Chapter 51

67 6 0
                                    

                                             NP: Sabik                           BY: Jireh Lim

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


NP: Sabik
BY: Jireh Lim

WARNING SPG

Batis..

DEMI

Pagkabalik namin sa bahay ay nakatambay si Kristoff sa labas. Sina Sandy at Patrick nag-aaway pa rin na dumiretso sa loob ng bahay. Umupo ako sa upuan na gawa sa kawayan at napalingon si Kristoff sa akin.

"Demi.." ngumiti siya pero bakit ang lungkot?

"Nag-aalala ka ba para sa mama mo? Alam ko, wala namang masama do'n dahil siya pa rin ang ina mo," pumitas ako ng dahon saka nilaro-laro.

"Mas mahal niya si Lim kaya ano'ng laban ko? Matagal ko nang tinanggap na hindi na kami magiging maayos ni mama," bumuntonghininga ako.

"Masaya ka ba dito?"

"Ha? Bakit mo naman naitanong?"

"Kung masaya ka talaga oo o hindi lang ang maaari mong i-sagot," tumawa siya. Bahagya akong tumingala dahil dumidilim na lumilitaw na ang mga stars.

"Ang ganda nilang pagmasdan 'no?" Nakatingala din pala siya. "Masaya ako Demi pero may pag-aalala kung ligtas nga ba tayong lahat dito. Masaya ako kasi nakahanap ako ng pamilya mula sa inyo."

"Bakit nga ba ang hirap i-maintain ng happiness?" Pumitas siya ng gumamela saka inabot sa 'kin kaya ngumiti ako.

"Ayan masaya ka na.. Palagi akong pipitas ng bulaklak para makita ang ngiti diyan sa 'yong labi."

"Kristoff hindi mo naman kailangan magpanggap."

"Minsan kailangan natin 'yon na panangga sa mga bagay na maaaring makasakit sa atin."

"Ang hirap magtago.. Just be yourself, mabuhay ka ulit na naaayon sa gusto mo. Marahil ay ito na ang panahon para umalis sa nakaraan."

Ngumiti siya ng maganda, this time mas lumutang ang kagwapuhan nito. Mabuting tao si Kristoff alam ko 'yon pero alam ko rin na marami siyang agam-agam katulad ko. Pagalingan lang talagang magtago.

"Sige pasok muna ako sa loob ng bahay, medyo malamig na kaya sumunod ka na lang ha," masaya siyang tumango.



Paakyat na ako nang makasalubong ko si Ziedge tapos nauna siyang umakyat tapos sa silid ko siya dumiretso kaya sumunod na lang ako.

"Minsan natatakot akong iwanan kang mag-isa," bahagya pa akong nagulat dahil bigla siyang nagsalita.

"Ziedge?" Tumabi ako sa kaniya sa upuan.

"Kristoff is my best friend. Alam ko noon na mayroon siyang gusto kay Sabrie pero nagparaya pa rin siya basta maging masaya lang ako. Hindi niya alam na alam ko. Ngayon ay tila naulit," malungkot niyang saad.

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon