Chapter 19

72 8 0
                                    

Back to school

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Back to school..

1 month later..

DEMI

Sa tinagal nang panahon makakayanan ko pa rin palang ngumiti. Iyong ngiting walang alinlangan, na hindi masasayang dahil worth it ang pag-aalayan.

Pumayag ako sa offer nila tito Leonardo, tumira ako sa dating bahay nila kasama ni Sandy at muling bumalik sa pag-aaral. Isang taon na lang kasi matatapos ko na ang college. Ipinagpatuloy ko na lang ulit ang kursong Criminology. Isang taon na lang naman kaya tataposin ko na para kay tito Leonardo.

May mga gabing napapanaginipan ko pa rin ang nakaraan pero nagiging okay din ako agad. Iniisip ko na lang na magsimula na lang ako ulit sa piling ng bago kong pamilya.

"Ready?" Nakangiting tanong ni Sandy na nakasuot na rin ng kaniyang uniform.

"Tara?" Kumapit siya sa braso ko saka kami lumabas ng bahay.

"Hep! Mga girls!" Marahang tinanggal ni Patrick ang salamin nito, well gwapo naman kasi siya maloko lang talaga. "Mga prinsesa pumasok na kayo sa king mamahaling sasakyan.." bahagya ko siyang kinurot sa pisngi nito kaya lumuwang ang ngiti nito.



DULCE UNIVERSITY

Sabay kaming bumabang tatlo. Sandali akong pumikit at ngumiti. Wow! Namiss ko 'to. Hindi ko akalain na makakabalik akong muli sa pag-aaral hindi ko sasayangin ang isang taon na 'to.

Habang lumalakad kami ay nakasalubong namin sina Prince at Ziedge para silang mga model na lumalakad sa loob ng University at ang mga babaeng naka-awang ang mga bibig. Hindi nila nakakasama sa ganito si Kristoff dahil na kay Lim siya, hindi maaaring malaman nito na hindi naman talaga sa kaniya ang loyalty nito.

"Hey beautiful!" Sabay kindat ni Prince.

"Oh?" I just nodded.

"Panis!" Sigaw ni Sandy.

"Hoy butiki panira ka!" Pang-aasar ni Prince.

Napansin kong pinagmamasdan ako ni Ziedge. May pangit ba sa suot ko? Ang uniform ko kasi polo shirt and skirt na hapit sa akin, tumaba ba ako? Ah, never mind!

"Hoy Ziedge laway mo! Tinitingnan mo ba ang soon to be girlfriend ko ha?" untag ni Patrick tapos kinapa ang labi nito.

"Gago, lampa!" Parang natauhan siya tapos bahagya sinuntok nito sa tiyan si Patrick.

Dumiretso na kami ni Patrick sa klase namin and yes we're classmates. Siguradong sasakit ang ulo ko araw-araw. Graduating na sana si Patrick kaso bumalik na naman. Sina Sandy, Ziedge, at Prince ga-graduate na this year tapos kami next year pa. Bumalik din daw kasi sina Prince at Ziedge paano ba naman mga pasaway parang si Patrick.

Aware naman ako na may nakakakilala sa akin, iyong iba tawag sa akin murderer dahil sa nangyari kay Andrew tapos may mga dedma na lang.


Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon