Chapter 8

90 4 0
                                    

I met him again

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

I met him again..

DEMI

Pagsakay ko pa lang ng kotse ni Patrick ay ramdam ko ng may nakatingin sa amin. Mukhang kating-kati na si Lim Escuevas na patayin ako, pwes tingnan natin!

"Patrick! You know the rule!" Hinintay ko muna na sa walang tao kami kumilos para walang madamay.

"Yes ma'am!" Saka siya sumaludo.

"Hala! Demi! Ano 'yon?" Dalawang putok ng baril ang kanilang pinawalan.

"Sandy wag kang magpanic? Stay low!"

"Mamamatay na ba ako? Wah! Ayoko pa sasagutin ko pa 'yong manliligaw ko!" Hiyaw ni Sandy.

"Seriously Sandy? Sa ganitong sitwasyon talaga?" Tinawanan lang niya ako saka yumuko.

Humiga ako sa passenger seat at ipinatong ang aking paa sa hita ni Patrick na kasalukuyang nagdi-drive. Binuksan ko ang pintuan ng sasakyan saka pahigang pumwesto, itinutok ko ang baril sa gulong ng sasakyan na sumusunod sa amin.

"Patrick, pagbilang ko ng tatlo!" Tumango siya. "3, 2, 1! Harangin mo!" Kinalabit ko ang gatilyo ng baril at saktong-sakto ang pagtama sa dalawang gulong nito sa harap dahilan para mawalan sila ng control. Biglang pinaharurot ni Patrick ang sasakyan namin. Bago ko makalimutan, racer din kasi itong si Patrick kaya kapag ganitong ipit kami sa sitwasyon tiwala ako sa kaniya.

Pagbangon ko ay umapir ako kay Patrick.

"Nice shot! Wuhooo!" Tuwang-tuwa si Patrick.


"G-Guys? Wala na ba?" Dahan-dahan na umangat si Sandy.

"Wala na, dami mong naitulong e," pang-aasar ni Patrick.

"Tse!"



"Sandali!" Biglang nag-preno si Patrick pero sakto lang.

"Bakit Demi?" Bumaba ako saka pinagmasdan ang kabuuan ng lugar. Napatakip ako sa aking bibig, gustong kumuwala ng nagbabadyang luha sa aking mga mata ngunit napigilan ko.

"Demi.." mahinang sambit ni Sandy.

"T-Teka dito nakatayo ang bahay ninyo dati 'di ba?" Nagulat din si Patrick tapos bigla siyang tinapik ni Sandy sa braso.

Ngayon ay isa na itong apartment at may tatlong gate tapos may isang hindi pa occupied.

"Alam niyo tara na maghanap na tayo sa iba," hinihila ako ni Sandy sa aking braso.

"Hindi! Patrick kuhanin mo ang cellphone number ng may-ari at dito ako titira!" Napalingon silang dalawa sa akin.

"P-Pero Demi," malungkot na nagsalita si Sandy.

"Sige tatawagan ko na."

Pinagmasdan ko ang kabuuan nito, ang layo sa original na bahay namin noon. Dati halos hindi kami magkita-kita sa sobrang lawak ng kabuuan nito at ngayon may tatlong apartment na. Malayong-malayo sa nakaraan, dati iniiwasan ko ito saka hindi ko na rin alam noon kung nasa'n ang tittle ng lupa kaya hinayaan ko na lang.


Sumakay na kami sa sasakyan at natahimik kaming tatlo. Bigla kong namiss sila mommy, daddy, at Alison. Pero walang araw na hindi ko sila naiisip. Marahil ay kung nabubuhay si Alison ngayon ay thirteen years old na siya dalaga na sana, pero tatlong taon lang siya noon nang barilin ito na walang malay sa mundo. Ang sakit pa rin!

Ilang minuto pa at ininhinto ni Patrick sa tapat ng bakery nila ang sasakyan. Nakasuot pa rin ako ng mask.

"Dad?" Hinahanap ni Patrick si tito Jerald.

"Ay sir Patrick wala po ang daddy ninyo nasa police station po siya ngayon may meeting daw po," nakangiting tumango si Patrick at dumiretso sa kitchen.

Pinagmasdan ko ang kabuuan nito, naalala ko kung paano ako kinupkop ng pamilya nila Patrick noon. Sobrang suwerte ko nang mga oras na iyon, hindi nila ako pinabayaan.

"Demi dito tayo," hinila ako ni Sandy para maupo sa sofa.

Mayamaya pa ay dumarating na si Patrick at may dalang mga tinapay.

"Tadaaa! Cheese bread.." alam na alam niya kung paano ako kakalma. Paborito ko ang cheese. Itong cheese bread nila ang pinakasikat sa buong Dulce City, dinadayo pa nga ito e.

"Thank you Pat-Pat.." kumuha ako saka ito kinagat, halos mapapikit ako sa sarap ng lasa nito. Pakiramdam ko naglaho ang pait na nararamdaman ko.

"Hoy Patrick ayoko ng cheese, kukuha kong iba.." tumayo si Sandy saka namili ng kaniya.

"Nerdy bird bayaran mo 'yan ah!" Sigaw ni Patrick, alam kong biro lang iyon. Ngumuso si Sandy, pero pagbalik niya ay marami siyang inilagay sa tray nito, iba't ibang klaseng tinapay. "Hala! Patay gutom!"

"Bakit ba? Huwag ka nga makialam!" Inirapan niya si Patrick. Ito 'yong mga moments na ayokong mawala sa buhay ko. Paano kung wala sila? Ano na lang ako ngayon? Baka lumulutang na bangkay sa ilog!

"Demi.. Sigurado ka na ba na doon ka titira?" Tanong ni Sandy na puno pa ng tinapay ang bibig nito.

"Oo sigurado naman ako Sandy, wag niyo akong alalahanin okay?" Ngumiti lang sila.

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain at nagkuwentuhan like the old days. Para kaming magkakapatid na hindi mapaghiwalay.




Kinagabihan ay umuwi na rin ako sa condo ko, inihatid nila ako. Ayaw pa nila akong iwanan pero napa-uwi ko rin silang dalawa. Alam ko naman na nag-aalala sila pero ayoko ng dagdagan pa iyon. Kaya ko naman solohin lahat ng takot, at sakit. Ako na lang, wag na sila.

Halos kumpleto naman ang mga gamit ko rin dito. Mabuti na lang at dito ko naitago ang mga pictures nila mommy, daddy, at Alison.

Dumungaw ako sa bintana at kita ang matataas na buildings sa paligid, ang mga makukulay na ilaw na nagsisilbing liwanag sa buong lugar sobrang ganda. Bahagya akong kinilabutan sa pag-ihip ng hangin kaya isinara ko na ang binatana saka binuksan ang aircon.

Pabagsak akong humiga sa kama saka ipinikit ang aking mga mata. Ziedge Mendez, sino ka ba talaga? Bakit niya ako inililigtas ng paulit-ulit? Bakit niya itinataya ang sariling buhay para lamang sa akin? Sino ka ba?

Bigla akong bumangon. "Sh*t! Bakit ko ba siya naiisip?" Kinurot ko pa ang magkabilang pisngi ko.

Ipipikit ko na sana ang aking mga mata nang biglang may nag-doorbell at sunod-sunod 'yon. Hay nako mukhang sina Sandy at Patrick na naman. Tiningnan ko sa monitor walang tao tsk. Kinuha ko ang baril ko saka isinuksok sa likod ng bulsa ng aking pantalon.

Pagbukas ko ay agad ko siyang tinutukan ng baril. Halos malaglag ang aking panga sa nakita ko.

"H-Help me!" Halos manlaki ang mga mata ko, parang binugbog siya. "Pwede ba akong pumasok? Baka nasundan nila ako!" Pumasok na siya sa loob at nilinga-linga ko ang paligid mukhang safe naman.

Pagkapasok ko sa loob ay nakaupo na siya, ang dami nitong sugat sa mukha at braso.

"Z-Ziedge Mendez?"

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon