Chapter 18

81 8 0
                                    

LEONARDO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


LEONARDO

Masaya ako at nakita ko ulit ang anak ni Ben, nangako ako noon sa kaniya na kapag may meeting siya sa ibang bansa ako muna ang titingin sa mga anak nito.

COO ako sa kompanya ni Ben, siya ang nag-angat sa amin noon. Pero lingid sa kaalaman ko na sa aming lima ang close talaga ay sina Lim at Ben. Ang saklap lang nang mga nangyari na kinailangan pang umabot sa ganito ang lahat. Kung bakit kailangan dumanak pa ng dugo.

Lumabas ako namataan si Demi na nagpapahangin sa labas. Nagdala ako ng beer, ang sabi kasi ni Sandy mahilig ito dito. Para siyang daddy niya kapag may mga get together or kahit sa opisina lang may baon siyang beer palagi.

"Demi.." nakangiti kong sambit saka inabot ang beer.

"Oh? Ay sorry po kayo po pala. Salamat po.."

"Kamukha mo ang daddy mo Demi kaya napapatitig ako sa 'yo, I remembered how great your father is. Sa trabaho, pamilya, at mga kaibigan. Lahat tinutulungan. Ako at sila Jamir, Kris, at Lim natulungan niya noon," sumilay ang malungkot niyang ngiti.

"Kayo lang po ang kilala kong kaibigan ni daddy, hindi ko po akalain na naging kaibigan ninyo si Lim Escuevas! Noon pa po ako naghahanap ng sagot kung ano bang koneksyon nito kay daddy at bakit niya pinapatay ang pamilya ko!" Habang nakikinig ako sa kaniya hindi ko maiwasang maawa dahil sa sinapit nang pamilya nito, hindi ko alam pero nakikita ko ang pagkaka-pareho nila ni Ziedge pagdating sa pagtatago ng mga emosyon especially kapag nasasaktan. Ilang patong ba ng maskara ang inilalagay nila para lang hindi makita nang iba kung gaano sila ka-miserable?

"Iyong mommy mo si Gina matalik siyang kaibigan ni Lim noon. Siguro umasa si Lim na balang araw susuklian ni Gina ang pag-ibig nito. Lingid sa aming kaalaman na matagal nang may pag tingin si Lim sa mommy mo," halos namilog ang mga mata ni Demi.

"S-Si mommy? Minahal siya ni Lim? Pero bakit niya ipinapatay ang buong pamilya ko?"

"Si Ben kasi ang mahal ni Gina kaya ito ang pinili niyang pakasalan. Nagmamahalan talaga sila kaso hindi iyon matanggap ni Lim. Masyadong ma-pride si Lim ayaw niyang tanggapin na nasa average lang buhay nila parang inggit gano'n hanggang sa isang araw nagulat na lang kami kasapi na siya ng mga sindikto, benta ng drugs hanggang sa naging instant milyonaryo na siya pero hindi siya nakuntento lumapit siya sa dad mo na palusutin ang mga drugs na nagkakahalaga ng isang daang bilyon. Pero syempre inalala kayo ni Ben kaya hindi ito pumayag dahil kahit saan mo tingnan illegal pa rin iyon. Hanggang sa hindi na nagkaunawan ipinilit ni Lim ang gusto nito pero hindi pa rin lumusot at hindi nagdalawang isip si Ben na ipakulong ang matalik niyang kaibigan na si Lim."

"T-Tito? Gano'n ang koneksyon nila? Matalik na magkaibigan? Pero bakit po umabot sa gano'n?" Garalgal na ang boses ni Demi pero pigil na pigil ang luha nito.

"Ilang taon ang lumipas paglabas ni Lim sa kulungan doon niya isinagawa ang plano niyang patayin kayong buong pamilya. Pagkatapos no'n halos lahat ng opisyales mga pulitika ay kaya niyang hawakan sa leeg kaya masasabi kong makapangyarihan siya. Iyong Airport hindi ko na rin naisalba," huminga ako ng malalim. "Demi no'ng gabing 'yon papunta talaga kami sa inyo hanggang sa may sunog kaming nakita kaya agad pumasok kami ni Ziedge, twelve years old lang siya noon. Siya ang bumuhat sa 'yo dahil tiningnan ko kung buhay pa sila mommy mo, daddy, at Alison pero wala na nahuli kami," parang kumirot ulit ang puso ko nang balikan ko ang kuwentong iyon. "Nang malaman kong buhay ka ibinilin kita kina Ziedge at Sandy na protektahan ka kahit ano man ang mangyari," dama ko ang bigat ni na nararamdaman ni Demi.

"Minsan po iniisip ko na lang na sana kasama nila akong namatay, hindi po madali ang naging buhay ko. Para akong nakikipag-patintero kay Lim Escuevas o kay kamatayan!"

"Noong araw na umalis ka sa hospital ipinahanap kita pero wala hanggang sa malaman namin na ang nakakuha sa iyo ay si Jerald kaya malaki ang pasasalamat ko, umalis na rin ako patungo ng California. Hanggang sa nakita ka ni Sandy ikinukwento ka niya kay Ziedge tapos sinabi namin na alagaan at protektahan ka. Gusto ka daw niyang maging kaibigan, masaya ako at hanggang ngayon hindi napuputol 'yon."

"Alam niyo po? Simula nang dumating sila sa buhay ko nagkaroon ako ng dahilan para mabuhay pero may takot dahil ayokong madamay sila sa gulong mayroon ako?"

"Biktima ka lang Demi, hindi mo dapat dinadanas ito. Dapat mabuhay kang naaayon biglang isang simpleng mamamayanan pero wala na akong magawa. Nalaman kong may sikat kang boutique pero ipinasara ni Lim 'yon. At bakit hindi mo tinapos ang pag-aaral mo?"

"Wala na po 'yon.. Pag-aaral? Ayoko na po ng gulo, ayokong nadadamay sila Sandy at Patrick kaya huminto na rin po ako," tumayo ako at lumapit sa kaniya.

"Demi magtapos ka, iyong bahay namin dati doon ka na tumira. Hindi dahil may utang na loob ako sa daddy mo pero gusto ko ituring mo akong parang tatay mo. Ako na ang bahala sa lahat at sisiguraduhin nating babawian si Lim sa lahat nang ginawa niya sa ating lahat!" Nagulat ako sa pagbagsak ng luha nito, bigla niya akong niyakap. Alam ko, naiintindihan ko kung gaano niya namiss magkaroon ng isang buong pamilya. Simula ngayon hindi na siya mag-iisa sa laban na 'to dahil narito kami para sa kaniya.

Hindi ko akalain na ganito siya katapang para harapin ang lahat nang laban nito sa buhay. Marunong dumipensa at humawak ng baril marahil ay tumatak sa utak niya na kailangan niya ng hustisya para sa pamilya nito.
Bilib na bilib ako dahil nakayanan niyang lahat, gaano kahirap na isipin na nakita nito kung paano pinatay ang pamilya niya? Kung iisipin mo paano niyang nagawang mabuhay kung araw-araw pinapatay siya nang nakaraan nito? Ang masalimuot na ala-ala niya.
Pero gano'n pa man, magmula ngayon hindi na niya muling mararamdaman ang sakit dahil parte na siya ng pamilya namin.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon