Chapter 2

120 5 0
                                    

NP: If only (Instrumental) (c) The King: Eternal Monarch Via YouTube Smyang Piano

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: If only (Instrumental)
(c) The King: Eternal Monarch
Via YouTube Smyang Piano

___________________

Christmas Day/ Birthday

SANDY

Hindi alam ni Demi na papunta na ako ngayon sa bahay niya gusto ko kasi siyang i-surprise, usually kasi umaga na ng Christmas kami nagkikita-kita saka birthday niya. Kahit kailan kasi hindi ko pa nasaksihan ang kung paano ang totoong kaligayan sa mga mata nito. Oo, tumatawa at ngumi-ngiti siya pero parating peke at kung minsan ay pilit. Napipilitan siyang maki-celebrate sa amin kapag pasko na sabay pa ng birthday nito.

Alam kong panatag siya sa amin ni Patrick pero bakit parang ang daming kulang? Gagawin namin ang lahat para magkaroon siya nang hustisya sa nangyari sa pamilya nito.

Medyo inumaga na ako sa daan dahil dumiretso na ako rito pagkatapos kong tawagan sina mommy at daddy na nasa ibang bansa ngayon.

Ala-una pasado na pala ng umaga.

Pagkapasok ko sa loob ng bahay niya ay madilim, hindi man lang siya nagbubukas ng ilaw. Naalala ko ang sabi niya ay hindi siya makatulog kapag may ilaw. Pero Noche Buena naman sana ngayon.

Naka-awang ang pinto ng silid nito kaya pumasok na ako, nagulat ako dahil bukas ang lampshade.

"Demi?" Bahagya akong napaatras. Nawala sa isip ko na tuwing pasko ganito siya. Dahil pinatay ang mga magulang at kapatid nito sa araw mismo ng pasko.

Napasalampak ako sa sahig habang takip ang aking bibig. Damn! Nakahiga siya at naka-baluktot na nakahawak sa dibdib nito na para bang sobrang sakit. Nakapikit siya habang iyak ng iyak. Humahagulgol siya ng sobra. Ang sakit-sakit na makita ulit siyang ganito.

Marahan akong lumabas ng silid nito saka napaluhod, damang-dama ko ang sakit na bumabalot kay Demi para siyang mamamatay. Hindi ko maipaliwanag pero grabe ang bigat-bigat sa pakiramdam na makita siyang ganito.

Sampong taon nang makalipas ang trahedya sa buhay niya noon. Halos siyam na taon na rin kaming magkakaibigan. Nakilala namin siya noong grade six kami, tahimik at may sariling mundo. Gano'n edad siya ay binubuhay na ang kaniyang sarili. Sobrang sipag at masikap siya kahit sa murang edad.

Nagtatrabaho siya sa isang bakery noon tumutulong siyang magbenta, sakto pa na sila Patrick pala ang may ari nun. Ayaw nga niya sa amin noon palagi niya kaming itinataboy pero isang araw biglang nagbago na ang lahat nang may dumating na mga lalaki ang tanging natatandaan ko lang ay may badge ng Escuevas ang mga iyon sa damit nila. Nagtaka kami nun kung bakit siya hinahanap ng mga ito, alam naman nang lahat na kapag gano'n ay may kasalanan ka sa kanila.

Natakot kami, tinutukan siya ng baril kahit nakaharap kami ni Patrick. Grade six lamang kami nun, tatlong lalaki ang nagtututok ng baril sa kaniya. Laking gulat namin ng labanan niya ang mga ito na para siyang may powers, naglabas siya ng dalawang bote ng pepper spray saka iwinisik sa tatlong lalaki ay nakuha ang baril sa isang lalaki. Kahit ako ay hindi napansin 'yon sa sobrang bilis ng pangyayari, sobrang natulala kami nang mga oras na 'yon.

Sa edad niyang iyon ay marunong na siyang humawak ng baril. Napatay niya ang tatlo, pagkatapos nun ay hinawakan niya ang kamay namin ni Patrick saka tumakbo ng pagkalayo para walang makakita sa amin.

Simula nun bigla kaming naging magkaibigan, hindi ko alam pero nakakasiguro akong mabuting tao si Demi.

Pero sa kabila nang katapangan niya ay may mahinang Demi sa kalooban nito.

She has a depression. Kami lang ni Patrick ang may alam nito.

Habang nakasalampak sa sahig ay napasandal ako sa pader, dinig ko ang nagsusumigaw na sakit na kaniyang dala.

Sana ay kaya kong bawasan 'yong bigat, para siyang nilulunod sa sobrang sakit na nararamdaman nito. Tuwing sumasapit ang pasko nadudurog siya, pero alam kong bawat araw ay torture sa kaniya dahil kailangan niyang mabuhay.

"Diyos ko, alisin ninyo ang bigat na nararamdaman ni Demi ngayon at sa magpakailanman. She doesn't deserve this! She  been through a lot! Bakit ba siya pinaparusahan nang ganito? Mabuting tao si Demi alam ko 'yon. Ilang beses na niyang iniligtas ang buhay namin ni Patrick. Ilang beses na siyang nabaril pero hindi pa rin siya sumusuko na makuha ang nararapat na hustisya para sa pamilya nito. Hanggang kailan ba siya masasaktan? Sunod-sunod ang pagpatak ng aking luha. Napadukdok na lang ako sa aking tuhod at sinasabayan ang pag-iyak ni Demi. Nasasaktan ako para sa kaibigan ko.

 

Kinabukasan, paggising ko nakatulog pala ako sa sahig tapos may kumot na nakapatong sa akin.

Napapitlag ako, gising na si Demi. Pagtayo ko ay hinanap ko siya.

"Merry Christmas Sandy.." she's wearing a beautiful yellow dress, it's really suits to her. She's so beautiful. Walang bakas ng sakit at luha mula kagabi ang aura niya ngayon. Tama ba ang dinig ko? Bumati siya ng Merry Christmas?

Bilib talaga ako sa kaniya dahil naiitago niyang lahat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bilib talaga ako sa kaniya dahil naiitago niyang lahat. Kahit araw-araw para na siyang nakakulong sa nakaraan.

"Ah.. Merry Christmas Dems and happy birthday." Niyakap ko siya ng mahigpit, pumatak ang luha ko ngunit pinahid ko din agad para hindi niya makita. Actually she hates hugs pero kapag kami ni Patrick ay ayos lang.

Pagkalas ko ay siyang biglang bukas ng pintuan, napunta ang tuon namin doon.

"Surprise! Merry Christmas! Happy birthday!" May mga dalang bouquet na bulaklak si Patrick at mga regalo. Taon-taon naman ganito siya sa amin e. "Hala! Hoy nerdy bird, bakit nandito ka na? Ang daya mo talaga!"

"Nye! Nye! Nauna ko sa 'yo.. Hoy ano'ng regalo mo sa akin?" Patakbo akong lumapit sa kaniya.

"Bulaklak lang, para kay Demi 'to lahat e.." pagkabigay niya ng bulaklak sa akin ay nagtungo siya kay Demi at niyakap ito. Sobrang sweet talaga ng gago na 'yan e saka napaka-protective niya sa amin.

"Wow ah, inggit ako. Bakit wala akong gift?" I pouted.

"Bakit? Maganda ka ba? Saka birthday mo ba?"

"Aray ah!"

"Tumigil ka nga Pat, ang ganda-ganda kaya ni Sandy. Bulag ka ba?" Lumapit si Demi sa akin saka hinawi ang buhok ko. Dumila pa ako kay Patrick na natatawang nakatingin sa amin.

Tuwing pasko talaga ganito kami, sino ba namang mag-aakalang magiging magkaibigan kami nang ganito katagal? Para sa akin mga kapatid ko na sila e, minsan sa hindi inaasahang pagkakataon makakahanap ka talaga ng matatawag mong pamilya.

Malaki ang respeto ko kay Demi, minsan iniisip ko nga kung ako 'yong nasa kalagayan nito? Makakaya ko kaya? Malamang hindi dahil dahil 'di naman ako gano'n katapang tulad nito at isa pa hindi ko kayang itago 'yong nararamdaman ko at magpanggap na masaya hindi kasi ako 'yon.

Hanggat narito kami ni Patrick sa tabi ni Demi hindi kami papayag na may mangyaring masama sa kaniya. Kaya nga Law ang kinuha kong course at si Patrick naman ay Criminology.Siguro naman kapag dumating ang tamang panahon mabibigyan namin ng hustisya ang pagkamatay nang pamilya ni Demi.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon