Chapter 30

98 7 4
                                    

                           NP: Come to this                           BY: Natalie Taylor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: Come to this
BY: Natalie Taylor

DEMI

Bakit ako biglang nakaramdam ng kirot? No.. Wala namang kami ni Ziedge pero nang makita ko kung gaano pa rin niya pahalagahan si Sabri parang kinukurot ang puso ko. Alam niyo 'yon? Basta I can't explain!

Bumaba ako para sana kumuha sana ng alak nang madatnan ko sina Patrick at Sandy na naghahabulan at nagpapahiran ng icing sa mukha. Ang cute nila sobrang bagay kaso mga in-denial pa rin sa mga feelings nila.

"Demi.." ang saya nila. Bumaba ako saka kumuha ng beer tapos napahinto sila at lumapit si Patrick sa akin para kuhanin ang beer sabay pinahiran niya ako ng icing sa aking mukha.

"Pat-Pat!" Tapos tumatawa sila kaya kumuha ako ng icing saka sila hinabol. Tawa lang kami ng tawa kahit sobrang lagkit na naming tatlo.

"Ang daya mo unggoy! Bleph!"

"Hoy nerdy bird ikaw nga 'tong pinakamaraming napahid sa akin e!" Nag-aaway na naman sila oh.

"Good morning.. Demi ko?" Natahimik kaming tatlo saka sinilip kung sino 'yon. Si Prince lang pala. Naglagay kami ng maraming icing sa mga kamay namin saka biglang ipinahid kay Prince na gulat na gulat. Tawa kami ng tawa sa reaksyon nito kaya ang ending gumanti siya sa amin. Sobrang kalat ng kusina grabe sila pero ang saya pala, ngayon na lang ako nakatawa ulit ng ganito.

Mayamaya pa ay biglang dumating sina Ziedge at Sabrie na magkahawak kamay.

"Oh guys? Bakit ganyan ang mga itsura ninyo?" Natawa siya.

"Waah ang cute niyo," ani Sabri.

Kumuha ng tissue si Ziedge at akmang pupunasan ako sa mukha ay umiwas na ako. Nakita kong natigilan silang lahat.

"Ah.. M-Maliligo lang ako," saka ako umakyat sa itaas.

"Prince and Patrick sa likod na lang kayo maligo may gripo doon," narinig ko pang utos ni Sandy.

Pagpasok ko sa aking silid ang bigat sa pakiramdam kaya naligo na ako ng tuluyan pagkatapos ay nagbihis na.



Bumaba ulit ako pero mukhang naglinis 'yong mga maids. Naabutan kong nagpapatuyo ng buhok si Patrick, inagaw ko ang blower saka ako ang nagpatuloy nun.

"Thank you mahal kong Demi," binatukan ko siya. "Wow ah ang sarap mong magmahal," natawa ako.

"Demi ako din ah," pumikit-pikit pa si Prince na parang bata.

"Opo.." nakangiti kong tugon. "Dito na lang ako maliligo araw-araw para si Demi ang taga blower ng buhok ko," ani Prince tapos sinipa siya ni Patrick.

"Don't you dare! Sapakan oh?"

"Sapakan? Gusto mo ha?" Pareho ko silang piningot.

Bigla naman dumating si Ziedge para kumuha ng juice. Nakatingin lang sa ginagawa ko, buhok na kasi ni Prince ang pinapatuyo ko.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon