Chapter 23

78 8 4
                                    

                   NP: Kung saan ka masaya                        BY: Daniel Padilla

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

                   NP: Kung saan ka masaya
BY: Daniel Padilla

Vacation

ZIEDGE

Until now I felt her lips. Sh*t! Am I crazy? D*mn I can't forget that kiss!

Kailangan ko ng matulog hating gabi na labi pa rin ni Demi ang nasa utak ko. D*mn! Ano bang ginawa sa akin ni Demi? Aware naman akong gusto ko siya pero? Ah okay goodnight self!

Kinabukasan paggising ko ay nakarinig ako ng mga nag-uusap medyo malakas ang boses nila. Naligo muna ako bago bumaba mabuti na lang at weekends. Pagkabihis ko ay nagpasya akong lumabas ng aking silid.

"Tangina mo pare hindi mo sinabing maraming chicks do'n?" Tila nanghihinayang pa si Prince sa pagkakatanong nito kay Kristoff. Teka what is he doing here? Ah baka may ipinapagawa si Lim sa kaniya na hindi naman niya gagawin. Bilib ako kay Tupe ang hirap ng buhay niya para lang makuha ang hustisya sa pagkamatay ng tatay nito.

"Ziedge.." tawag ni Tupe, nakipag-bro shake ako sa kanilang dalawa.

"Tito Leonardo tara na yuhoooo!" May mga dalang bagahe si Patrick.

Lumapit ako sa kaniya. "Hoy lampa bakit may dala kang ganyan? Saka saan ang swimming? Dito ba?"

Umakbay ito sa akin. "Alam mo Ziedge napatawad na kita kahapon," lumingon ako sa dalawa baka kung ano ang isipin.

"Hoy gago hinaan mo 'yang boses mo ah," pinanlakihan ko siya ng mata.

"Okay sige na!"

"Oh ano guys ready?" Bumaba si dad tapos nakasuot ng short na may print na watermelon, tch! Baduy!"

"Dad? What's going on?"

"Magbabakasyon tayo 'di ba Prince, Kristoff, and Patrick?" Kumindat ito, tapos nilingon ko sila nagkibit balikat lang sila. "Wala ka kasi kahapon anak kaya hindi ka na-inform, oo nga pala papunta na rin sina Sandy and Demi."

"Talaga po tito? Si Demi?" Pumupuso na naman ang mga mata ni Prince, parang lahat sila may gusto kay Demi tsk.

"Daddy!" Si Sandy.
Sabay-sabay kaming napatingin sa gawi nila. Demi is wearing a blue summer dress, she's stunning! D*mn this woman. Nakakabaliw!

 Nakakabaliw!

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"DEMI..." lumapit si Prince at masayang niyakap ito.

Biglang hinablot ni Patrick damit nito. "Hoy don't you dare to touch my baby!" Oo totoong galit siya.

Lumapit naman si Demi kay dad at bumeso tapos nginitian niya si Kristoff pero hindi niya yata alam na narito din ako o sadyang ayaw niya akong pansinin?

"Oh Ziedge tara na? Dalawang araw tayo sa Morte Beach."

"Bakit naman biglaan? Ano'ng nangyari?"

"Mamaya ko na sasabihin, ano sasama ka ba?"

"Okay sasama na.." mahina at wala kong choice na tugon tapos tumalon-talon si Sandy.

"Yey! Hi, Kristoff ang gwapo mo naman sa suot mo," puri ni Sandy, nginitian naman siya ni Tupe.

"Hi Sandy, you're beautiful.." parang bulateng inasinan 'tong kapatid ko sa pag-ikot ng balakang, hindi ko alam kung naiihi ba o ano.

"Sandy, Patrick, and Prince tapos may ilang bodyguards kayong kasama sa montero kayo sumakay. Si Kristoff at ibang bodyguards sa akin sasabay tapos sina Ziedge at Demi sa Mirage G4," lahat sila ay patanong na tumingin kay dad.

"Tito Leonardo ano ba 'yan? Solo sila Demi at Ziedge? Bakit wala silang bodyguards?" Pagmamaktol ni Patrick.

"Oo nga bakit gano'n tito?" Pareho ng reaksyon si Prince at Patrick tapos si Kristoff nakangiti lang at nauna ng lumabas.

"Pagdating ng airport may private plane kaya sama-sama lahat wag na kayong magreklamo diyan, may tiwala ako sa dalawa kasi kayang ipagtanggol ang mga sarili nito."

"Dad, sa inyo na lang po ako ni Kristoff sasabay please? Ayokong kasama 'tong dalawa!" Nagpapadyak si Sandy na parang bata.

"Haist sige na," napilitan si dad.

"Yuhooo! Patrick and Prince good luck," dumila pa si Sandy.

"Oh mabuti naman walang asungot sige lumandi ka na Sandy!"

"Talaga!"

"Nerd!"

"Lampa!"

"Magpatuli ka muna!" Tapos humagalpak ng tawa si Prince hinabol na naman ni Patrick si Sandy sa labas. Napa-iling na lang ako.

"Lumapit ako kay Demi. "Let's go?" Nakangiti kong aya tapos ginantihan niya ako ng isang napakagandang ngiti.


Binabaybay namin ang kahabaan ng daan, isang oras lang naman papunta sa airport. Kanina nang sumakay kami ni Demi sa sasakyan masama ang tingin nila Patrick at Prince.

"Kumain ka na?" Oo nga pala nakalimutan ko.

"Nagulat kasi ako kay dad kaya hindi ko na naisip."

"Gumawa ako ng cheese bread gusto mo?" Ang sweet pala ni Demi."

"Y-Yeah sure.."

Inilabas niya iyon mula sa tupperware mukhang masarap amoy pa lang tapos sobrang daming cheese. Hindi ako gaanong mahilig sa mga cheese pero ito kakainin ko.

"You can't drive while your eating, kaya susubuan na lang kita," casual lang ang pagkakasabi niya pero iba ang dating sa akin. "Say ahh.." pagkagat ko parang heaven alam mo 'yon? Sobrang sarap. Naubos ko nga ang tatlong piraso tapos pina-inom niya ako ng tubig.

"Thank you Demi.. Babawi ako mamaya," I winked.

"Hindi naman kailangan.. Ahm, nagtataka lang ako para saan ba 'tong bakasyon?"

"Ako din hindi ko alam nabigla na lang ako kanina pero siguro kailangan natin 'tong lahat para ma-refresh ang ating mga utak sa dami nang mga nangyari."

"Maybe you're right.. Pakiramdam ko ngayon na lang ulit ako nakalabas sa tagal kong nagtago, pwede pa rin naman palang maging normal ang pamumuhay," bahagya akong nalungkot sa sinabi niya.

Sino ba namang ayaw mamuhay ng normal? Nakakapanuod ka ng sine, nakikipag-date ka, mamimili ka, magbabakasyon, at malayang magagawa ang iba pang gusto bilang isang simpleng tao pero para sa amin mukhang malabo pa 'yon.


Nandito na kami sa Airport at nauna kaming dumating kaya sumakay na kami, nagtabi na rin kami. Gusto ni Demi sa tabi ng bintana. Kahit saan naman basta katabi ko siya.

Mayamaya pa ay nagsidatingan na rin silang lahat.

"Hoy! Ziedge sumosobra ka na ah! Solo mo na naman si Demi!" Pumikit lang ako at hindi ko pinansin si Patrick. "Aba! Pigilan niyo ako sasapakin ko na talaga 'tong si Ziedge!"

"Edi sapakin mo!" Pang-aasar ni Sandy.

"Demi! Demi, sabihin mo kapag hindi ka na komportable riyan ah," dumilat ako saka nabungaran ang mukha ni Prince na malapit kay Demi.

"I'm fine, palagi akong komportable sa tabi ni Ziedge.." Ibig kong matawa sa reaksyon ng mukha ni Prince na daig pa ang nabasted. Nginisian ko lang silang dalawa ni Patrick, ang ending ay sila ang magkatabi.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon