Hindi ko alam, bakit ang turing nila sa akin ay isang malas, isang salot na nagdadala ng kamalasan sa ibang tao. Ngunit wala akong ginagawang masama, isa lang naman akong Maging walang kapangyarihan, at naghahanap ng kasagutan.
Dadaan sa isang gilid, babatuhin ng kung anu-ano, masakit yun para sa akin, ngunit ano nga ba ang magagawa ko, malalakas sila dahil may kapangyarihan, samantalang ako, isang mahinang Magi, mahina dahil walang kapangyarihan. Salot? Malas? Siguro nga, wala na atang pag-asa, wala na akong pag-asang maging malakas, mananatili na lang akong nakalubog sa putik at hindi kayang makaahon. Mananatili na lang akong nakaluhod dahil isa nga lang naman akong mahinang Magi at tanggap ko yun. Sana lang talaga, nakiki-usap, nagdarasal kay Bathala Lithos na sana, kahit sandali ay maranasan kong maging masaya.
Sana lang talaga...
Sana.
---------
Another story from your author, paalala lang, para hindi kayo malito, laging si Ace ang P.O.V, unless, papalitan ko, okay... Ayos ba? Ayos!!
BINABASA MO ANG
Ace: The Undefined One [BxB: Completed]
FantasyDito nagsimula ang lahat, ang kasaysayan ng mga Magi, at ang magiting na Undefined. Ace, pinaniniwalaan ng mga nasa kasalukuyang panahon na isa siyang anak ng Diyos, si Bathala Lithos. Pero itinuturing na isang malas at salot noong panahon niya sa h...