-Nika's POV-
"You okey?" Tiningnan ko si Kaivor at tumango at bumalik ulit sa pagkain.
Since kanina naging tahimik na ako,ewan ko ba kung bakit basta bigla nalang akong tumahimik at alam kung naninibago si Kai sakin kasi panay ang tanung niya sakin kung okey lang ba ako or hindi.
"Nika?" Nag-angat ako ng tingin para tingnan ang tumawag sakin.
"Halsey?" Ngumiti si Halsey at tumango. Namiss ko siya kaya naman ay agad akong tumayo at yumakap sa kaniya.
"Ikaw nga,kamusta kana? Ganda mo ngayon ah, nagmumukhang tao kana infairness. Di kita nakilala agad." Then I chuckled. Hinampas ako ni Halsey sa braso tsaka sumimangot.
"Kahit kailan talaga napaka-bully mong babae ka." Naka-pout niyang sabi. Aakmang magsasalita sana ako nung may narinig akong tumikhim.
"Si Halsey lang pala ang makakapag-paingay sayu ulit, sana sinabi mo agad para kakaladkarin ko yan pupunta dito." Mataray na sabi ni Gail. If I know nagseselos to kasi nga kanina ko pa sila hindi iniimik.
"Tumahimik ka, Nika?" Sinamaan ko ng tingin si Halsey at nagkibit balikat lang siya at hinarap sila Gail.
"Hi Gail, atsaka sa inyung dalawa." Pagre-reffer niya kina Kai at Leosh. Tumango lang si Kai samantalang kumaway at ngumiti naman si Leosh kay Halsey na ikalukot ng mukha ni Bruha Gail.
"Hi, may chair kana? Pwede ka dito umupo." Mas lalong lumukot ang mukha ni Gail sa sinabi ni Leosh.
Tumawa lang si Halsey at umiling.
"Salamat sa pag-alok pero may upuan na ako, actually pumunta lang talaga ako dito sa table niyu para magpa-picture." Nag peace sign si Halsey. "Hehe, pwede ba?" Napatawa nalang ako.
"Yeah, pwede." Sabi ko.
"Yes, thank you." Agad niyang kinuha ang cellphone niya sa dala niyang bag at nagtake agad kami ng pictures.
"Thank you sa inyu,babalik na ako sa table namin ah baka hinanap na ako ni Papa." Pagpapa-alam ni Halsey at umalis na pagkatapos naming magpaalam.
Biglang tumayo si Kai at lumapit sakin.
"Let's go."
"Saan?" Nakakunot-noong tanong ko.
"Basta."
"Huy, saan mo dadalhin kaibigan ko? Kaivor, di ibig sabihin na pinagsisigawan na ng Kuya mo na may relasyon kayu eh pwede mo ng dalhin si bruha kahit saan ng hindi nagpapaalam sakin. Di pwede yun ah baka kung saan kayu pupunta at —jsidmri." Tinakpan na ni Leosh ang bunganga ni bruha. Jusko, bungangera talaga ng bruhildang to.
"Sige na umalis na kayu, ako na bahala dito." Nginisihan siya ni Kai.
"Sige, alis muna kami ah." Hinawakan niya ang kamay ko at tinahak palabas ng venue.
Akala ko kung saan niya ako dadalhin sa dalampasigan lang pala. Yung inuupuan namin na may malaking bato, dun niya ako dinala.
"Bakit tayu nandito?" Ngumiti siya.
"Upo ka." Inirapan ko siya bago umupo. "Dito muna tayu,di kita ma-solo dun." Kinurot ko siya sa tagailiran niya dahilan na mapa-aray siya.
"Joke lang, eto naman di na mabiro. Dinala kita dito para dito." May idinukot siya sa bulsa niya at lumabas mula doon ang kahon na kulay puti at may light brown na nakatali.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Dla nastolatkówNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...