Chapter 46

53 6 1
                                    

 NP: Come to this  BY: Natalie Taylor

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: Come to this
  BY: Natalie Taylor

Wounded heart..

DEMI

Lahat kami ay nandito sa hospital pagkatapos mailigtas nila Ziedge si Kristoff. Grabe ang tinamo ni Kristoff sa kamay nang mga tauhan ni Lim halos hindi namin siya matingnan ng maayos dahil sa itsura nito. Napakadaming sugat, pasa, at bukol.

Biglang dumating si Ziedge na yumakap sa akin. "Demi.." halatang pagod siya saka si Prince na kahit nakatulog na sila kahapon ay gano'n pa rin.

"Ziedge okay ka lang ba?" Hinila niya ako para maupo sa waiting area.

"Ivy is dead," bulalas nito na ikinagulat ko. "Nang iligtas namin si Kristoff ay naroon siya nagpaiwan doon tapos bago kami sumakay sa sasakyan may tatlong putok nang baril kaming nadinig.

"P-Pero paano ninyo nalaman na namatay si Ivy?" Hindi ko alam pero nagulat talaga ako at naguguluhan.

"Nagkausap sina Vana and Prince sa telepono."

"Paano siya namatay?"

"Hindi alam ni Lim na si Ivy iyon at binaril niya ito without knowing na anak niya pala 'yon," he added. Bumagsak ang aking balikat sa aking nalaman. Hindi pa ba natatauhan si Lim na halimaw na siya ngayon? Maski sariling anak ay napatay nito! Kailan ba siya mumultuhin ng sarili nitong konsensiya?

Hinawakan ni Ziedge ang kamay ko tapos hinarap ko siya at niyakap. Alam ko kasing malungkot siya dahil sa nangyari kay Kristoff. Best friend niya ito kaya alam ko kung gaano siya nag-alala para rito.

Sandaling humilig si Ziedge sa aking balikat habang hinihintay kung pwede ng dalawin si Kristoff.
Ilang sandali pa at humahangos si Sandy na palapit sa amin kaya tumayo kami.

"Kuya! Kuya!" Hinihingal siya, bumawi muna ito ng hangin bago nakapagsalita. "S-Si Kristoff?" Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Sandy na kusang bumagsak ang luha nito. Hinawakan ko ang kamay niya pero nanginginig ito.

"Sandy.. Ssh.. Ginagamot na siya wag ka ng umiyak," niyakap siya ni Ziedge tapos tahimik lang siyang umiiyak. Mahalaga talaga si Kristoff kay Sandy kahit na alam ko ang totoong feelings niya para kay Patrick.
Oo nga pala kaya wala si Pat-Pat ngayon ay dumating sina tito Jerald at ang mommy nito na galing sa business trip, madalang kasi silang magkita kahit ako ay miss ko na ang pamilya nito siguro'y kapag maayos na ang lahat saka ko sila dadalawin.

Mayamaya pa ay lumabas na ang Doctor at kinausap na si Ziedge pagkatapos ay pumasok na kami sa silid ni Kristoff. Nakabenda ang halos kalahating katawan nito nalinis na ang mga sugat pati sa mukha niya. Napahamak siya dahil sa akin, alam ko kasi sa akin lang naman galit si Lim at malamang natuklasan na nito ang pagtulong sa akin ni Kristoff.

Nilapitan ni Sandy si Kristoff, umiiyak na naman siya na hinawakan ang kamay nito. "K-Kristoff please wake up.. Marami ka pang kuwento 'di ba? Makikinig lang ako pangako at hindi ako magsasawang pakinggan ka sa mga bagay na nakakasakit sa iyo," iyak siya ng iyak kaya lumapit si Ziedge para patahanin si Sandy.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon