Chapter 16

94 9 0
                                    

NP: Come to thisBy: Natalie Taylor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: Come to this
By: Natalie Taylor

Truth

Ziedge

Dinala ko kagabi si Patrick sa hospital, gago na 'yon lampa pa rin kahit kailan. Siguradong mag-aalala na naman si Demi do'n. Speaking of her, bakit wala siya sa apartment?

Naligo na lang ako at nagpalit saka ginamot ang ilang galos ko.

"Ziedge Mendez?" Lumabas ako ng silid nang makita ko siya ngumisi lang ako.

"Kristoff Basco a.k.a Tupe kumusta ang kanang kamay ni Lim Escuevas?" Nakipag-bro shake ako saka may inabot siya sa akin na sandals.

"Gago! Sandals?"

"Kay Demi 'yan.." binigyan ko siya ng dalawang kurap.

"D-Demi?"

"Yep.. I met her! Well actually sinundan ko siya. Nakabantay palagi ang mga tauhan ni Lim  'di ba? She's still not okay pare.. Iyak siya nang iyak ng makarating sa Asul na tubig," parang nalungkot ako.

"Asul na tubig? Nakarating ka do'n? E isinumpa mo ang lugar na 'yon!" Biglang dumating si Prince na umapir kay Tupe.

"Si Demi ba ang pinag-uusapan ninyo?" Tumango sila.


"Ziedge anak.." si dad.

"Tito Leonardo," masayang lumapit sina Tupe at Prince kay dad.

"Oh boys kumusta? Si Demi?"

"Seriously dad? Ako ang anak ninyo tapos si Demi?"

"Anak nagseselos ka ba? Halika nga dito kiss kita," nakanguso pa siya tapos tawa ng tawa 'yong dalawa.

"Kadiri ka dad!"

"Oo nga pala 'yong kapatid mo?"

"She's fine busy sa school 'yon."

"Mabuti naman.. Nabalitaan ko nga pala Prince  tungkol kay Jamir," biglang nalungkot si dad.
"Mukhang ako na lang ang natira sa aming apat na magkakaibigan ah, inuubos na ba kami ni Lim?" Tumawa siya ng pagak.

"Tito alam niyo po na hindi pwedeng walang hustisya ang ginawa nilang pagpatay kay papa," ani Prince.

"Dad alam mong nandito pa kami.."

"Kristoff kumusta ka doon? Hindi ba delikado? Kapag nalaman ni Lim na hindi ka naman talaga loyal sa kaniya baka kung ano ang gawin niya sa 'yo.."

"Don't worry tito, I can manage.. Ngayon pa na baliw si Lim kay mama! Gagawin ko ang lahat para masagad si Lim, mas kukuhanin ko ang tiwala niya."

"Salamat Tupe basta doble ingat lang. Oo nga pala pupunta ako ng hospital bibisitahin ko si Patrick, sasama ba kayo?"

"Sir Ziedge may naghahanap po sa inyo," biglang dumating 'yong isang maid.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon