Days, weeks, and months has passed and now is naghahanda na kami para mamayang gabi. Well, mamayang gabi lang naman gaganapin ang Christmas Eve.
Ang bilis tumakbo ng panahon— este tumatakbo ba ang panahon? Ay basta yun ang bilis lang nag Christmas, parang magic. Charoott!
Almost two months na pala kaming mag-jowa— char! ni Kai at sa loob ng two months na yun walang minuto o segundo na di kami nagbabangyan. Duh, parte na talaga ng relationship namin yan dahil palaaway akong babae. Wala ring segundo o minuto na pinapangiti niya ako. Isipin niyu nalang kung paano niya ako pinapangiti sa gitna ng pagbabangayan namin.
Miss ko na siya. Letse, kahapon yung last kita namin pero tangina miss ko na agad siya. Jusko landi mo na selp, di na ikaw to.
Siguro ganito talaga pag love mo na yung isang tao ano. Mamiss mo agad, parang wala kang gana pag di mo siya nakita o makausap man lang. Hayst, di na talaga ikaw to selp.
"MERRY CHRISTMAS!" Napatakip ako sa tenga ko dahil sa laki ng bunganga. Letse!
"Hi bespren, merry christmas!" Aakmang yayakap siya sakin nung pinakita ko sa kaniya ang kamao ko.
Napasimangot siya. Shit, ang aga-aga ang laki ng bunganga ng bruhilda nato.
"Merry Christmas mo mukha mo. Alam mo ba ang aga-aga tas ang laki ng bunganga mo." Mas lalong napasimangot si bruha.
"Tanghali na kaya atsaka christmas na christmas ang sungit mo." Inirapan ko nalang siya bago bumalik sa ginawa ko kanina which is ang mag design ng kung ano-anong ka ek-ekan dito sa bahay.
"Huy bruhilda." Di ko siya pinansin. Bahala siya.
"Huy, bruha!" Tsk, bruha mo mukha mo. "Bahala ka, di ko sasabihin sayu na may gwapong lalaking naghahanap sayu labas."
Napatigil ako sa ginagawa ko at maniniwala na sana sa sinabi niya kaso naalala ko mahilig siya magsinungaling pag ganitong di ko siya pinapansin.
"Bahala ka, ayaw mong maniwala edi don't. Duh!" Narinig ko ang papalayong yakap niya at di lang yun narinig ko pa ang bulong niya o ewan ko kung bulong paba yun kasi naman ang lakas at sigurado akong pinariringgan niya talaga ako.
"Jusko, paskong-pasko ang panget ng mood ng isa diyan tas ang panget pa niya. Agh kainis, ako lang talaga ang nagpaganda sa pasko."
Napa-chuckle nalang ako sa sinabi niya. Di ko matanggap yung word na panget daw ako pero mas lalong di ko matanggap yung siya lang daw ang nagpa-ganda ng pasko. Gaga, mas maganda ako sa kaniya duh.
"Little sis?" Pabagsak akong humarap kay Kuya tsaka tinaasan siya ng kilay. Naghihintay sa susunod niyang sasabihin.
Kuya chuckled before talking.
"May naghihintay sayo sa labas." Mas lalong tumaas ang kilay ko.
"Who?" Oh diba, English. Letse ewan ko ba pero parang ang init ng ulo ko ngayon. Epekto na kaya to sa di ko nakikita si Kai? Tsk!
"Tingnan mo lang dun." Then he smirked. Di sana ako kikilos at pupunta sa labas pero ang walang hiya kung Kuya tinulak ako palabas at nung nakalabas na ako ay agad niyang sinirado ang pintuan ng bahay.
Bwesittttt!
"Walang hiya ka Nathan Xyross Bautista, isusumbong kita sa jowa mo. Ipapabugbog kita bwesit!" Sinipa-sipa ko pa yung pintuan habang nagsasalita.
Bwesit talaga, malilintikan talaga sakin yung lalaki na yun. Bwesittttt!
"KUYA, BUKSAN MO NA YUNG PINTO! LANGYA KA IPAPABUGBOG TALAGA KITA KAY ATE KOREEN!"
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Dla nastolatkówNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...