Follow/Add me on my social media accounts.
Facebook: https://www.facebook.com/mimiayes.wo
Twitter: https://twitter.com/Mimiayes04?s=09Enjoy reading, MiMians ❣️🤗
-MiMiAyes"Kamusta yung klase kanina, little sis?" Tanong ni Kuya habang nagmamaneho.
Kanina pagkatapos kung basahin ang letter ay niligpit ko agad iyon at kumalma para makapag-isip—kahit wala naman talaga akong isip and maya-maya naman nun ay dumating si Kuya para sunduin ako kaya nandito na kami sa kotse ngayon. On the way to tha mansion—char bahay lang pala.
Napakamot ako sa batok dahil sa tanong ni Kuya.
"Okey yung before lunch classes kaso di okey yung after lunch na."
"At bakit naman?" I rolled my eyes.
"Nakatulog ako sa rooftop." Kita ko ang pagka-kunot-noo ni Kuya.
"Bakit napunta ka sa rooftop?" Again, I rolled my eyes.
"Eh kasi nga, nagpapahangin ako duh." Aktong magtatanong pa ulit si Kuya pero inunahan ko siya. "Hep-hep, himala ata Kuya at nagtanong ka about sa school ko. As in sobrang miracle, anong nakain mo?" Si Kuya na naman ngayon ang umirap.
"It's none of your business." Inirapan ko nalang siya.
"Edi it's none of my business duh! Pakibilisan nalang po dahil nagugutom na ang dyosa mong kapatid."
"Same!" And with that, binilisan ni Kuya ang pagmaneho.
Nung nakarating na kami sa bahay agad kaming bumaba at pumunta sa kanya-kanya naming kwarto para magbihis. Nung palabas na ako napasin ko yung white envelope na nasa table. Kunot noo ko iyong nilapitan and kinuha iyon.
Binasa ko iyong sulat. One and simple word lang nakalagay dun and that is —Sorry!
Mas lalo akong nagalit na to the point na kumot ko yung envelope.
"Walang kwenta!" Then tinapon ko iyon sa bintana at lumabas na ng kwarto.
Sorry ah, tsk!
Kumain ako ng tahimik. Alam kung nag-o-observe lang si Kuya and mommy sakin at ewan ko ba kung bakit tumahimik talaga ako ngayon. Ganito ba pag broken? Charot! Di ko feel yung presence sa hapagkainan kaya naman binilisan ko yung pagkain ko at nung natapos na ako ay tumambay ako sala para manood ng TV.
Mga ilang minutes akong nakatutok sa TV na di naman na digest sa utak ko yung pinanood kasi nga nalutang ako. Nabalik lang ako sa tamang wisyo nung tumabi si mommy sakin at tinawag ako.
"Anak?"
"Po, mommy?"
"Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo. May problema ba?" Natawa ako nun.
"Mommy naman, wag niyo po akong alalahanin okey lang po ako wala po akong problema." Sinuklay ni mommy ang buhok ko gamit ang mga daliri niya.
"Sigurado kaba?" Tumango ako tsaka ngumiti.
"Ay wait mommy, nakalimutan kung ibigay sayo yung brown envelope." Kumunot ang noo ni mommy.
"Brown envelope?" Tumango ako.
"Yes po, wait lang kukunin ko lang po yung envelope."
Actually di ko naman talaga nakalimutan, sadyang sinadya ko lang talaga na ipaalam ni mommy yun pag kami lang dalawa para tingnan ko kung anong reaction niya and base kanina parang wala siyang kaalam-alam tungkol sa letter.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Teen FictionNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...