Naglakad lang kami hanggang sa nakapunta kami sa skating. Nice, alam niya kung saan, mabuti naman kung ganun. Pumunta kami sa rentahan ng skating boots at nagrenta rin siya ng dalawang jacket.
"Bakit may jacket pa?" Tanong ko sa kaniya.
"Sobrang ginaw sa loob kaya kailangan natin to." Napatango nalang ako. Binayaran na niya iyon at hinawakan ulit ang kamay ko bago pumasok sa loob ng skating. Nagbihis muna kami bago nag-skate na.
Huminga ako ng malalim nung nasa mismong skating na talaga kami. Nyeta, iniwan ako ng gung-gung na si Kai akala niya siguro marunong ako neto, taena DI AKO MARUNONGGGG! Sasakalin ko talaga tung kumag na to pag eto lumapit sakin.
"Xyve, come!" Sabi niya sakin mula sa malayo. I glared at him. Taenang lalaki, di ba niya nahalata na natatakot ako sa punyetang skate na to. Nakahawak pa nga ako sa railing dito, putek lang. Natatawang lumapit sakin si Kai at nung nakalapit na talaga siya ay agad ko siyang binatukan. Yan, di ko na sinakal sayang naman kaya binatukan ko nalang.
"Tsk, mahal pa rin kita kahit brutal ka. Come, hold my hands." Sabi niya habang inilahad ang kamay niya. Napatingin ako dun at pagkatapos sa kaniya.
"Natatakot ako. Labas nalang tayu dito." Kai chuckled and then pagkatapos nagsalita siya.
"Trust me, mag-e-enjoy ka dito. Come."
"Pag ako madulas dito malilintikan sakin." Pagbabanta ko sa kaniya pagkatapos ay hinawakan ang dalawang kamay niya.
"Wahhh! Kai, dahan-dahan langggg!" Putangina ang bilis niya kasi.
"Just skate, Xyve. Igalaw mo mga paa mo, trust me matutoto kana." Natatawang sabi ni Kai.
"Putangina lang ah, dahan-dahan lang kasi muna tangina ka." Pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Duh, wala akong pake kung anong sabihin nila basta natakot akong madulas dito. Nagdahan-dahan na si Kai kaya nakahinga ako ng maluwag nun. Tumigil siya ay dahil kontolado niya ako ay napatigil rin ako but still, hawak niya parin ang kamay ko.
"Breathe in, Xyve." Sinamaan ko siya ng tingin.
"Umayos ka nga Kai, I swear makakatanggap ka ulit ng pangalawang batok sakin."
"What? Umayos naman ako ah, ikaw lang ang hindi. Sundin mo sinasabi ko, breathe in." Ngumuso ako bago sinunod siya.
"Breathe in." Nakita ko na sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako. Taena sundin daw ang sinabi niya kaya ginawa ko.
"What? Diba sabi mo sundin ang sasabibin mo? Edi sinunod ko na oh, breathe in."
"I mean, gawin mo ang sasabihin ko." Inirapan ko siya.
"Yan, di yung sundin ang sasabihin mo. Tangeks ka pala." Again sinamaan niya ako ng tingin kaya naman tinaasan ko rin siya ng kilay.
"Remember my rule, Xyve?" Umakto akong nag-iisip bago umiling.
"Hindi, at wala akong balak malaman ulit yun. Ano nga yun sinabi mo? Breathe in? Eto na mag-breathe in na." And then nag-breathe in na nga ako. Umiling muna si Kai bago nagsalita.
"Breathe out." Sinunod ko naman ang sinasabi niya. Ilang beses pa naming ginawa ang breathing exercise na yun pagkatapos ay tinuruan na niya ako sa pag-skate.
"Okey, now, ikilos mo ang mga paa mo na parang naglalakad ka lang." Ginawa ko ang sinasabi niya at okey naman pala. Di naman pala ganun ka-difficult.
"Yan, bibitawan na kita ah."
"Wag, wag, sheytt." Taranta kung sabi sa kaniya bago niya binitawan ang dalawang kamay ko. Natawa si Kai sa reaksyon ko kaya naman sinuntok ko siya sa braso niya.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Teen FictionNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...