CHAPTER 25

47 8 12
                                    

Paggising ko kinaumagahan wala na si Kai.

Anong oras na ba at ang aga gumising ng abnormal na yun. Di ko na nalang inisip yun at buminat ako pagkatapos ay bumangon. Inayos ko muna ang higaan bago lumabas ng silid pero bumalik rin ako agad kasi naman...

Wala pa akong suklay. Nakakahiya, lalabas ako ng walang suklay. Duh, may dalawang gwapitong lalaki kaya dito so better ayos-ayos myself.

Pagkatapos kung magsuklay at nasisigurado ko na talagang maayos na ang buhok ko at mas kumo-cute ako ay tsaka na ako lumabas at naghilamos. Jusko, bagong gising ako kaya naman kailangan ko ng hilamos baka kasi naglalaway ako. Naku, mahirap na yun.

Teka, asan ba mga tao dito? Bakit parang ang tahimik yata. Diba dapat maingay ngayon kasi nandito yung makulit na anak nila Eana at Kuya Gelv pero anong nangyari? Baliktad ata. Di kaya... No, no, no, mali tung nasa isip ko. Di sila kinuha ng multo kagabi, hindi as in hindi. Mygaass self, mukhang inaantok ka pa ata kasi kung ano-ano nalang ang pumasok sa isip mo.

Kinalma ko nalang ang sarili ko at lumabas at nabigla ako sa nadatnan ko kung ano este kung sino at nag-aano ang nasa labas.

Talaga bang marunong siya niyan? Jusko naman, marami pa talaga akong di alam sa lalaking to. Perst, alam niya kung paano magdaro na ikinabigla ko rin, secand, marunong rin siyang maghugas ng pinggan nabigla ako nun konti pero nakabawi rin agad. Siya lang pala mag-isa sa condo niya kaya imposibleng di niya alam yun. And now, which is the tird, ay nag-iihaw siya —este sila pala ni Tatang— naghihiwa sila ng manok? Manok ba yun? Ewan di ko masyadong makita. Basta may balahibo at wala naman sigurong ibang hihiwain na may balahibo kundi manok lang right? O kung meron man bahala kayu, basta may hinihiwa sila.

Nasan kaya sila Eana, Kuya Gelv, Ed at si baby Eavelt Gelna? Nagpapahangin lang siguro yun. Lumapit ako sa kanila na may ngiti sa mga labi. Wag kayung ganun, maganda lang talaga ang bumungad sakin. As in, well, paanong hindi maganda eh umagang-umaga bumungad sakin ang isang pandesal na anim. Yam, yam, you know readers what I mean? Kung hindi, bahala na kayu.

Paglapit ko sa kanila ay bumati agad ako.

"Magandang umaga Tatang, Magandang umaga Kai." Sabay na tumingin sina Tatang at Kai sakin.

"Magandang umaga rin Nika." Pagkatapos bumati pabalik ni Tatang ay bumalik siya sa pag-ihaw. Tiningnan ko naman si Kai na ngayun ay nakangiti na rin. Ang gwapoooo!

Lumapit siya sakin and then he kissed my cheeks before greeting back. He kissed me, ganun ba siya pag-babati with kiss pa talaga. Sosyal ah.

"Magandang umaga, Xyve." May pagka-slang niyang bati. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Sa wakas may natutunan rin siya maski pagbati lang. Natutuwa ako.

"dasi pag-iihaw."
(Bumalik kana sa pag-ihaw.) Kumunot ang noo niya. Tinagalog ko lang kasi ang pag-ihaw na words.

"Pag-iihaw geuneun tatang-eul buleunda. gajyeoobnida?" (Pag-ihaw ang tawag niyang ginagawa niyu ni Tatang. Gets?) Umakto siyang nag-iisip bago tumingin kay Tatang na ngayun kinukuhanan na ng mga balahibo yung manok. See, tama ako manok nga yung inihaw nila at di lang isang manok yun kundi sampu. Sampu? Sampung manok ang inihaw? Bakit ang ang dami? Ay wag ko na ngang isipin yun ang importante ay makakain ko rin yang manok na yan.

"Okey, pag-ihaw. Babalik na ako sa pag-ihaw." Tumalikod siya at bumalik na sa ginagawa niya kanina.

Pumasok ako sa bahay at umupo at again and again napag-isip naman ako.

Nagtagalog siya, right? Nagtagalog siya, saan niya natutunan yun? Wala naman akong tinuro sa kaniya na ganun ah.

'Baka kasi nag-self study.'

I'm His TutorWhere stories live. Discover now