-Nika's POV-
Tapos na akong makipag-bangayan sa kalog kung Kuya kaya eto papasok na ako sa unit ng may kumablit sakin. Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay.
"Yes, kailangan mo?" Pagtataray ko kay Leosh.
"Si Gail." Kumunot ang noo ko. Si Bruha? Bakit, parang nag-alala si Leosh.
"Bakit, anong nangyari kay bruha?" Nataranta kung sabi. Kasi naman tung Leosh na to nakakabigla, akala ko kung ano at kinublit niya ako bigla. Leosh sighed.
"Nandito sila, kasama ang dad niya." Nandito sila? Anong ginagawa nila dito? Di kaya... Sheemss, kailangan ako ni bruha ngayon.
"Nasaan sila ngayon?" Nagkibit balikat si Leosh.
"Di ko rin alam, basta nung huli ko silang iniwan ay dun sa tapat ng unit ni Tita Divine." Putangina sabi na nga ba. Nandito sila para makipag-usap. Sana lang walang nangyari masama lalo na sa dad ni Gail.
"Puntahan natin dali baka nandun sila. Taena naman oh." Biglang nag-ring ang cellphone ni Leosh.
"Nika, si Gail."
"Sagutin mo. I-loudspeak mo, dali." Taena, ewan ko kung ba't ako nataranta basta feel ko magpataranta ngayon. Putek.
Sinagot ni Leosh ang tawag at sinunod na nga niya ako. Ini-loudspeak niya iyon kaya naman tumabi ako sa kaniya para marinig ko talaga.
'Hello, Gail?' Narinig namin ang paghikbi ni bruha sa kabilang linya, sheet umiiyak siya.
'Hello, Gail, anong nangyari? Saan ka ngayon? Pupuntahan kita.'
'L-leosh, si d-dad.' Inagaw ko ang cellphone ni Leosh at ako na ang sumagot.
'Hello bruha, bakit anong nangyari kay Tito? Saan kayu, para mapuntahan namin kayu.'
'Nasa ***** hospital kami.'
'Oh sige hinatayin mo kami diyan. Pupuntahan ka namin okey. Tumahan kana pag ikaw madatnan kung umiiyak pag punta namin diyan malilintikan ka sakin, paiiyakin pa kita lalo sige ka.' Na-imagine ko naman ang pag-irap niya ngayon kahit na umiiyak. I swear umirap talaga to ngayon.
'Bruha ka talaga.'
'Duh, matagal na. Hang up ko na pupunta na kami diyan.' Binigay ko ni Leosh ang cellphone niya.
"Nasa ***** hospital daw sila."
"Tara na puntahan na natin sila."
Pumasok muna ako sa unit ko dahil nakalimutan ko nandun pala ang cellphone ko sa loob at di ko nadala yun kanina. Di na rin ako nag-abala na magbihis. Duh, nagmamadali kami at talaga bang magbibihis pa ako e okey na naman tung sout ko. Pagkalabas ko ay sabay kaming naglakad palabas ni Leosh.
"Teka, alam mo ba kung saan ang hospital na yan?" Tanong ko kay Leosh. Ipinakita niya sakin ang cellphone niya na kung saan may mga mapa dun. Napatango nalang ako.
"Great, tara na."
Sumakay kami ng taxi papunta dun at si Leosh ang nagbayad. Wala akong dalang pera, mabuti nalang talaga at boyscout rin tung si Leosh kala ko si Kaivor lang ang boyscout, laging handa. Speaking of him, nandun rin kaya siya sa hospital? Okey na kaya silang magka-pamilya?
Pagpasok namin sa hospital ay nagtanong agad kami.
"Miss, saan ang room ni..." Napakamot ako sa batok ko. Taena nakalimutan ko ang pangalan ni Tito.
"Sino, miss?" Hinalugay ko ang isip ko para lang matandaan ang pangalan ni Tito pero shit lang wala talagang pumasok.
"Nika, alam ko na kung saan." Napahinga ako ng maluwag nun. Thanks to Leosh.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Teen FictionNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...