Chapter 55

51 5 0
                                    

The pain

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

The pain..

VANA

Pasko ba talaga ngayon? Ano'ng espesyal sa araw na ito? Gayong wala na ang mga kapatid ko? Si mommy halos hindi ko makausap ng maayos, alam ko kung gaano kasakit para sa kaniya ang nga nangyari. Sabi niya sa akin magsimula kami ulit pero parang malabo 'yon.

Nandito ako ngayon papunta sa mansion, hindi ko alam kung ano'ng pumasok sa aking isipan na puntahan si daddy.
Pagkababa ko sa taxi ay wala sa aking sarili na pumasok sa loob ng mansion at pinahintulutan naman ako ng mga guards.

Sandali akong huminto sa paglalakad nang masilayan ko ang paligid, napapikit ako at inalala ang mga panahon na narito pa sila. Paano nga ba nangyari ang lahat sa isang iglap lamang? I hate this pain! I hate everything that I feel right now!

Minsan iniisip ko na lang na sana'y hindi totoo ang lahat. Pero madalas ay naiisip ko na sana'y hindi ako sa pamilyang 'to nanggaling baka sakaling hindi ganito ang buhay ko. Gustuhin ko man na tumakas pero alam kong wala na akong lalabasan pa dahil kailangan kong maramdaman kung gaano kasakit ito.

Muli kong ipinikit ang aking mga mata saka huminga ng malalim.

Tuluyan na akong pumasok sa loob at nagtungo sa silid ni daddy. Hindi na ako kumatok at tumuloy na lang, bahagyang nagulat si daddy nang makita ako. Pero wala sa loob ko o pakiramdam man lang na gusto ko siyang yakapin.

"V-Vana?" Napatayo siya at humarap sa akin. "Anak ko.." pinabayaan ko siyang yakapin niya ako ngunit hindi ko siya ginantihan. Para akong tuod na nakatayo lang habang yakap niya, hindi ko na maramdaman ang sarili kong ama.

"H-Hindi ko alam kung bakit ako napadpad rito, mali yata ako ng desisyon." kumalas ako sa yakap niya.

"Anak, daddy mo pa rin ako. Wala akong kasalanan Vana, hindi ko sinasadyang patayin si Ivy no'ng araw na 'yon. Sina Craig at Andrew hindi ko rin kasalanan ang pagkamatay nila," paliwanag pa niya pero hindi ko makuhang maniwala. Alam ko naman e, gusto ko lang magbulag-bulagan sa mga nangyayari. Si kuya Andrew na malaki ang galit kay dad dahil sa mga ginawa nito sa kaniya at sa totoo lang hindi naman talaga namin naramdaman na mayroon kaming ama. Si kuya Craig na ipinaglaban ang pamilya namin ngunit sa hindi siguradong paraan, tumaya siya kahit alam nitong mapapahamak siya. At si ate Ivy na namatay sa kamay ni daddy, kung hindi niya iniligtas si Kristoff noong araw na iyon maaaring buhay pa siya. Lahat sila ay namatay nang dahil kay daddy at kay Demi!

"Aalis na ako."

"Vana ang mommy mo?"

"B-Bakit mo siya tinatanong? Masaya ka ba dad? Oh ngayon malaya ka ng pakasalan ang kabit mo!" Pinahiran ko ang aking luha. "Dad namatay ang mga kapatid ko! Ano ba sa tingin mo ang buhay namin ngayon? Sa tingin mo ba kakayanin namin makalimot agad ha? Ikaw dad, bakit ang bilis mong maging okay ha? Ni minsan ba sa buhay mo minahal mo kaming lahat bilang mga anak mo?" Inikom ko ang aking mga kamay.

Lumakad siya at sumandal sa pintuan. "Alam kong malaki ang galit ninyo sa akin ngunit ginawa ko ang lahat para ibigay ang lahat ng gusto ninyo dahil ayokong maranasan niyo ang naranasan ko noon na halos masaldak sa putik dahil sa kahirapan!"

"We don't need that dad! Your money? Ikaw lang ang may kailangan do'n dahil ang gusto lang namin ay ituring mo rin naman kaming pamilya mo. Si mommy i-respeto mo naman bilang kabiyak mo! Pero ano'ng ginawa mo? Nakuha mo pang kumaliwa! Alam namin kung ano'ng klase ang buhay na mayroon kami dad, binuhay mo kami sa pamamagitan ng pagbebenta nang mga droga, pero pikit mata na lang kami sa mga nasasaksihan namin lalo na ang pumatay ka ng ibang tao! Dad tao kami at anak ninyo hindi kami robot na sa tingin mo ay walang pakiramdam!" Halos hindi ko na napigilan ang aking sarili masabi lamang ang lahat nang 'to.

"Vana sa tingin mo ba hindi ko kayo mahal? Sobrang mahal ko kayong lahat!" Bulaslas niya.

"Alam mo pa pala ang salitang 'yan? Dad, ano nga ba para sa iyo ang pagmamahal ha?" Hindi siya nakasagot na tila nabigla sa aking tanong pero hindi na ako umaasa na alam niya ang magiging sagot do'n.

Marahan akong tumalikod at luhaan na lumabas ng kaniyang silid at tuluyan ng nilisan ang mansion. Pero hindi dito magtatapos ang lahat dahil isang araw tadhana na ang maniningil sa kanila! Kay dad at Demi na naging sanhi kung bakit nagkaganito kami!




Pagkauwi ko ay naabotan ko si mommy na nakatungo lang sa binatana at tila wala sa kaniyang sarili. Hindi man lang niya ako napansin na pumasok sa loob ng bahay.
Nilapitan ko siya at humilig sa balikat nito.

"Mommy," napaluha ako. Matapang akong tao pero bakit kailangan kong manghina ng ganito? "Mommy kaya pa ba natin? Paano ba tayo magsisimula ulit kung ikaw mismo sumusuko na? Mommy please."

"Dapat pa nga ba tayong magsimula? Sabihin mo naman sa akin Vana kung paano maghihilom ang aking puso mula sa pagakawasak? Akala ko kaya kong tumayo at humawak sa iyong kamay upang hindi ko maramdaman na mag-isa lang ako pero masyadong malakas itong sakit nararamdaman ko na para bang wala ng kataposan pa," tumulo ang luha niya at tumingin sa kawalan.

Hindi ko alam pero kung sumusuko na si mommy paano ko siya itatayong mag-isa? Gayong pati sarili ko'y sa kaniya naka-depende? Mas nangingibabaw itong galit sa puso ko ngayon. Hindi ako pwedeng manahimik na lamang at umiyak sa isang tabi na parang kawawa, kung mayroong magbabayad sa mga nangyari ay dapat ko lang na singilin na higit pa sa utang na ginawa nila!

Hindi ko mapigilan na sa sobrang galit napaiyak na lang ako at sumalampak sa sahig saka napasandal. Pagod na pagod na ako ngayon pero sisiguraduhin ko na hindi ako titigil hanggat wala sa aking kamay ang kanilang bayad! Isang araw ay babalikan ko silang lahat para maningil ng doble!

Feuillemort (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon