Break muna tayu kina Nika and Kaivor and punta muna tayu kina Halimaw Koreen and Pangit Nathan. Enjoy reading 🥰
-MiMiAyes
-Nathan's POV-
Nung nakita ko ang kapatid ko at si Kaivor na naghahalikan di ko alam kung kanino ako magagalit. Kay Kaivor ba dahil alam ko di ganun ang kapatid ko, he seduced my sister. O kay Nika ba, na sa tingin ko nagpapakatanga sa lalaki yun. Can't she see, that guy lied to him.
O sa sarili ko mismo, damn me, ewan galit rin ako sa sarili ko na to the point nasigawan ko si Nika dahil di ko na mapigilan ang emosyon ko. They're kissing, at di ako tanga na di malaman kung ano ang nararamdaman ni Nik for him, pero nung tinanong ko siya kung may nararamdaman ba siya kay Kaivor, she didn't answer. Sa di palang niya pagsagot ng tanong ko alam ko na. Alam na alam, well, I'm his brother after all. She love that guy, di siya maapektuhan ng ganun kung di niya mahal yun.
I asked Eana ba yun or what, I don't care basta I asked them and dun ko nga nalaman ang lahat. Well, not everything pala dahil di nila sinabi sakin kung ano ang rason kung bakit nila ginawa yun. Are they close to Tita Divine para magawa nila iyon? Damn it, at mas lalo akong nagalit nung binigkas na talaga ng Tatay ni Gelvert ang totoo.
"...ang tinoud na nagpapanggap lang ang binatang yun." Napatingin ako kay Koreen na tahimik lang habang nakayuko na naka-upo sa isang gilid.
May kinalaman ba siya dito?
Kaya naman sa galit ko ay nasigawan ko na rin siya. Damn, nasigawan ko siya. Dun ko lang pinagsisihan ang ginawa kung pagsigaw sa kaniya nung biglang bumukas ang pinto at bumungad dun ang dahilan ng lahat —Kaivor and...
"No..." Mahinang sambit ko nun. Nika is here, narinig niya ba? And yes, tama nga ako narinig nga niya and di siya umiyak in fact ngumiti pa siya nung humarap siya samin. She's smiling and it's a fake, fake smile.
After magpasalamat ni Nika umalis siya at sumunod rin si Kaivor na nag-sorry ulit sakin at nagpasalamat rin kina Eana bago umalis.
"E-Eana, una na kami. Salamat sa pag-aalaga sa kapatid ko at kay Nika. Atsaka sorry na rin dahil nasigawan kayu neto ng kaibigan ko. Una na kami." Lumabas si Koreen ng hindi man lang lumingon sakin, deretso lang ang lakad niya. Kaya naman nag-paalam na rin ako sa kanila at humingi ng pasensya sa kanila.
Habang nagmamaneho ako tahimik lang kami ni Nika. Malamang sa malamang nag-iisip na naman to, she over think a lot of things. Nag-iisip rin ako, si Koreen ang iniisip ko. Nasigawan ko siya, nasigawan ko rin ang kapatid ko. Damn I'm hurting two important woman in my life.
*****
"I guess you know the truth." Nandito kami ni Tita Divine sa isang lugar na kung saan komportable kaming mag-usap. Dito agad kami pumunta ni Tita dahil gusto niya daw muna ako maka-usap —and same as me, I wanted to talk to Tita too.
Sina Kai at Koreen ay sinamahan sila ni Tita Natasha papunta sa kani-kanilang unit at sila Leosh at Manse naman ay ine-enjoy muna ang sarili.
"Yes Tita, alam ko na po. Bakit niyu ginawa yun?" Tita smiled.
"Kasi gusto ko. And para sa kanilang dalawa yun." Kumunot ang noo ko.
"Paanong para sa kanila? Tita naman, magka-galit kami ng kapatid ko ngayon." She smiled again. Damn it, nasa ganitong pag-uusap kami pero walang ibang ginawa si Tita kundi ang ngumiti ng ngumiti. Damn it, di ba niya nahalata na naasar na ako.
"Alam ko na magka-galit kayu. Ine-expect ko na yun. Ang gusto ko lang naman ay mailabas na nila ang kanilang tunay na nararamdaman."
"Then nailabas na nga ni Nika ang nararamdaman niya. Si Kaivor ba, nailabas na niya? Na galit siya sa kapatid ko kaya niya pinag-mukhang tanga ang kapatid ko na mag-tutor sa kaniya?" Umiling si Tita.
YOU ARE READING
I'm His Tutor
Teen FictionNIKA XYVE BAUTISTA is known as a masungit, palamura, mahilig man-trip, at kalog na babae. Until her Physics Teacher offered her to TUTOR HIS SON -KAIVOR LANDER MYOU. "Ang hirap magturo sa taong wala naman balak magpaturo." -Nika Xyve Bautista "Ang...