Chapter 1

151 6 0
                                    

5 years later

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

5 years later..

Ten years ago,
My family died . . . And I'm dying everyday because of that . . .
My whole life now is a messed, until Sandy and Patrick came and everything has changed.

DEMI

Hindi ko na sinikap pang grumaduate, ayoko nang mandamay pa ng ibang tao sa paligid ko. Ngayon na nasa bente anyos na ako mas kaya ko ng mamuhay ng maayos, pasalamat na rin siguro ako sa mga magulang ko dahil sa perang inipon nila para sa akin.

"Demi.. Nariyan ka ba?" Nagsuot ako agad ng bra dahil kagigising ko lang. Wala namang ibang kakatok kun'di si Sandy lang at Patrick.

Tumayo na ako saka lumakad papunta sa pintuan para buksan 'yon.

"Oh?" Hinayaan kong sila ang magsara ng pinto, nakatira ako sa isang malayong lugar siguro ay bundok na ito para lang hindi ako matunton ng mga Escuevas.

"Oh?" Hinayaan kong sila ang magsara ng pinto, nakatira ako sa isang malayong lugar siguro ay bundok na ito para lang hindi ako matunton ng mga Escuevas

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ganyan mo ba salubongin ang maganda mong bisita? Don't mind Pat na lang hindi naman gwapo 'yan!" Sabay irap nito.

"Putamnida!"

Tumawa ako ng malakas. "Ano?"

"Mura pero sa magalang na paraan," nakangisi niyang paliwanag.

"Gago! Koreano ka ba?"

"E kasi 'tong si Sandy hanggang sa pag-ebs sa banyo nanunuod ng korean drama habang kausap ko siya sa phone. Narinig ko lang naman naisip kong magandang combination naman pala," natatawa nitong saad.

"Sinisi mo pa ako, panget ka hoy!"

"Ako panget? Pati nga mga uod nagkakandarapa sa ka-pogian ko 'no! Ikaw nerdy bird manahimik ka na lang! Magluto ka nga gutom na ang gwapo."

"Tse!" Dumiretso si Sandy sa kusina ko. Kahit naman noon pa siya talaga nag-aalaga sa amin ni Patrick palagi kaming busog.

 Kahit naman noon pa siya talaga nag-aalaga sa amin ni Patrick palagi kaming busog

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Itinali ko ang aking buhok saka umupo. "Kumusta ang pag-aaral? Sana naman matapos ka na, ayaw mo yatang iwanan ngayon ang college life?" Kinuha ko ang remote saka binuksan ang t.v.

Biglang lumundo ang sofa sa pagkaka-upo ni Patrick. "Demi, kumusta ka dito? Wala ka naman bang napapansin na kakaiba sa paligid mo?"

"Ha? Wala naman nag-iingat naman ako."

"Ilan ang baril mo diyan? Kailangan mo ba ng maraming bala? Ibibili kita."

"Huwag na Pat, saka hindi lang naman baril ang armas ko diyan. Mangungupit ka na naman sa kay tito Jerald gago ka talaga," hinagis ko ang unan sa kaniya.

"Syempre ayokong may mangyari sa iyong masama! Teka, mukhang hindi ka dinadalaw rito ni Andrew? Jowa mo pa ba 'yon?"

"Mamayang gabi pupunta 'yon, bakit ba?"

"Nako Demi, Bakit ka pa nagtanong edi syempre nagseselos si Patrick tsk." Biglang sabat ni Sandy na nakasuot ng apron at may bitbit na sandok.

"Hoy nerdy bird usapang maganda't gwapo lang 'to, tsupi ka!"

Hindi matatapos ang isang araw na hindi sila mag-aaway, wala e sanay na 'ko sa dalawang ito.

"Oo nga pala nabalitaan mo na ba? Iyong isa sa may ari ng Guzon Hospital?" Bigla siyang sumeryoso kaya parang kinabahan ako.

"Jamir Guzon?" Gulat kong tanong. Iyon kasi ang tumulong sa akin sa hospital noon. Siguro ay nasa 45 years old na 'yon, sobrang bait nun. Kaibigan daw siya ni daddy pero si tito Leonardo lang ang kilala ko sa mga kaibigan ni dad.

Tumango si Patrick at seryosong tumingin sa akin. "He's dead!"

"A-Ano?" Napatayo ako sa gulat. "B-Bakit? Paano?" Bigla akong nanginig.

"Ayon sa source ko hindi raw pumayag ito na maglagay ng droga sa katawan ng ilang tauhan ni Lim Escuevas na sikretong dadalhin sana sa Poland. Pero kahit hindi siya pumayag ay naisakatuparan pa rin ang gusto nila."

"Wait.. Hindi ba't malayang nakakalabas pasok sila sa bansa kahit pa may dalang droga?"

"Hindi kasi lahat nang bansa Demi e hawak nila, mag-uumpisa pa lang sana silang magpasok doon ng droga," he added.

"A-Ano'ng ginawa nila kay Director Jamir?"

Bago sumagot ay nagbuga ito ng hangin sa kawalan. "Dating gawi, kung sino man ang humarang o bumali sa batas ni Lim Escuevas ay papatayin. Habang nakasabit ito sa ere sa helicopter ay pinagbabaril ito," napapikit ako ng mariin at niyukom ang aking kamay sa galit na nararamdaman ko ngayon.

"Fvck sh*t! Mga halang ang kaluluwa nila! Hanggang ngayon hindi pa rin sila nagbabago mga hayop pa rin!"

"Iyan ang hirap ngayon kaya minsan mas mabuti pang hindi na lang lumabas ng bahay pero nakakabahala pa rin ang mga nangyayari."

"Kayong dalawa kapag pupunta kayo rito mag-ingat kayo ha.." nakagat ko ang lower lip ko sa inis at galit. Kailan ba magiging malaya ang lahat? Bakit kailangan pang may ganitong pangyayari? Akala ko sa pelikula lang may ganito pati pala sa totoong buhay!

"Demi ikaw ang mag-iingat dito dahil kilala mo ang mga Escuevas wala silang sinasanto!"

"Alam ko Patrick, hindi ako manunuod lang sa mga ginagawa nila. Kailangan kong malaman kung ano ang naging koneksyon nila daddy sa mga Escuevas. Ilang taon na ba ang lumipas pero wala pa rin akong sagot!" Gigil kong inilapag ang remote sa lamesa.

"Easy ka lang Dems, tutulungan ka namin saka sigurado akong mabibigyan natin ng hustisya ang pamilya mo. Pero.."

"Pero ano?"

"Hindi ka ba nalulungkot na mag-isa ka lang? Sigurado ka na ba kay Andrew? Hindi na ba magbabago ang isip mo?"

Lingid naman sa aking kaalaman na gusto ako ni Patrick pero alam naman niya ang tungkol sa amin ni Andrew kaya hindi na siya tumutol pa. "Nalulungkot? Kailan ba naging bago ang salitang 'yan sa pagkatao ko? Sigurado ako kay Andrew saka kahit paano sumasaya naman ako tulad nang kapag kasama ko kayo ni Sandy, kaya ikaw Patrick wag ka ng magselos diyan mahal naman kita e."

"Mahal mo ako?"

"Oo."

"Talaga?"

"Bilang isang kaibigan!" Biglang tumapat si Sandy kay Patrick at nakalapit ang mukha nito. "Loser!"

"Putamnida Sandy ang sakit mo sa mata!"

"Sa ganda kong 'to? Hello!"

"Tama na nga 'yan, kumain na tayo baka lumamig pa ang niluto ni Sandy saka mahaba pa ang biyahe niyo mamaya."

"Sino ang may sabi sa 'yong uuwi kami mamaya? Dito kami matutulog 'no."

"A-Ano? May pasok kayo 'di ba?" Nakapamewang akong tumingin kay Sandy.

"Ang sungit mo naman Demi para matutulog lang e, may gagawin ba kayo ni Andrew mamaya? Promise hindi kami mag-iingay.."

"Oh? Umuwi kayo mamaya!"

"No!"

"Dems, promise ngayon lang naman e saka miss na kita este namin," sabat pa ni Patrick.

Umupo na lang ako at inirapan silang dalawa. Wala naman akong magagawa sa kakulitan nila, pero kung miss nila ako mas miss ko silang dalawa. Hindi lang ako showy na tao pero kilala naman nila ako. Sobrang mahal ko 'tong dalawang 'to.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon