Chapter 6

108 6 0
                                    

End of his life

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

End of his life. . .

IVY

I never thought that he would rather end his own life than to live and move on.

Alam kong hindi madaling mabuhay bilang isang Escuevas, lingid sa aming kaalaman ang kalakaran ni daddy sa aming pamumuhay. Pakiramdam ko ay mga robot kami na kailangan lagyan ng battery para sumunod sa lahat nang gusto nito.

"Andrew, bakit?" Isang linggo na ang lumipas simula nang ilibing ito. "Bakit hindi mo ako tinawagan?" Napaluha na lang ako.

 "Bakit hindi mo ako tinawagan?" Napaluha na lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ivy," nagulat ako, pinahiran ko agad ang luha ko.

"K-Kuya Craig.." diretso akong tumayo pero nangingibabaw ang sakit na nararamdaman ko. Niyakap niya ako. "Kuya!" Umiyak ako ng umiyak.

"Ssh.. I know it hurts but we need to move on. Hindi natin maaaring ipakitang mahina tayo dahil isa tayong Escuevas. Ayaw ni daddy na ganito tayo."

"Kuya alam kong hindi kayo magkasundo ni Andrew pero kapatid natin siya."

"Mahal ko si Andrew kahit hindi kami masyadong okay pero gusto ko kayong protektahan lahat kay daddy. Gusto kong ipakita nating lahat na tulad niya tayo matapang at walang sini-sino. Alam kong mahirap tanggapin pero ito ang buhay natin."

"Kailangan kong makilala si Demi Agustin!"

"You don't know her?" Nagulat ako sa tanong nito.

"I never heard her name until this happened. Who is she?"

"Siya iyong batang gustong ipapatay ni daddy ten years ago. Her father is the former president of Agustin International Airport, ang alam ko'y kaibigan siya ni daddy. Lima silang magkakaibigan at si daddy ang pinakamahirap sa kanila. Walang-wala na nga siya noon pero inagaw pa ng daddy ni Demi ang first love nito. At nang magkaroon ng pagkakataon kumapit siya sa isang sindikato at pinagbuti ang pagbebenta ng droga hanggang sa may malalaking transactions sa iba't ibang bansa at boom! Instant millionaire na siya. Noon nangako siya sa sarili na hindi niya lilingunin ang mga dating kaibigan.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon