Chapter 13

90 6 2
                                    

NP: And I'm hereBy: Kim KyungheeOST of GOBLIN(c) KINOFML via YouTube P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NP: And I'm here
By: Kim Kyunghee
OST of GOBLIN
(c) KINOFML via YouTube
P.S : Ang sakit kasi nung kanta...
_________________________


My nightmare...


DEMI

"Mommy, Daddy,— Alison!" Hinihingal akong nagising. Napanaginipan ko na naman!

Bumangon ako ng kama at nagtungo sa wash room para maghilamos. Pinagmasdan ko ang aking sarili na lumuluha, hinaplos ang salamin ng paulit-ulit. Pakiramdam ko ngayon binibiyak sa dalawa ang ulo ko at naninikip ang dibdib ko kaya napasalampak ako sa sahig. halos gumapang na ako pabalik ng kama, hinalungkat ko sa drawer ang gamot at madali itong ininom. Napabaluktot ako sa kama at hinihintay na pakalmahin ako ng gamot pero bakit ang lakas nitong sakit na nararamdaman ko? Pakiwari ko'y dinudurog niya ako!

Paulit-ulit ko na lang ba 'tong mararamdaman? Ang daming gumugulo sa isipan ko, ayaw akong patahimikin nang nakaraan!

"AAAHHH!" Humihimig ang sakit mula sa nakaraan, pilit akong pinapasuko nito. Wala akong magawa kun'di ang pumalahaw ng iyak.

Simula nang lumipat ako sa apartment na ito tila ibinato sa akin pabalik ang sakit nang nakaraan. Ginusto ko ito ngunit pakiramdam ko'y ayoko ng lumaban, gusto ko na lang maglaho.

Nakahawak ako sa aking dibdib parang hindi ako makahinga sa sobrang paninikip nito. Hinayaan kong umagos ang mga luha mula sa aking mga mata.

In the face of excruciating pain and uncertainty, I lost hope and all I want is to stop fighting!

Gusto ko ng huminto. Nakakapagod din palang magpanggap na okay ka lang. Gigibain ka pa rin pala nang nakaraan. Pahihirapan ka habang nabubuhay ka. Nawawalan nang silbi ang panibagong akala mo'y ikaw. Lumang pagkatao mo na hindi kailanman magbabago. Kahit ano'ng pagsisimula mo ay tataposin ka pa rin. Dinurog ka na at muli kang dudurugin.


Kinabukasan paggising ko ay buong akala ko'y magiging maayos na ang pakiramdam ko. Mali na naman ako! Sinikap kong tumayo at maligo sa banyo. Malamig na tubig ang bumuhos sa akin, pumikit lang ako at hinayaan ang pag-agos nito.

Pagkatapos ay nagbihis lang ako saka kumain ng kaunti. Medyo madilim pa nasa pasado alas-singko pa lang. Lumakad ako upang mag-abang ng bus. Wala sa loob ko ang pagsakay dito.

Doon ako pumwesto sa tabi ng bintana. Nakatingin lamang ako sa daan at pinanunuod ang bawat madaanan nito. Gusto ko sanang umidlip pero may tumabi sa akin, isang gwapong lalaki pero hindi ko maintindihan kapag nakakakita ako ng lalaki hindi ko maiwasang makipagtalo sa isipan ko na mas higit para sa akin 'yong Ziedge. D*mn! Ano bang sumasagi sa isipan ko!?

"Miss? Sa Asul na tubig din ba ang punta mo?" Bahagya akong nagulat. "Sorry.." Asul na tubig? Hindi ko kasi alam.

"S-Sumakay lang ako bigla, pasensya na."

"Seryoso? Mukhang malungkot ka miss, sorry ha pero 'yon ang nababasa ko sa mga mata mo," umiwas ako ng tingin at ibinaling ang tuon sa bintana. "Alam mo bang may kasabihan ang mga matatanda tungkol do'n? Kung may mabigat ka raw na dala-dala sa dibdib mo iligo mo raw doon at pag-ahon mo buburahin nito ang lahat nang sakit na nararamdaman mo," napalingon ako sa kaniya.

"Alam mo kung maniniwala ka sa kasabihan niloloko mo lang ang sarili mo, kung ano 'yang sakit na nararamdaman mo buong buhay mo ng kasama 'yon at kung mamalasin ka naman araw-araw nitong ipapaalala sa 'yo ang nakaraan. Hindi lahat ng tao kayang dalhin 'yong sakit, marami nang sumuko at may iilan na nilalabanan 'yon pero alam mo sana may pagpipilian na lang,"

"Pagpipilian?" Ulit nitong sambit.

"Kung pwede na lang bang mabuhay ng walang ala-ala na walang pagmamahal o mabuhay ng puno nang masasakit na ala-ala na may pagmamahal. Ano ang pipiliin mo?"

"Ang mabuhay ng puno nang masasakit na ala-ala na may pagmamahal. Bakit? Kasi walang silbing mabuhay sa mundo kung wala kang ala-ala at walang pagmamahal, mga takot harapin ang masasakit na pangyayari sa buhay. Minsan sa buhay kailangan mong maging matapang kahit pa pinasusuko ka na nito. Malay mo hindi natin masabi na iyon pala ang daan para maging masaya ka.. Sumubok ka lang hanggang sa may paraan pa at least may ginawa ka para maibsan 'yong sakit," I smiled bitterly. "Tupe nga pala, and you are?"

"Demi.." tipid kong sagot pero ngumiti ito.

Destiny ba na makilala ko 'tong lalaking ito? Akala ko wala ng ganitong klaseng tao tulad nila Sandy at Patrick pero may iilan pa rin.


Ilang oras pa ang lumipas nagising ako. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako kanina, paglingon ko wala na 'yong katabi ko.

"Asul na tubig, may bababa pa ba?" Nagmadali akong tumayo nang marinig ko iyon, pagbaba ko wala naman masyadong tao.

Kanina pa masakit ang paa ko, pag tingin ko nakasuot pala ako ng sandals tsk. Agad kong hinubad iyon at lumakad sa gilid ng kalsada, medyo malapit na ako sa dalampasigan.

Pakiramdam ko hinihila ng hangin ang buhok ko, bakit gano'n lalo akong nalungkot? Ang gulo ng puso ko..

Nang makarating ako malapit sa tubig umupo muna ako sa buhangin. Ipinatong ko ang aking mga kamay sa aking dalawang tuhod.


"Mommy! Daddy! Alison! Ano masaya na ba kayong lahat diyan sa langit ha? Ang dami kong pangarap kasama kayo pero naglaho na ang lahat. Hintayin niyo ako diyan please!" Sigaw ko sa kawalan. Napakalawak ng dagat, humahampas ang alon na parang sinasagot ako.

Ang lupit ng tadhana sa akin, pinaniwala niya akong magiging masaya habambuhay pero hindi!

I never got the chance to grow old with them.

Siguro kung bibigyan lang ako ng isang pagkakataon na makita muli sila. I won't hesitate to hug and kiss them and tell that, "Mommy, Daddy, and Alison, I love you so much."

Nagbabadyang bumagsak ang luha ko at matagumpay na umagos ito. Pinahiran ko iyon, tumayo ako at dahan-dahan na lumakad papunta sa tubig. Kinilabutan ako sa lamig ng tubig, nang hanggang umabot na sa aking baywang ay sinubukan kong lumangoy. Nakadilat ako sa ilalim ng tubig at pinagmasdan ang kagandahan nito.

Pag-ahon ko ay tila hinahabol ko ang aking paghinga. Umasa din pala ako na baka kapag naligo ako doon ay mahugasan at maglaho lahat nang sakit pero isa rin ako sa tanga na naniwala sa lalaking 'yon!

Humiga ako sa buhangin at pinagmasdan ang kalangitan. Tumawa ako ng tumawa hanggang sa umiiyak na naman ako. Naghahalo ang tawa at pag-iyak para na akong baliw.

"Ayoko na please!" Sambit ko. "Pagod na Pagod na ako!" Iyak lang ako ng iyak, parang bumalik ako sa umpisa.

Heto pa rin ako umaasang pagdilat ko hindi na masakit. Baka pagpikit ko hindi ko na makikita ang nakaraan. Kapag tumakbo ako maiiwanan ko 'yong sakit. Tatayo pero babagsak. Magkukunwari pero babalik sa katotohanan. Kakapit pero muling bibitaw. Ipaglalaban pero susuko na lang.

Ganito ako, kahit ilang beses akong lumaban at maging positibo sa buhay hinihila pa rin ako ng negatibong dumudurog sa pag-asa na baka sakaling mayroon pa.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon