Chapter 42

71 8 4
                                    

NP: COME TO THIS                   BY: NATALIE TAYLOR

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NP: COME TO THIS
                   BY: NATALIE TAYLOR

Two broken souls..

DEMI

Mabuti na ang pakiramdam ko ngayon, maraming salamat talaga sa mga kaibigan ko lalo na kay Ziedge na inalagaan ako ng sobra. May pag-asa pa rin pa lang sumaya muli kahit nasa gitna kami ng kaguluhan at walang katiyakan ay kaya ko pa rin magmahal.

Nalungkot ako para kay Craig, hindi ko sinadya ang mga nangyari. Alam kong sobra na ang galit ni Lim sa akin dahil sino nga ba naman ako? Siya lang talaga ang gusto kong magbayad nang mga kasalanan nito pero hindi ko sinasadya na madamay pati ang pamilya nito.

Hindi ko alam kung kailan siya kikilos para patayin ako kaya kailangan kong maging handa ano man oras. Ngayon pa lang ako nag-uumpisa ulit kaya sana'y hindi masayang ang lahat nang nasimulan ko na kasama ang mga taong mahal ko.

"Hey.." biglang yumakap si Ziedge sa akin. Papunta kami sa hide out para bisitahin si tito Leonardo, alam naming busy ito saka hindi nakakauwi si Ziedge doon dahil sa akin. Magaling na ako ngayon may mga bakas ng sugat pero pahilom na rin.

"Ziedge.." malambing kong sambit.

"Tara na?" Tumango ako saka ngumiti.

"Akala ko ba tara na? Bakit nakayakap ka pa?" Napakamot siya sa ulo nito.

"Hehe.. Akala ko makakalusot," tapos hinawakan niya ako sa kamay saka sabay na kaming bumaba pasakay sa sasakyan nito.





Pagkarating namin ay mukhang nauna na sina Sandy at Patrick.
Hawak pa rin niya ang kamay ko hanggang sa makapasok kami sa loob ng mansion.

"Bakit may mga bagahe? May dumating ba Ziedge?" Taka kong tanong.

"Hindi ko rin alam.." pumasok na kami ng tuluyan sa loob. Nagulat ako sa biglang pagbitaw ni Ziedge sa kamay ko.

"Z-Ziedge," sambit ko. Lahat sila ay nakatuon ang pansin sa amin.

Lumapit si tito Leonardo. "Anak pasensya ka na hindi ko nasabi sa 'yo," pero nanatiling tahimik si Ziedge.

"Leonardo samahan mo na ako sa silid natin sobrang pagod na ako sa biyahe," tawag nung ginang, teka mommy ba siya ni Ziedge?

"S-Sige.." malungkot ang mukha ni tito Leonardo tapos si Ziedge sobrang nagbago ang aura na para bang nasasaktan na nagagalit gano'n ang nararamdaman ko.

Umakyat na sila tito Leonardo tapos si Sandy biglang yumakap kay Ziedge.

"Kuya katulad nang sinabi ko sa 'yo noon nandito lang ako.." bakit umiiyak si Sandy? Wala akong maintindihan sa mga nangyayari. Hinawakan ako ni Patrick sa kamay saka niyaya sa labas na puno pa rin ako ng katanungan.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon