Chapter 10

89 5 0
                                    

LIM

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


LIM

Maganda ang panahon ngayon, hindi umuulan kaya hindi kakalat ang mga dugo. Alam nila ang batas ko, papatayin kita o papatayin kita? Wala kang pagpipilian kapag nilabag mo ako!

Nasa akin ang lahat, kapangyarihan at kayamanan! Ano pa bang mahihiling ko? Ang mapasaakin ang buong bansa pati sa iba't ibang parte ng mundo.

Ilang sandali pa at naabala ang aking pag-iisip nang pumasok ang isa sa aking kanang kamay na tini-train ko ngayon.

"Master!" Pina-ikot ko ang aking upuan upang humarap rito. Sumenyas ako na magsalita na siya. "Nakialam po ulit si Ziedge, patay iyong limang tauhan natin kagabi," I clenched my teeth. Pabagsak kong inilapag ang baso na may alak.

"Pinag bibigyan ko lang si Ziedge pero sa susunod mamamatay si Demi nang hindi niya nalalaman! Magpadala ka ng ilang tauhan para patuloy sundan si Demi Agustin, dalhin ito ng buhay sa akin dahil ako mismo ang tatapos sa kaniya!"

"Yes, master!"

"Sandali lang Kristoff," huminto siya.

"Kumusta ang transaction natin sa Finland? Makakapasok na ba?"

"On processing na po.."

"Good! Now, leave."

Pagkalabas nito ay siyang balibag ko ng baso sa pader. Masyadong mailap si Demi, kung hindi lang siya nakaligtas nang gabing 'yon sampong taon ang nakakalipas sana'y si Ziedge na lang ang problema ko!

Minsan sa buhay kailangan malakas ka! Makapangyarihan at walang sini-sino para nang sa ganoon hindi ka nila maliliitin at tatapakan na lamang na parang ipis!

Tumayo ako at lumabas, naabotan kong kakauwi lang ni Vana at sumusuray sa kalasingan.

"Where the hell have you been?" Mataas kong tono, bahagya siyang nagulat ngunit napawi rin iyon. Humarap siya at ngumisi, sa lahat nang anak ko ay siya lang ang sa tingin ko'y nakuha ang ugali ko. Matigas ang ulo at hindi titigil hanggat hindi nakakuha ang gusto nito.

"D-Dad? Is that you? Oh come on, is that really you?" Sumusuray siyang lumapit sa amin.

"Vana!" Papalapit na sana si Margarette nang sumenyas akong huminto siya.

"This is the last time na makikita kitang lasing!"

"At kung hindi?" Panghahamon nito kaya sinampal ko siya ng malakas!

"LIM!" Hiyaw ni Margarette na lumapit kay Vana na nasa sahig na ngayon at sapo ang pisngi nito.

"You know what? Bagay lang sa iyo ang mamatayan ng anak dahil hindi ka naman talaga ama! You're such an evil!" She laughed.

"Shut the hell your mouth! Wala kayong alam kun'di lumustay ng pera ko, sa susunod na gawin mo 'to lahat nang gagastusin mo ay paghihirapan mo na!" Saka ko sila nilagpasan mag-ina.

"Really dad huh?"

"Ssh.. Vana tama na!" Hindi ko na lang sila pinansin.

Lumabas ako at pumili ng sasakyan.

Habang nasa daan at naisip ko si Andrew. Nang mamatay siya ay nakadama ako nang bigat at pangungulila. Hindi ko man ipinapakita sa kanila na mahal ko silang mga anak ko. Ayoko lang na maging mahina sila ngunit mali ba ako?

Sa pagkakataon na ito na kinitil mismo ni Andrew ang sariling buhay para lamang sa isang babae. Marunong maglaro si Demi Agustin alam niya kung paano ako sasaktan. Gagamit siya ng mga taong malapit sa akin para makaganti, kung ito ang gusto niyang laro ibabalik ko sa kaniya. Gusto kong mauntog siya sa katotohanan na hindi niya ako kaya!

Pagkatapos ko kay Demi ay isusunod ko si Ziedge pahirapan hanggang sa pumayag siyang maging kanang kamay ko. Hindi mahirap gawin ang lahat nang iyon lalo pa ngayon na nasa akin ang lahat! Kaya ko silang paikutin sa aking palad!

Naabala ulit ako sa pag-iisip nang huminto ang driver. Nasa harapan si Kristoff.

"Master, dito na po nakatira si Demi Agustin ngayon." bumaba ako at pinagmasdan ito.

Ito 'yong dating tinatayuan nang kanilang bahay. "Ben, kung inintindi mo lang ako noon edi sana'y malaya kayong nabubuhay at hindi parang daga ang 'yong anak na si Demi na kung saan maisipan magtago!"

"Yes, master?"

"Alam mo Kristoff kung ano ang batas ko, si Ben ang dating kaibigan ko at siya ang ama ni Demi. Bilib ako sa anak niya dahil kahit takot na takot na ipinaglalaban pa rin niya para makakuha ng hustisya pero mas kailangan ko 'yon at matutupad lamang 'yon kapag nawala na rin si Demi sa aking landas!" Hindi sumagot si Kristoff.




Flashback

12 years ago..

"Ben alam kong mahirap paniwalaan pero ito na ang pinakamadaling paraan para lalong umangat ako sa buhay! Kinalimutan ko na rin si Gina at tanggap ko nang ikaw na ngayon ang mahal niya. Ibigay mo na sa akin 'to."

"Lim? Alam mo pa ba ang sinasabi mo? Drugs? Ilalabas sa bansa? Palulusutin ko? Gusto mo bang mawalan ako ng trabaho bilang President ng Agustin International Airport? Paano ang pamilya ko? Matutulungan kita sa ibang bagay pero hindi ito. At ano'ng sinasabi mong ako na ang mahal ni Gina ngayon? Dalawa na ang anak namin at hindi ko siya kailanman inagaw sa 'yo! Alam kong malapit ka kay Gina pero Lim ako ang pinili niyang pakasalan!" Bigla ko siyang sinuntok ng malakas dahilan para mapadausdos siya.

"Akala ko ba magkaibigan tayo? Sinusubukan ko na nga ayusin itong friendship natin tapos ikaw pang ganyan? Itong sasabihin ko sa 'yo talagang aalis na ako sa samahan natin at mas mahihigitan ko pa kayong apat! Ako ang magiging pinakamayaman sa buong bansa itaga mo 'yan sa bato! Ay teka milyonaryo na nga ako ngayon pero kulang 'yon!"

"Hindi mo naman kailangan maging ganito Lim, kahit kailan hindi ka namin minaliit noon sa kung ano man ang mayroon ka! Kung ano man ang narating naming apat ay pinaghirapan namin 'yon, willing kaming tumulong pero hindi sa illegal na gawain! Huwag mo ng ipilit ang gusto mo dahil kun'di ipapakulong kita!"

Tumawa ako ng malakas. "Wow! Nakakatakot! Itong tatandaan mo Benedict Agustin, kapag naging mas matagumpay ako titingnan na lang kita na parang ipis at hindi pa ako makukuntento at tatapakan pa kita na parang ipis! Maghintay kayong apat!"

Iniwanan ko siya at hindi na hinintay ang sagot nito.



End of Flashback

Pagkatapos nun ipinakulong nga niya ako dahil sa pagpupumilit kong maglabas ng droga dahil sa transaction namin sa ibang bansa, isang daang bilyon na nga naging bula pa! Dalawang taon din akong nagdusa sa kulungan, kaya paglabas ko binawi ko ang lahat! Sinigurado kong bawat pamilya nila ay maghihinagpis!

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon