Nasa Cafeteria na ako kasama sila Gail the bruha at Kuya the panget -na ewan ko kung bakit di siya sumabay sa mga barkada niya kumain. Namiss, siguro ako ng gung-gung na to kaya sumabay samin ni Bruha sa pagkain.
"Excuse me." Sabay-sabay kaming tatlong napatingin sa kanila. Sino sila? Don't tell me na isa to sa mga chicks ni Kuya? Nahh.
"Yes?" Sagot ni Gail.
"Sino sa inyu si Nika Xyve?" Tanong nung magandang babae, well, puro naman sila maganda pero mas maganda to.
"Bakit? Anong kailangan mo sa kapatid ko?" Tinaasan niya ng kilay si Kuya. Ang astig ah, di man lang siya na attract sa Kuya ko. Nayyss.
"Just answer my freaking question." Nakataas kilay parin niyang tanong. Abaaa, ang astig nga. Idol ko a siya. And wait, bakit niya ako hinahanap? Di ko naman siya kilala ah. Tumikhim ako at nagsalita.
"Nandito ako. Ano palang kailangan niyu?" Tiningnan ako nung babae at maya-maya lang ay biglang itong ngumiti.
"Nandito ka lang pala. Thank god, at nakilala na kita." Lumapit siya sakin at nakipag-shake hands. "I am Koreen Laven Myou, Kaivor's sister." Nakangiting pagpapakilala niya.
Kaivor sister? Ate to ni Gagong Koreano? Abaa, di ata halata. Ang ganda niya kasi tas yung gagong nun ang pangit grabe, nakakasuka kapangitan niya.
"Nika." At tinanggap ko ang pakikipag-shake hands niya. "Uhm, ano po pala kailangan niyu sakin?"
"Can I talk to you? Saglit lang to promise." Tiningnan ko si Gail, and she nod while grinning. And nung binalingan ko si Kuya, napa-iling nalang ako. Pano kasi, grabe kung tumitig ni Ate Koreen parang kakainin yata niya ng buhay. Naku, natamaan siguro to.
"Kuya?" Lumingon naman siya sakin. "Mag-uusap lang kami saglit." Tumango naman siya. Tumayo ako at sinakbit ang bag ko.
"Dun tayu sa garden." Aniya at nauna ng maglakad. At nakita ko pa na inirapan niya si Kuya. Ang astig niya ah, maliban sakin siya pa ang nakikita kung umirap kay Kuya.
Pagdating namin sa garden ay agad niya akong niyakap.
Bakit niya ako niyakap?
Maya-maya lang ay bumitaw na siya at ngumiti sakin."I'm sorry, di ko lang talaga mapigilan na yakapin ka."
"A-ano, okey lang." Tas I fake a smile. Naku naman, di ako sanay.
"Ikaw pala ang magiging tutor ng kapatid ko. I can't believe it."
"Yeah, ako nga po. Bakit po?"
"Wala lang. You are so pretty, bagay kayu ng kapatid mo." Nanlaki ang mga cute kung mata sa sinabi niya. Hanudaw? Bagay? Kami? Gosh, ate, tao kami tao.
"Ate, tutor niya po ako di niya po ako girlfriend." Tumawa naman si Ate Koreen.
"Wala akong sinabing ganiyan." Napatawa niyang sabi. Napakamot naman ako sa batok. Napahiya ako dun ah.
"Pero sure ako na diyan din ang patutunguhan niyu." Then she wink at me. Napangiwi naman ako sa sinabi niya. Ehh, yun? Yung gagong yun, magiging boyfriend ko? Jusko, never yun mangyayari as in never. Over my dead body, nahh.
"Hanggang tutor lang po ate. Di ko gusto yung gung-gung niyung kapatid." I said seriously. Duh.
"Hmm, let's see. So, by the way Nika, gusto ko lang sabihin sayu na please take care of my brother. As what you said earlier na may pagka-gung-gung yun well, totoo naman." Then she laughed. "Basta Nika, take care of him okey." I nodded.
"Opo, I will take care of him po." Kahit gago yun. She smile and she hugged me again. At pagkatapos ay nagpa-alam na dahil may pasok pa daw sila.
Pagbalik ko sa caf ay agad akong tinanong ni Kuya na sino daw yung Kaivor na yun at bakit kinausap ako ni Ate Koreen. Sinagot ko naman iyon ng wala kang pake sabay irap sa kaniya. Letse, wala akong balak sagutin ang mga tanong niya.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Teen FictionNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...