Epilogue

54 7 2
                                    

                        NP: Come to this                       BY: Nicole Taylor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: Come to this
BY: Nicole Taylor

DEMI

Hindi ko alam kung ano'ng nangyayari at kung bakit sumugod rito ang mommy nila Ziedge pati na rin si tito Leonardo. Nauna na dumating si tita Jane tapos halos talonin ni tito Leonardo ang pagbaba sa sasakyan nito para lang mahabol ang asawa nito. Hindi ko maintindihan pero naguguluhan ako sa mga ikinikilos nila.

"Ano ba Leonardo! Huwag mo na akong pigilan, ako ang magsasabi o ikaw?" Mataas na tono ni tita Jane tapos si tito Leonardo halatang puno ng takot ang aura nito.

"M-Mommy? D-Dad? Ano'ng nangyayari?" Litong tanong ni Sandy. Wala sila Ziedge, Kristoff, at Prince dito ang sabi nila kahapon ay babalik sila sa Dulce at may aayusin, hindi kaya sila nagkita?

"Demi!" Biglang lumapit si tita Jane sa akin.

"Po?" Nag-aapoy ang mga mata nito sa hindi ko malaman na dahilan. Hindi ko mahulaan kung galit ba 'yon o ano.

"Jane, enough!" Sigaw ni tito Leonardo. Pagtingin ko kay Sandy ay umiiyak na ito.

"Alam natin kung ano'ng pinagdaanan ni Demi noon pero sobrang bulsh*t kung gayon na mayroon silang relasyon ni Ziedge!" Naguguluhan pa rin ako. "Demi lumayo ka na sa pamilya ko pakiusap! Simula nang mapalapit ka kina Sandy ay naging delikado sila! Ano'ng kailangan mo? Pera? Ibabalik namin sa iyo ang lahat ng naitulong nang daddy mo sa amin noon basta lumayo ka lang! Ayokong pati ang anak kong si Sandy ay madamay at maulit sa akin ang masilumuot kong nakaraan!" Halos mapaatras ako sa mga sinasabi niya.

"H-Hindi ko po kayo maintindihan," basag ang aking boses.

"Alam mo kung sino ang gumahasa sa akin noon? At kung bakit hindi ko matanggap si Ziedge bilang anak ko?"

"Mommy!" Hiyaw ni Sandy, na may pagmamakaawa sa kaniyang mga mata. "Tama na!" Hindi ko alam kung sino ang titingnan.

"Si Lim Escuevas ang gumahasa sa akin at si Ziedge ang naging bunga!" Hindi ko maintindihan. "Ngayon na alam mo na mamahalin mo pa rin ba siya? Ang tatay ni Ziedge ang nagpapatay sa buong pamilya mo!" Tuluyan na akong napaatras. Mali ba ako ng dinig? Tama ba 'yon? Bakit naninikip ang dibdib ko? Ano 'to?

"T-Tito Leonardo?" Halos hindi ko masambit.

"I'm sorry Demi pero ang alam ko'y si Ziedge ang magsasabi sa 'yo. Pero mahal ka niya Demi maniwala ka sa akin, at kahit kailan hindi niya kinilalang ama si Lim," paliwanag pa niya.

Ibinaling ko ang tingin kina Sandy. "S-Sandy? P-Patrick?" Bumagsak ang luha sa aking mga mata. Sabay silang yumuko na naging malinaw ang naging sagot sa akin.
"M-May dahilan ba? Please Sandy sabihin mo sa akin kung bakit hindi ninyo ipinaalam sa akin ito? May itinatago pa ba kayo sa akin ha? Mahal ko kayong dalawa! Para ko na kayong kapatid pero bakit?" Bumagsak ang kamay ko sa aking tagiliran na nagpapahiwatig na pagod na ako. Patuloy na kumukuwala ang mga luha sa aking mga mata.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon