Chapter 22

79 9 1
                                    

                                   NP: RUN                                 BY: PINK

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

        NP: RUN
                                 BY: PINK

The kiss..

DEMI

Nasa pathway na ako naglalakad palabas ng University, bigla na lang nawala si Patrick. Saan kaya nagsuot 'yon? Nambabae siguro.
Dati kapag lumalakad ako dito grabe nila akong pagtinginan pero ngayon nasanay na sila sa pagmumukha ko.

Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukan tawagan sina Patrick at Sandy pero parehong cannot be reach. Si Sandy malamang nasa klase pa tapos si Patrick? Mukhang kating-kati ng magkaroon ng jowa!

Inilagay ko na lang ulit sa bag ko ang aking cellphone. Bahagya kong binagalan ang paglalakad dahil parang may sumusunod sa akin. Ilang sandali pa at malalaking hakbang na ang ginagawa ko, naaninag kong si Craig 'yon. Mukhang may binabalak siyang hindi maganda kakaiba kasi ang kilos nito parang hinahabol na niya ako.

Nang makalabas ako ng gate ay namataan ko ang sasakyan ni Ziedge at nakasandal ito doon, nakasuot ang AirPods nito kaya kung tawagin ko man siya ay hindi niya ako maririnig. Nasisiraan na ba 'tong si Craig? Bakit ba niya ako hinahabol? Nararamdaman kong malapit na siya at kahit saan ako magpunta ay sinusundan niya pa rin ako.

Pagkalapit ko kay Ziedge ay hinila ko siya, gulat na gulat ito sa ginawa ko. Bigla ko siyang hinalikan at yumakap ng mahigpit, tapos nagulat ako dahil naramdaman ko na lang ang pagtugon nito sa halik ko at paghapit niya sa akin. Nakikita ko sa gilid ng mga mata ko si Craig na parang nanghina at hindi na tumuloy lumapit sa akin. Napakapit ako sa malalim na paghalik ni Ziedge, bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagugustuhan ko 'tong halik? Kailangan ko ng humiwalay ayokong mahalata nitong nagugustuhan ko na 'yon! Hinintay kong makalayo si Craig bago ako bumitaw sa mga labi ni Ziedge.

"Ha!" Hinhingal si Ziedge at gulat pa rin ang reaksyon. Parang natauhan ako sa ginawa ko kanina, sh*t!

"I-I'm sorry wala na akong naisip gawin kanina kaya nagawa ko 'yon. Sinusundan kasi ako ni Craig. Sorry.." agad akong tumalikod tapos pinigilan niya ako, hawak ang kamay ko. Napatingin ako roon.

"Sumakay ka na, ako talaga ang susundo sa 'yo ngayon," sumunod naman ako, parang kalmado na siya ngayon hindi katulad kanina na sobrang gulat na gulat ito.

Nasa biyahe na kami, parang awkward kaya kinonect ko ang cellphone para magpatugtog sa sasakyan nito.

NP: Run
By: Pink

Nagkatinginan kami, paborito ko Yung song!

"Sinabi sa akin ni Sandy ang tungkol kay Craig, mag-iingat ka. Nakausap ko si Tupe na halatang malaki ang inggit nito sa kaniya dahil mas pinagkakatiwalaan siya ni Lim kaysa sa sarili nitong anak," paano nagagawa ni Ziedge ang ganito? Ang cool pa niya magsalita niyan ah.

"Alam ko.. Hindi naman talaga nila ako titigilan!" Biglang hinawakan ni Ziedge ang kamay ko, nagtama ang aming mga paningin.

"Hindi ko hahayaan na makalapit sila sa 'yo.." parang lumambot ang pakiramdam ko. Alam niyo 'yong pakiramdam na ligtas ka ano man oras dahil hawak lang niya ang kamay ko. Bakit ganito? Hindi normal ang pagtibok ng puso ko, parang may kumikiliti sa loob ng tiyan ko.

"S-Salamat Ziedge.." nginitian ko siya at gano'n din siya.




Nasa bahay na ako tapos umalis na si Ziedge. Dumiretso ako sa aking silid at umupo sa kama, napahawak ako sa labi ko at muling inaalala ang nangyari kanina. Bakit gano'n ang lahat naramdaman ko kanina? Napapikit na lang ako saka biglang napalingon sa kanina pa kumakatok.
Tumayo ako saka pinagbuksan iyon.

"Demi!" Sabay yakap ni Patrick sa akin.

"Bakit? Ano'ng nangyari?" Pag-aalala ko.

"Hinahanap kita kanina ah, iniwanan mo ako sa school!" Pagmamaktol niya.

"Tinatawagan kita 'di ba?" Hinila niya ako sa labas ng bahay. "Oh my, bakit?"

"Demi Agustin, umamin ka nga sa akin ha, kayo na ba? Ano mayroon na bang namamagitan sa inyo ni Ziedge?" Nagulat ako dahil paano niya nalaman 'yon? "Nasa gate ako tatawagin sana kita kaso hindi mo ako naririnig tapos bigla mong hinila si Ziedge saka hinalikan!" What the hell? Umiiyak si Patrick? Iyakin parang si Sandy!

"Pat-Pat kumalma ka nga okay? Hindi ko kasi alam kung paano akong tatakbo e iyon lang ang paraan na naisip ko para makalayo kay Craig!"

"That's unacceptable reason! Hindi ikaw 'yon Demi! Hindi ikaw!" Umiiyak pa rin siya, ang cute niya kaya..

"Hoy ano'ng nangyayari?" Biglang dumating si Sandy na ngayon lang nakauwi galing school. "Teka, bakit umiiyak ka unggoy? Binasted ka ba ulit ni Demi ha?" Natatawa nitong tanong.

"Hoy nerdy bird pagsabihan mo 'yang kuya mo ha! Pagbuhulin ko pa kayo e!"

"Aba! At bakit nadamay si kuya?" Pumamewang si Sandy na humarap kay Patrick.

"Bakit hindi mo tanongin si Demi? Sino ba ang humalik?" Anak ng tokwa 'tong si Patrick parang bata, naipit pa ako tsk. Ano ba 'to magpapaliwanag na naman na ako!?




"Demi had to kissed me because she's in danger. Kinailangan lang.." maliwanag pa sa lahat ang boses ni Ziedge. Teka bakit bumalik 'to? Lahat kami ay napalingon sa kaniya.

"S-Si Demi? Oh geez!" Reaksyon ni Sandy.

"What? Is that a crime? Why are you guys look at me like, I did something bad? Sa gano'n sitwasyon magri-risk ka na para makaligtas," depensa ko.

"Ah edi ligtas pala sa labi ni kuya?" Tatawa-tawang si Sandy samantalang si Patrick mukha siyang namatayan. "Hoy Patrick may dahilan naman e saka kung tutuusin hindi naman nila kailangan magpaliwanag sa iyo, duh!"

"E nasaktan ako, oh ano oh? Palibhasa ikaw patay na patay ka kay Kristoff!" Biglang tinakpan ni Sandy ang bibig ni Patrick saka sila naghabulan, natawa na lang ako kasi para silang mga bata. Sobrang mahal ko silang dalawa kahit pa ganyan sila.

Hinarap ko si Ziedge. "Thank you.."

"Wala 'yon.. Talagang mahal ka ni Patrick ah.."

"Mahal ko din siya pero parang kapatid na."

"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" Medyo unexpected ang tanong nito.

"Oo si Andrew.."

"Andrew?" Tumango ako..

"Yea.. Hindi porket ginamit ko siya ay hindi ibig sabihin na hindi ko na siya itinuring na boyfriend o napamahal man lang. Minsan nagsisisi ako kung bakit ginawa ko ang gano'n bagay, nawala siya sa mundong ito na hindi ko man lang siya hinayaang pagbayarin ako sa ginawa kong panloloko sa kaniya. Aaminin ko nasaktan ako nang mawala siya, alam ko kasing galit na galit siya sa daddy nito kaya siya bumukod at lumayo sa pamilya niya. Limang buwan kami, sobrang maalaga siya at ramdam kong mahal na mahal niya ako. Bago nangyari ang lahat nag-propose pa siya sa akin pero tumanggi ako dahil ang plano ko noon ay gusto ko siyang saktan pero mali ako."

"Kahit paano ay minahal mo pala siya."

"Pero ikaw ang first kiss ko, nakakatawa 'di ba? Kasi sa gano'n sitwasyon pa nangyari 'yon," sumilay ang ngiti nito.

"F-First? Hindi ka nahalikan ni Andrew?" Natawa ako sa tanong niya.

"Definitely not," I winked.
Ay teka may problema yata ang mata ko.. gusto kong tumawa pero ngiti ang ginawa ko.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon