok na si Mrs. Myou na nakangiti. Ganiyan talaga palagi si Mrs. Myou palaging nakangiti pag papasok ng klase, kaya nga ang bata pa niya tingnan kahit 40+ na siya ay  mukhang 20+ pa. Nakoo, Mrs. Myou, how to be you po. Char lang, cute na pala ako tas maganda.

"Good morning class." Tumayo kami at nag-greet pabalik.

"Good morning, Mrs. Myou." Sabay naming sabi. At take note ah, kasali na ako dun baka sabihin niyu pati pag-greet tatamadin ako. Favorite teacher ko kaya to kaya babatiin ko to.

"Please sit down, and let's start the class." Umupo na kami. Oh, diba ang masunurin ko, gaya-gaya lang kasi sila sakin. Nakita kung parang may hinahanap si Mrs. Myou at nung tumigil ang mga mata niya sakin ngumiti siya at nagsimula ng magdiscuss. Owwwkey! Ang weird nun ah.

"Psst, bakit nginitian ka ni Mrs. Myou?" Bulong ni Gail. Nakita rin pala niya iyon.

"I don't know, maybe nagagandahan yan sakin." Kinurot niya ako ng mahina sa tagiliran. Sinamaan ko siya ng tingin. Nyeta, kahit mahina lang yung pagkakurut niya masakit parin, letse ang tulis kaya ng kuku netong bruha nato.

"Napakahangin mo." Bulong niya ulit. Inirapan ko lang siya pagkatapos nakinig na kay Mrs. Myou.

Mabait talaga akong stupident kaso tinatamad nga lang ako minsan at ang minsan na yun ay kadalasan.

After an hour, lunch na rin. Nagpaalam na si Mrs. Myou.

"Good bye class, see you around." Niligpit ko na ang mga gamit ko.

"Nika, punta na tayu sa Caf." Magsasalita na sana ako ng may kumablit sakin.

"Mrs. Myou." Sabay naming sabi ni Gail. Ngumiti naman si Mrs. Myou.

"Let's go Ms. Bautista?" Ngumiti rin ako kay Mrs. Myou.

"Magpapaalam lang po ako saglit sa kaibigan ko Mrs. Myou."

"Okey, puntahan mo nalang ako sa library."

"Opo, Mrs. Myou." Nung nakalabas na si Mrs. Myou hinarap ko si Gail na ngayon ay nakakunot-noo na. Marami na namang itong tanong.

"Anong let's go? Saan kayu pupunta ni Mrs. Myou? Kasama ba ako?" Sabi ko na nga ba. At hanu? Kasama daw siya? Juskooo!

"Ikukwento ko nalang sayu pagka-uwi natin sa bahay. Sa ngayon di na muna kita masasamahan mag-lunch. Sasama kasi ako kay Mrs. Myou." Mas lalong kumunot ang noo ni Gail. Nako po.

I'm His TutorWhere stories live. Discover now