Chapter 7

89 6 0
                                    

I admire her

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I admire her.

PATRICK

Demi needs us. Ilang beses na ba niyang iniligtas ang buhay namin ni Sandy? Actually hindi ko na rin mabilang. Marahil ay natatakot siya na baka isang araw madamay kami sa gulo niya pero wala naman akong pakialam dahil kahit nasa'n man siya parati lang kaming nasa likuran niya.

Demi is so precious, we can't lose her! A year ago I confessed my feelings to her but she rejected me, funny right? Hindi naman talaga siya 'yong simpleng babae na kapag niligawan mo e may sagot agad, iba ang goal niya sa buhay. She's willing to die just to get the justice for her family. I admire her a lot.

Minsan nakita ko siyang iyak ng iyak sa silid nito, hindi ko sinasadya. Nang makita ko siyang gano'n parang nanghina ako, binabalot siya nang sakit mula sa nakaraan nito. Paanong niya nagagawang lagyan ng maskara ang lahat nang sakit at bigat na nararamdaman niya? Paano niya nakakayanan? Bakit hanggang ngayon nasa nakaraan pa rin siya? Fvck! Ang bigat sa pakiramdam!

"Patrick pagmamasdan mo na lang ba si Demi magdamag?" Hindi pa pala natutulog Si Sandy. Narito kami sa condo ni Demi binabantayan namin siya habang hindi pa kami nakakahanap ng lugar para sa kaniya at sa kaligtasan nito.

"Gusto ko siyang yakapin," sambit ko. Tumayo si Sandy at lumapit sa akin. She patted my shoulder.

"Naiintindihan kita Patrick, ganyan din ang nararamdaman ko. Ilang taon na ba tayong magkakaibigan? Saksi tayo sa hirap at gulo nang buhay ni Demi pero hindi siya iyong babae na basta na lang susuko. Pat, si Demi 'yan kaya wag mong masyadong isipin."

I sighed

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I sighed. "Yea.." nilingon ko siya saka ngumisi. "Nerdy bird ang pangit mo!" She glared.

"Alam mo ikaw para kang gago! Matutulog na ako, bantayan mo kami! Tse!"

"Goodnight pangit!" Natawa na lang ako.



Kinabukasan paggising ko wala na si Demi sa higaan nito kaya napatayo ako agad samantalang si Sandy ay tulo laway pa at mahimbing na natutulog.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon